C H A P T E R: 29
THIRD PERSON P.O.V
SA kabilang banda naman ay nakakunot ang noo ni Dalter ng mahagip ng guwapo niyang mata ang limang bata na nagtatakbuhan, ang plano niya kaninang pagsunod sa kapatid ay nauwi sa pagtambay niya sa smoking area ng hotel na malapit lamang sa dinarausang event ng kaniyang mga kapamilya.Sa pagbuga niya ng usok sa sigarilyo, nasinghot niya ito kaya napaubo ubo ang kupal, habang ang abong mata nito ay nakatutok sa mga nagtatakbuhang nilalang.
Nakita niya ang isang babae na agad niya namang nakilala, ang tumawag sa kaniyang Ninong. Tumatakbo habang may hawak na pink na kahon. Mukhang napansin ng babae ang titig niya kaya liningon siya nito. Biglang tumigil ang pagtibok ng puso niya ng tila pinaglaruan siya ng kaniyang paningin. Kailangan niya na siguro ng reading glass.
Humahalo sa kaniyang paningin ang usok mula sa sigarilyo pero ng luminaw ang kapaligiran ay totoo nga talaga ang nakita niya. Nakilala niya ang mukha ng babae kahit ibang iba na ang tuwid na buhok kung ikukumpara niya noon.
Ang baliw na babaeng naghabol-habol sa kaniya, at ang nagpakilalang inaanak niya kanina ay.... iisa lang.
Ang bobo talaga nito ni Dalter.
After 7 years, makikita niya na lang ang babae na tumatakbo ng naka-paa habang ninakaw yata nito ang isa sa mga handa nilang yema-cake. Sinamaan siya ng tingin ng babae at inirapan pa.
Pero wrong moved ang ginawa ng bruha. Naumpog ang ulo nito sa sementadong dingding kaya natumba ang baliw na si Consonant, napahiga sa sahig at namimilipit sa sakit.
Ito na ba ang katapusan ng kaniyang buhay? Mawawala na ba si Consonant?
Charot!
Hindi alam ni Dalter ang kaniyang gagawin. Sa gulat ba naman kasi? Siyempre hanggang ngayon..... Star-struck sa mukha ng boring na pagbabago ng ating bida.
After 7 years. Inaamin na ni Dalter na hindi niya magawang makalimutan ang mukha ni Consonant. Hindi niya alam kung bakit. Pumunta siya sa mga albularyo dahil baka inakit siya o may ginawang kabaliwan ang babae sa kaniya, pero negative. Hindi siya pinaglaruan, wala siyang nalaklak na gayuma.
Bakit niya naman kasi makakalimutan agad ang mukha ng babae? E simula kasing may nangyari sa kanila. Hindi niya magawang makapag-concentrate sa work. Iyung pag-iyak nito ng pinalayas ng kaniyang kapamilya at kapatid---kapuso. Tumatak sa kaniyang kokote, in short na guilty ang totoy natin mga kababayan.
Hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kaniyang maligno dahil nakita niya na lang ang sariling linalapitan ang nakahandusay na si Consonant. Nakatirik na ang mata nito dahil sa pagkahilo.
Gulat namang lumingon si Consonant ng makita siya kahit nahihilo pa ito.
"W-wassup Ninong?"
Hindi niya alam kung anong isasagot. Hindi ito pabebe pakinggan katulad kanina ng makita niya.
"Still the same-----" Napabuntong hininga siya at umiling. Speechless si Papa Dalter.
Napalunok pa siya ng makita ang lantad nitong hita dahil sa pagkakalihis na suot nitong peach dress. (Pero hindi naman gaano kaikli ang short ni Consonant. Manyakis lang talaga utak ni Dalter.)
Plano niya na sanang kargahin ang babae ng may bumato sa kaniyang likuran. Nakita niya ang ulo ng baboy sa kaniyang paanan. Wala na ang dalawang tenga nito at balat sa mukha. Hinarap niya ang limang bata na nakapameywang sa kaniya at masama ang titig. Madudungis ang mga mukha at gulo-gulo ang buhok (nakipagsabunutan kasi sila sa kanilang Mama sa ilalim ng mesa). Hindi din nagpatalo ang Dalter. Sinamaan niya din ito ng tingin.
BINABASA MO ANG
Hiding Vowels
HumorSTORY: Hiding Vowels GENRE: Romance/ Comedy STARTED: 12/ 21/ 2022 POSTED: TUESDAY| 2/ 7/ 2023 ENDED: COVER: Credits to the rightful owner of this picture. (Pinterest) __ Maagang kumerengkeng si CONSONANT DANTE sa pag aakalang makakamit niya ang tru...