"MOM, this is Mira, my girlfriend. Baby, this is my mom. You can call her Tita Lorna." Pagpapakilala ni Elias sa mommy nito."G-good afternoon po." Alanganing bati niya sa may edad nang babae.
Napakaganda nito at sexy parin. hindi mo aakalaing nasa early fifties na ang edad nito. Kung hindi niya lang alam na nanay ito ng boyfriend niya, iisipin niyang ate lang ito ni Elias.
"Welcome sa aming bahay, hija. I'm so glad that finally, my son brought you here."
Nakangiti itong lumapit sa kanya at bahagya siyang napaatras ng akmang yayakapin siya nito."P-pasensya napo kayo ma'am. Hindi po ako bastos nakakahiya lang po dahil pawisin po ako galing sa byahe. Sorry po. " Agad na hingi niya ng paumanhin ng makita ang pagtataka sa mukha nito dahil sa pag atras niya.
Marahan itong ngumiti sa kanya.
"It's okay I understand. and it's not ma'am. Call me Tita Lorna, Please. Pasensya na rin at masyado lang akong excited na may ipinakilalang girlfriend saamin itong si Elias. C'mon, nagpahanda ako ng makakain dahil alam kong pagod at gutom kayo. " saka nauna ng maglakad sa kanila.Napahinga siya ng malalim ng makalayo ang mommy ni Elias.
"Hey, it's alright baby. Mababait ang parents ko. You have nothing to worry about." Masuyo siyang niyapos ni Elias para pagaanin ang loob niya.
Hindi niya alam kung bakit kahit na maayos ang pagtanggap sa kanya ng mommy ni Elias ay may mabigat parin sa dibdib niya. Siguro hindi maalis sa isip niya ang estado nila sa buhay.
Iginiya siya ng binata papasok sa isang kwarto kung saan naroon ang mahabang mesa na parang may fiesta sa dami ng nakahandang pagkain.
"M-may bisita ba kayong darating?" Bulong niya kay Elias.
" Meron, ikaw. "
" Seryoso nga. "
Nagpakawala ito ng mahinang tawa saka humarap ng maayos sa kanya.
" Masanay kana sa mga ganito, Mira. Dahil ngayong nakapunta kana dito saamin, palagi na kitang dadalhin dito kapag bakasyon mo sa school."
Nahihiyang lumagpas ang tingin niya sa mommy nito na nag aayos ng mga pagkain kahit wala naman nang babaguhin pa doon. Bahagya itong nakangiti at lihim na nakikinig sa kanila. Tumikhim siya at hindi na sinagot si Elias dahil hindi siya komportable na pag usapan ang tungkol sa kanilang dalawa sa harap ng mommy nito.
"Kumain na tayo. Anong oras na." Yaya ng ginang at inilahad ang mga upuan sa harap nilang dalawa.
Tumango siya at tipid na ngumiti dito. Huhugot na sana siya ng upuan ng unahan siya ni Elias. Walang imik nalang na naupo siya doon at agad namang naupo ang binata sa tabi niya. Sa harap ni Elias naupo ang mommy nito.
Agad ang pag aasikaso sa kanya ni Elias. Kung anu-anong hindi pamilyar na pagkain ang nilalagay nito sa pinggan niya.
"E-elias, ako na. Kaya ko naman." Nahihiyang sabi niya. Baka isipin ng mommy nito na inaalipin niya si Elias kapag naroon ito sa kanila.
"Let me. Gusto kong inaasikaso ka kapag narito ka saamin dahil ganito niyo ako asikasuhin kapag naroon ako sa inyo."
"Syempre bisita ka namin. "
" Bisita kadin namin ngayon. At soon magiging bahay mo narin ito kaya maging feel at home kana sana. Right mom? "
Lihim niyang tinampal sa hita ang binata dahil sa pinagsasabi nito. Ramdam niya ang pag iinit ng mukha.
"Of course, son." Sagot naman ni tita Lorna. Mahina itong natawa at magiliw silang pinagmasdan.
"Mira , I heard so much about you hija. At ngayong nakilala na kita, no wonder why my son got smitten with your beauty. You're really beautiful. At sa pagkakakwento niya, you have an amazing family. At masaya ako na nakikita kong masaya ang anak ko kapag kasama kayo."
BINABASA MO ANG
My Memories of You
RomanceMira and Elias' paths meet unexpectedly. But that meeting was the beginning of their good friendship. But what if Elias suddenly disappear when what happened between them bears fruit? Will Mira be able to forgive the man who ruined her dreams? Will...