Kabanata 13

15 1 0
                                    


"NAKU HIJO, Ngayon nalang ulit ako nakapasyal sa mga ganitong lugar simula ng magtinda ako sa palengke. Maraming salamat at dinala mo kami dito." Sabi ng mama ni Mira kay Elias ng mag kakaharap silang kumain ng pananghalian sa restaurant ng resort.

Matapos nilang mailagay ang kanilang mga gamit sa mga inuukupa nilang mga silid ay naglibot libot na sila sa buong resort. Tatlong kwarto ang kinuha ni Elias. Isa para sa kanila ni Maya, isa sa binata at isa rin sa kanyang mama at kay Mico na mayroong tig isa na kama.

"No problem tita Marissa. Masaya din ako na nakakapaglibot ako dito sa masbate at kasama ko pa po kayo." Sagot ni Elias.

"Ay sobrang blessed namin na dumating ka sa buhay namin anak. Napaka swerte ni Mira sayo kung ikaw ang magiging boyfriend niya. "

Napatikhim agad si Mira sa sinabi ng kanyang mama. Ito talaga, naisisingit pa sa usapan ang panglalakad nito sa kanya sa binata.

Nagulat nalang siya ng hawakan ni Elias ang kanyang kamay na nakapatong sa ibabaw ng mesa at kitang kita niya ang pagkakatigil ng kanyang pamilya sa pag kain.

"Tita Marissa, I want to inform you guys na kami na po ni Mira. "

" Elias!" Akmang aalisin niya ang kamay sa pagkakahawak nito ngunit agad iyong hinawakan ulit ng binata.

Napatikhim ang kanyang mama samantalang nabilaukan naman si Maya. Si Mico naman ay patuloy lang sa pagkain at hindi interesado sa nagaganap sa paligid.

" Ano ba kayong dalawa. Alam na namin na doon ang tungo ninyo. Nabigla lang kami at kailangan niyo pang maging pormal sa pag aanunsiyo na kayo na." Sabi ng kanyang mama na napainom ng tubig.

"Ayos lang sainyo ma? " Alanganin niyang tanong.

"Nasa tamang edad kana Mira. At kung ako ang tatanungin, si Elias lang ang pumasa sakin sa lahat ng manliligaw mo. Kaya okay na okay sakin na makipag boyfriend ka basta si Elias. "

" Ang lakas ko talaga sainyo tita. " Masayang tugon ni Elias.

" Alam ko namang maayos kang binata Elias. Walang problema sakin na makipag boyfriend itong si Mira, ang akin lang mga bata pa kayo. Alam niyo na ang tama sa mali. May mga sarili na kayong pag iisip."

"You Don't have worry tita. I know our limitation and rest assured po na wala akong gagawin na ikasisira ng tiwalang ibinigay niyo saakin. "

" Tiwalang tiwala ako sayo anak. Hindi kana iba saakin. Kaya ingatan mo sana ang anak ko. Alam mo ang nangyari saamin. Lalo na sa kanilang magkakapatid. Iyon lang ang hinihingi ko sayo Elias. Wag mo sanang papabayaan ang anak ko. "

"Yes po tita. Palagi po akong nakasuporta sa kanya and of course sainyo pong pamilya niya. I will always be here for her. "

Tahimik nalang na ipinagpatuloy niya ang pagkain. Gusto niyang maiyak sa sobrang sayang nararamdaman pero pinigilan niya at nakakahiya lalo na nasa harap ng pamilya niya. Baka lalo lang siyang asarin mamaya ni Maya.

Marami rami rin silang napag usapan tungkol sa mga lugar na napuntahan na ni Elias. Lalo na sa ibang bansa. Masayang masaya ang kanyang mama lalo na ngayong nalaman na sila na ni Elias. Mas lalo itong naging magiliw sa binata na ikinasisingkit nalang ng mata niya. Alam niyang botong boto ito kay Elias dahil bukod sa mabait at gwapo, mayaman pa.

"Sana pala pumusta ako tsk."

Nalingunan niya si Maya na nag pupunas ng tissue sa gilid ng labi.

"Ano?" Tanong niya ng hindi maintindihan ang sinabi nito.

"Sabi mo diba, pustahan tayo na hinding hindi ka mag bo-boyfriend hanggat di pa tayo nakakapagtapos ng pag aaral. Ano ka ngayon?"

"Bakit, alam ko bang mai inlove ako kay Elias? Saka nasabi ko yon noon dahil hindi ko pa siya nakikilala. "

My Memories of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon