HIDING VOWELS

62 3 0
                                    

S I M U L A


"Mama bakit ang pangit mo?"

"Mama one plus one nga!"

"Yiii si Mama bu-budots na yarn!"

"Ayiiii budots na 'yarn!"

"Mama I want chicken nuggets! Sa tagalog tortang manok,"

HALOS umusok ang ilong ko at pumutok ang mga ugat sa'king bunbunan. Nasa harapan ko ang lima kong mga anak na walang ibang ginagawa kung hindi magpapansin sa'kin. Busy ako sa pagpupunas ng sahig. Stress na stress na ako sa kanila. Pero mahal na mahal ko naman 'tong mga kutong lupang 'to. Kaya minsan kahit nagpa feng sui pa ako, wala na talagang lunas sa pagigi nilang suwail. Love ko sila-na kung sana talaga maaga ako nakapag alay ng manok sa rebulto ni Aleng Tabel-ang matandang may maitim na kaluluwa, at kahit batuhin niyo pa ako ng bato at kidlatan pa! Super mahal ko ang quintuplets-to the moon basta huwag ng may come back! Walang araw na hindi nila ako tinatantanan sa pambubuset sa'kin kaya minsan gusto ko na lang mag drama, katulad ng mga bida sa teleserye, mas bagay ako duon eh!

"Mga supot lapit kayo sa'kin," Sumimangot ang mga bata na lumapit sa'kin. Mga uto-uto talaga. Charot! Ako naman 'tong tawa ng tawa habang nakaturo ang isang daliri sa mga pagmumukha nilang nakuha sa'kin. Oo ang malas ko dahil kamukhang kamukha ko-chariz!

Agad nawala ang munting kasiyahan ko na parang bula sa mga naging sunod-sunod na pagpaparinig nila sa'kin.

"Baliw na 'to si Mama."

"Sinabi mo pa Ikarus, nakakaiyak!"

"Ano? Pa-tulfo na natin 'to?"

"Uyy huwag naman Odanus. Sa mental na lang. Ano masasabi mo, Arkus?"

"Kung ano sainyo Ikarus, 'dun din ako. Ikaw, Erkus?"

"Tulfo na lang. Tama si Odanus."

"Uranus in the house! Sa mental! Tapos ang usapan. Period. Tuldok! With padlock na rin."

Ang kaninang ma sigla kong magandang mukha sa pag tawa ay nauwi sa ngiwi at pagluha. Napatingala ako sa makulimlim na kalangitan at napaluhod. Nakataas din ang dalawa kong kamay. At sumigaw ng: "Walang himala! Huhuhuhu! Sasama ng ugali ng mga anak ko! Ba't sa'kin pa nagmana?!"

Nagsitaas din sa ere ang mga kamay nila dahil mga gaya-gaya nga ang mga kupal- pinalilibutan nila ako at nagsasayaw ng--budots at twerking. Aba peste!

"Ahu ahu! Blulu lulu!🎶"

"To the moon. Road trip!🎶"

"Skrt skrt!🎶"

"Hindi ko alam lyrics🎶
Pero to the moon🎶"

"Bahay...kubo. Road trip. Broom broom----🎶

Na-agaw lang atensyon sa'king pagda-drama at ang pambubuset ng mga bata ng marinig ang sigaw ni Aleng Tebelbel. Ang living transformer sa baranggay namin.

Kalahating biik at kalahating manok.

"Hoy! Magsibayad na kayo ng upa!"

"Bukas ka na mag-ingay T'ya Bilbil!" Sigaw ng anak kong si Ikarus. Natigil na ito sa pagtu-twerk. Twerk niyang 'di ko magets.

"Kaya nga . . . Pinang pupusta mo lang naman ang mga pera na sinisingil niyo e. Christmas kaya ngayon Tabel. Huwag ng singil."

Sa sinabi ni Odanus. Nakarinig kami ng paglagabog sa labas. Napatayo ako sa pagkakaluhod at nagkatinginan kaming mag-iina. Sabay-sabay kaming lumapit sa pangit na pintuan. Tinulak pa nila ako kaya inis ko silang liningon. Na-iiling na lang ako ng magsingiti sila sa'kin. Plastic.

Parang ako lang.

Anyways. Pagkabukas ko ng pintuan. Sabay-sabay kami suminghap. Palakihan ngala ngala. Sisigaw na sana ako ng naunahan na ako ng mga anak ko.

"O my gosh! Tulong mga kapitbahay! May patay sa labas ng bahay namin!"

"Ahuhuhu! Atulungan neyo kame." Sabay two joints.

"Tabelbel! Masamang damo ka! Alam namin 'yon. Kaya magka-count daw kami. Dapat gising ka na!"

"1000!"

"999!"

"998!"

"997!"

"996"

Napatampal na lang ako sa'king noo dahil sa pinagagawa nila. Baka ma-agnas na 'to si Aleng Tebelbel kung hindi pa namin 'to maidadala sa hospital. Napahawak ako sa ulo at mangiyak-ngiyak na pinagmamasdan ang mga anak ko.

Masama naman talaga ako pero bakit naging lima ang karma? Grabe. Mamatay ako nito ng maaga sa sama ng loob e.

@2022 EDITED

NOTE: Maiikili lang bawat chapters. Buang kasi ako. Minsan sabaw at hindi ko alam kung paano ko ikukwento ng maayos ang bawat pangyayari huhu😭. Naiiyak talaga ako kasi ba't ang dali lang i-imagine? Ang hirap i-typo!

Hiding Vowels Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon