Kabanata 7

17 3 0
                                    


HINDI makapaniwala si Mira na iyon pala ang iniisip sa kanya ng lalaking ito.

"Ngayon sabihin mo sakin, hirap na hirap kana ba talaga  na handa kang lunukin ang karumihang ito para lang kumita ng pera?!"

Walang kwenta pala ang lalaking ito eh! Napalabi siya at napailing iling bago tumalikod dito at nagsimula ng maglakad papalayo. Ayaw na niya itong pag aksayahan ng oras. Mabuti ng wala itong alam dahil wala na siyang balak na magpakita pang muli sa papa niya at mas lalo na sa lalaking ito!

Naramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya kaya naman ng humarap siya dito ay gigil na umigkas ang kamao niya sa mukha nito. Napatras ito dahil sa suntok niya.

Sapo nito ang ilong at gulat na gulat sa ginawa niya. "what was that for?"

Muli niyang inigkas sa ere ang kamay at tumama iyon sa pisngi nito. 
"Tumigil ka nga. Napaka bayolente mo naman. Para sayo din naman ang ginagawa ko!"

Akmang sasampalin niya ulit ito ng hawakan na nito ang dalawa niyang palapulsuhan.

"Ang kapal ng mukha mong husgahan ako. All this time pala marumi ang tingin mo sakin, bakit kapa lapit ng lapi?! "

"Just because I don't want you to ruin your future by throwing yourself to those...!" Hindi nito matuloy ang nais sabihin. Halatang di sanay magsabi ng masasamang salita. Fuck lang yata ang alam na mura.

" Ano? Sige murahin mo! Kundi ako ang mumura sayong gago ka! "

"Bakit mo ba kasi to ginagawa? Nasan ba ang mga magulang mo? Alam ba nila ang mga pinagagagawa mo sa buhay mo? "

Mariin niyang nakagat ang ibabang labi dahil sa pagkapikon sa lalaking ito.

"Tanungin mo tatay ko sige nga. " Hamon niya. Wala na siyang pakialam kung malaman nito ang tunay na relasyon niya sa tatay niya para tigilan na siya nito. Total ubos na ang pasensya niya damuhong ito.

"Sino ang papa mo? Halika ihahatid kita sainyo. Sasabihin ko kung ano ang pinagagagawa mo sa buhay mo."

Nang uuyam na bumunghalit siya ng tawa.
Hindi niya alam na may concern citizen pala sa kanya.

"Tanungin mo si Fidel Del Rosario. Siya ang tatay ko. Ano?"

Dahan dahan nitong naibaba ang pagkakahawak sa mga kamay niya at hindi ito nakahuma sa nalaman mula sa kanya. Kumiling pa ang ulo nito at kunot noong napatitig sa kanya. Siya naman ay taas noong nakahalukipkip sa harap nito.

"Si tito Fidel?"

"Opo kamahalan. Kung iniisip mong kabit ako ng tatay ko pwes nag kakamali ka. Very wrong po yang utak niyo. Akala ko pa naman matalino ka pero yung source niyo very poor."

"H-how? He is very faithful to Tita Isabela. Hindi niya magagawa ang magtaksil."

"Hindi naman talaga siya nagtaksil technically, kasi una kami ng mama ko bago yung pamilya niya ngayon. Ngayon kung tapos kana, may pasok pa ako bukas ng umaga. kailangan ko ng makauwi at matulog! " Sabi niya at tumingin tingin sa kalsada baka sakaling may dumaang tricycle at ng makasakay na siya pauwi.

"Wait .. " pigil nito sa kanya.
" Let's talk first. I want to clear things from you. "

" Ano paba ang gusto mong malaman?! Hindi ako pokpok katulad ng iniisip mo. Oo nagtatrabaho ako sa El Paraiso  pero bilang Waitress! Hindi dahil nagbebenta ako ng sarili doon! " Halos manakit na ang lalamunan niya sa kakasalita sa walang hiyang lalaking ito. Hindi na talaga niya mapigilan ang galit na nararamdaman. Ang lakas ng loob mag isip ng masama tungkol sa kanya!

"I'm sorry. All this time akala ko mistress ka ni tito Fidel kaya binabantayan kitang hindi makalapit sa kanila. "

"Ngayong nalaman mong hindi, tigilan mo na ako pwede?! Wala na akong balak magpakita sa pamilyang yon. Ilang beses ko bang sasabihin sayo?! "

My Memories of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon