Kabanata 37

10 0 0
                                    

NAGKASALUBONG ANG mga kilay ni Mira nang mamataan si Elias na naka upo sa isa sa mga upuan ng kanyang restaurant. Napatingin siya sa suot na relong pambisig at nakita niya na alas dies na ng umaga.

Kanina pang alas sais yata tumawag ang isa niyang staff para ipaalam sa kanya na naroon nga sa kanyang resort si Elias at umalis naman agad nang malamang wala sila doon. Kaya nagulat siya na naroon uli ang binata at mukhang sila ang hinihintay nito.

Agad na tumayo si Elias ng makita silang papasok ng resort. Agad na bumaba ang mga mata nito sa batang akay akay niya papasok.

"M-mira.."

"Anong ginagawa mo dito? Ayos kana ba? Baka kailangan mo pa ng pahinga." Aniya sa banayad na tinig. Tinatantya niya ang kalagayan nito.

"I'm okay.. gusto ko lang na makausap ka. Please ." Anito sa nakikiusap na tinig. Hindi maalis alis ang titig nito kay Elisse.

Huminga siya ng malalim at tumango tango. Mukhang hindi na rin siya makapag hintay na mapag usapan ang tungkol sa sitwasyon nila ngayon.

May sakit parin siyang nararamdaman sa puso niya para sa kanyang anak. Lalo na ng sumagi sa alaala niya kung pano ito ituring ni Elias na para bang ibang bata noong bumalik ito. Alam niyang may amnesia ito noon pero hindi parin niya maiwasang masaktan para Kay Elisse.

"C-can I h-hug her, please Mira?" Nanginig ang boses ni Elias. Nakikita rin niya ang pamamasa ng gilid ng mga mata nito.

"Wala pa siyang alam Elias. Ayoko siyang biglain."

Hindi pa alam ni Mira kung paano bubuksan sa anak niya na ang Tito Elias na nakilala nito ay siyang totoong ama pala nito. Bata pa si Elisse. Hindi pa nito maiintindihan ang lahat kaya gusto sana niyang dahan dahanin dito ang pagpapakilala Kay Elias.

Binalak na sana niya noon na kahit Anong mangyari ay Hinding hindi niya ipapakilala si Elias Kay Elisse pero pagkatapos niyang malaman ang lahat ng nangyari sa binata noong nawala ito, nakaramdam siya ng awa para dito.

Gustong niyang lawakan ang pag iisip para maging fair siya pagdating sa anak niya. Walang kasalanan si Elias. Yon ang totoo. Nawalan lang ito ng alaala kaya hindi nakabalik sa kanya. Kaya hindi nagpakita sa kanya. Ayaw na niyang dagdagan pa ang paghihirap nito at alam niyang sa huli ay pare-pareho lang silang mahihirapan.

"Ngayon lang Mira, Please. Kahit ngayon lang. Matagal na panahong hindi ko siya nakasama. Hayaan mo akong mayakap siya kahit ngayon lang." Pilit nitong pinatatatag ang boses pero nakikita naman niya sa mga mata nito ang sakit ng kalooban.

Mariing siyang pumikit Saka tumango. Ngayon lang. kahit ngayon lang maramdaman ng kanyang anak ang init ng yakap ng tatay nito.

Ganitong ganito siya noon. Ganitong ganito siya noong mga panahong gustong gusto niyang kilalanin siya ng kanyang papa. Kaya alam niya ang pakiramdam ni Elias.

Dahan dahang lumuhod si Elias para mag pantay ang mga mukha nito at ni Elisse. Nakita naman niya ang pagtataka sa mga mata ng anak kaya naman nagsalita na siya.

"Elay, uhm.. si T-tito Elias kasi namiss ka raw niya. Pwede ka ba niyang yakapin saglit?"

"Really po Tito Elias?" Tanong ni Elisse na may sigla sa boses.

"Yes my baby...Can I hug you?"

"Sige po. Namiss din Po kita."

Nakangiti pa ang anak niya ng bigla itong hilahin papalapit ni Elias at ikinulong sa mga bisig nito. Parang pinipiga ang puso niya ng makita ang mariing pagpikit ni Elias at pagpipigil sa sariling umiyak. Pero kahit na pinipigilan nito ang sarili ay may iilang luha parin ang nakatakas.

My Memories of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon