XXXIX°

19 2 0
                                    

C H A P T E R: 39
Happy Happy Birthday! 😀😁🥳🥳🥳


THIRD PERSON P.O.V


BUSY ang mga tao sa Baranggay Bato-Bato dahil nagtutulungan ang mga ito sa paghahanda ng kaarawan ng magkakapatid na jejemon. Ang mga bata na gumulo sa kanilang mga buhay.

Marami talaga ang nagtutulungas sa gagawing handaan para maisabay na rin ang handa para sa darating na disperas na bagong taon. Ganoon kakuripot at keme na pagtitipid ang mga ginawa ng mga tao sa baranggay na ito.

Speaking of bagong taon . . . Isa din ito sa mga sign at mga possibilities  na magbago na ang ikot ng buhay niyo. Katulad na lamang sa pagbabagong buhay, na puwede na rin sa pagbabago ng asawa at kasintahan. Bagong bahay at lupa. Bagong character sa storyang ito dahil kahit ako na Author ay nasi-stress na sa mga feeling bisa sa kuwentong ito.

Ang ating bruha na bida bida ay haggard na haggard sa pagtutulong sa pagluluto. Dahil busy siya, hindi niya alam kung nasaan na naman napadpad sa mga kasulok sulukang kanal napunta ang kaniyang mga anak.

Kung itatanong niyo ako kung nasaan nga ba ang mga ito?

Puwes---hindi ko din alam. Isang hamak lang naman  ako na Author sa storyang ito. Na walang makukuha na good manners and right conduct.

Samantala, agaw atensyones ang lalaki nakatakip ang buo nitong  pagmumukha ng damit na trip niyang gawing mask---nagmumukha ito na construction worker sa ayos nito. Kanina pa siya tinatanong mga tambay kung may trabaho ba ito pero todo iling lang ang totoy natin

Mukha yata may isa talaga na tao ang naligaw ng landas mga kauto-uto. Hindi yata alam ng ating totoy bibong si Dalter Gray kung nasaan siya!

Call 9999.99 percent. Para tulungan siyang mapunta sa kaniyang totoong mundo.

Nagpupunas ng pawis si Consonant ng mabunggo siya kay Dalter, muntikan na matumba ang bruha at buti na lang nahawakan agad ng lalaki ang kaniyang bewang. Hindi niya naman nakikilala ang lalaki dahil takip din nito ang mata gamit ang neon green na shades na hiniram niya pa sa mga batang tumulong sa kaniya.

Pawis na pawis at namamaho na si Consonant. Mabuti na lang talaga at walang pang amoy si Dalter---eme lang!

Honestly speaking. Napatulala si Dalter sa kaharap niyang papikit pikit ng mata dahil nasisilawan talaga ito sa shades na suot ng lalaki.

"Hehe K-kuya! Baka puwede mo na ako bitawan. Nakapasok na kasi iyang kamay mo sa tiyan ko. Manyakis ka ba?"

Agad naman nabitawan ni Dalter ang babae at pasimpleng sumimangot. Wala kasi siyang nahawakan na taba. Hindi niya alam kung bakit siya nainis.

Bida bida talaga siya, ano? Sumagot kayo mga readers!

Don't forget to Vote and Comment. Brought to you by, Palmolive bongga bonga hair bounce.

Kanina pa tumutulong si Dalter sa mga kalalakihang gumawa ng pugon na siyang paglulutuan ng mga ihahanda para mamaya. Hindi niya maiwasang ma-amaze sa mga taong kilala ang kaniyang anak. Napapaisip tuloy siya kung papaano... kung nalaman niya ng mas maaga na may anak siya? Magiging ka-close din niya ba ang mga ito?

Ngayon, nalulungkot siya pero kahit kahit ganito, pilit niya pa rin tanggapin ang nangyari. Nagpapakatatag siya kaya nga uminom na siya ng Centrum Andvace para strong health ang immunity. Wala naman kasi siyang karapatan na magalit sa babae. Atsaka, mas mabuti ng tumulong na lang siya kesa magmukmuk.

Na agaw ang kaniyang atensyon sa pagmumuni muni ng may tumapik sa kaniyang balikat.

"Hoy Toy! Ibigay mo nga ito sa mga babae, luto na ang calderata. May kanin na din naman sila roon, baka mga gutom na ang mga iyon kaya ibigay mo na ito." Wala siyang nagawa kung hindi tumango at tanggapin ang malalaking mangkok na naglalaman ng linuto na ulam.

Hiding Vowels Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon