C H A P T E R: 46
THIRD PERSON P.O.V
"WELL so ito pala ang kinaabalahan ng dalawang apo kong lalaki?" Tanong ng may katandaan na ginang. Karga karga niya ang kaniyang unggoy habang napapailing naman ang kaniyang asawa. Imbes kasi maglambingan sila ngayon ay busy ito mangialam ng buhay ng ibang tao.
Napaka chismosa kasi!
"Obvious naman po señiora, ulyanin ka na po talaga señiora, ano? Kahit picture hindi mo na naiintindihan kaya tanong ka ng tanong. Nakakairita na gurl . . ."
Sumakit ang ulo ng señiora dahil sa matabil na bibig ng kaniyang personal yaya.
Nanlaki ang maugat ugat niyang mata at hinarap ang kaniyang yaya na napa-atras dahil sa itsura niya, "Alam mo Peppy, manahimik ka na lang, hindi ko kailangan ang matabil mong bibig."
Nagpout ang dalagitang si Peppy at nagsenyas na isasara na lang niya ang kaniyang kissable lips.
Busangot naman na lumapit ang asawa ng señiora na si Don Hukluvan na hinalikan siya sa pisngi.
Masuka suka namang umiwas ng tingin ang yaya sa nakita. Kita niya kasi ang nangingitim nitong gilagid sa paghalik sa señiora Fabibi.
"Alam mo apple-syrup-my-love-so-sweat, hayaan mo muna ang dalawang binatilyong iyan at ng magpakasaya naman sila sa kanilang buhay, kita mo si Dalter labas gilagid kung makangiti sa mga anak niya."
Nag pout ang matandang si Fabibi at yinakap ang kaniyang asawa na isang tulak na lang ay goodbye to the world na— eme lang!
"Alam mo honey-love-bebe-ko-uwu! Kontrabida naman kasi iyang daughter in-law natin. Ewan ko ba kay Dexia at mukhang nahahanginan na ang utak."
Sumbong ng matanda sa kaniyang asawa. Napailing ang Don at pinakandong sa kaniyang hita ang misis.
Hindi na kinaya ng yaya kaya nag walk out na ito, kinuha niya muna ang unggoy na si Anna Hathaway, at tinakpan pa ang dalawang mata nito dahil hindi maganda sa mga unggoy na makakita bg rated SPG.
Ang dalawang matanda na lamang ang natira sa loob habang magkasabay pinapanood ang bawat patak ng ulan sa kanilang mamahaling bintana.
Malungkot kasi ang señiora ng hindi nakasama sa new year's celebration ang dalawa niyang apong lalaki. Lalo na ng naala ang kaniyang bunsong anak na alam niyang masaya na sa piling ng dugyuting si Sugar Sweet.
Alam niya kung nasaan ang anak pero hindi niya na inabala pa ang masayang pamumuhay nito. Wala siyang nagawa ng itakwil ito ng kaniyang Papa, hindi niya nagawang ipagtanggol ang bunsong anak dahil alam niya sa sarili na wala siyang kalaban laban rito. Malungkot niyang nginitian at masuyong hinalikan ang tungki ng ilong ng kaniyang pinakamamahal na aswa.
"Gusto ko na makilala at makalaro ang mga apo ko," malungkot na saad ng matandang si Fabibi.
Nginisihan siya ng asawa at ginalaw galaw pa ang papaubos nitong kilay.
"Gusto mo gawa ng lang tayo? You choose–girl or boy?"
Natawa na lang siya. Siraulo talaga!
Gusto niya naman alagaan ang iba niyang mga apo. Wala siyang choice na magtyaga na pakisamahan ang mga apo sa tuhod na walang ibang ginawa kung hindi mga nakahawak sa kanilang gadgets.
Nai-stress tuloy siya.
Napuno ng tawanan ang loob ng silid na ikinangiti ni Peppy, kanina pa siya nakasilip rito kasama ang unggoy na si Anna Hathaway.
CONSONANT
P.O.V
KANINA pa ako lakad ng lakad sa loob ng aking kuwarto. Kasalukuyang tulog na ang mga bata at mga tao rito. Ewan ko lang kung anong oras na pero ramdam ko na maghahating gabi na.
BINABASA MO ANG
Hiding Vowels
HumorSTORY: Hiding Vowels GENRE: Romance/ Comedy STARTED: 12/ 21/ 2022 POSTED: TUESDAY| 2/ 7/ 2023 ENDED: COVER: Credits to the rightful owner of this picture. (Pinterest) __ Maagang kumerengkeng si CONSONANT DANTE sa pag aakalang makakamit niya ang tru...