CH A P T E R: 6CONSONANT P.O.V
KATAPUSAN na naman ng taon at heto ako, magpapasko pa lang pero nagdadrama na agad.Mga ilang araw din ang lilipas at sa 31 ay birthday na namin ng mga anak ko . . . Ang mga anak ng dilim.
Napabuntong hininga ako habang kinakamot ang aking leeg.
Ang kati kasi.
Todo hingi ako ng tawad kay Aleng Tebel kahapon. Pinagsusugod ko din ang mga tambay na tropa ng mga anak ko na todo hingi naman agad ng tawad sa'kin.
Sa kanila kasi galing ang ukelele na ginamit sa panghaharana sa mga apo ni Aleng Tebelbel. Tulong tulong pa kami ng mga tambay na buhatin ang speaker na hiniram ng mga anak ko para sa panghaharana.
Basta talaga sa kalokohan effort kung effort sila.
Magkakatulong kaming anim na ayusin ang mga hinanda ko ngayong pasko. Mabuti na lang talaga at mayroon kaming maliit na ref para sa salad at coffee jelly na siyang paborito ng lima. Tinakpan ko muna ang mga hinanda kong chicken, spaghetti, puto, shanghai at chiffon cake para 'di madagit ng mga pusakal.
Mag-aalas diyes na kaya pinag-aayos ko ang lima dahil may balak kaming magsimba. May dala dala akong pitsel at mga ilang ibibigay na gulay sa simbahan. Papadasalan ko kasi ang lima kong mga anak. Malakas pa rin ang loob ko na magpapakabait sila, kahit isang araw lang!
Nakalagay lamang ang mga iyon sa eco-bag na kulay pula na dadalhin ko.
Pinilit ko silang magsuot ng polo at pantalon. Gusto ko magmukha silang formal tignan kahit ngayong araw lang ng pasko. Tigilan muna nila ang pagiging mga hype beast at maging minimi skustakli. Huwag muna ngayon sila magpaka jejemon!
Napangiti ako ng makita ko ang mga guwapo nilang mukha pagkalabas na pagkalabas ko sa'king kuwarto. Iisa lang ang kuwarto nila at malaki naman ang kama kaya hindi sila nagsisiksikan. Maraming mga picture ko ang nakadikit roon na nilalagyan nila ng sungay, at mga trashtalk-an o panlalait patungkol sa'kin.
Mabuti na lang talaga't at marami akong copy ng mga 'yon. Sayang kasi ang mga pictures. Ang gaganda ko kaya r'on.
Inayos ko muna pagkakasuot ko ng high waisted na pantalon, habang ang pang-itaas lang ay simpleng t-shirt na pula para love love lang---- na agad ko namang tinuck in.
"Ayos na? Aalis na tayo," nagsitanguan lang sila sa'kin. Pinabanguhan ko muna sila ng Johnson baby cologne, bago kami sabay-sabay na lumabas sa bahay. Natagalan nga lang kasi habang todo ko i-lock, ang mga pintuan at bintana ay kinikiliti naman nila ako.
Buset din talaga.
Nakahanda na ang ireregalo ko sa kanila. Kahit naman mga ganiyan ang mga iyan, e' lab na lab ko ang quintuplets. Tanggap ko ang mga ugali nila lalo na kung gaano sila kasama.
Katanggap tanggap.
Habang naglalakad kami sa daan, hinahayaan ko lang sila na magbulungan. Plano ko ding sorpresahin ang mga pasaway na'to dahil binabalak ko silang itapon- este ipasyal sa Centro bukas.
Ang Centro ay isa sa mga malaki at kilalang kilalang lugar sa bansa. Puro buildings, malls, restaurants at boutique- lahat kumpleto na. Mayayaman ang mga nakatira roon. Puro mansiones or subdivison na sikat na sikat talaga at tinitirhan ng mga mayayaman.
Mapait akong napangiti.
Dati . . . sa lugar na iyon umiikot ang buhay ko. Pinapa-aral ako ng isang foundation dahil ang goal kasi nila ay makatulong sa mga na ulila. Doon ko halos nilaan ang teenage life ko. Nandoon sa lugar na iyon ang dalawa kong kaibigan. Nag-aaral kasama ang panlalandi kay 'ano'.
BINABASA MO ANG
Hiding Vowels
HumorSTORY: Hiding Vowels GENRE: Romance/ Comedy STARTED: 12/ 21/ 2022 POSTED: TUESDAY| 2/ 7/ 2023 ENDED: COVER: Credits to the rightful owner of this picture. (Pinterest) __ Maagang kumerengkeng si CONSONANT DANTE sa pag aakalang makakamit niya ang tru...