C H A P T E R: 20


40 MINUTES LATER . . .

Ilang minuto din ang hinaba ng aking kuwento ko sa kanila. Inabot din sila ng ilang segundo sa pananahimik.

"Ba't hindi mo sa'min sinabi?" Maluha luhang tanong ni Letter. Iniwas ni Drape ang tingin sa'kin at dumapo ang guwapo nitong mga mata sa mga anak ko na nagtatawanan. Si Letter lang talaga ang pangit.

Yumuko ako pero inangat ko pa din ang tingin sa kanilang dalawa. "Nahiya ako Letter. Huli ko na na-realize ang mga maling na gawa ko. Noong may nangyari sa'min dalawa, doon lang ako naliwanagan. Nakita ko ang liwanag sa kalangitan. Miracle ano? Anak ako ng dilim pero liwanag ng kalangitan ang nakita ko--- masakit 'yan!" Plano pa yatang ibato sa'kin ang wine glass. Napabuntong hininga na lang ako at ipinagpatuloy ang kuwento.

"Nakasira ako ng relasyon mga friend. Galit na galit ang pamilya niyo sa'kin Drape. Imagine-in mo.... kinaladkad nila ako papalabas at kumot lang ang takip-takip ko n'on sa katawan. Walang emosyon lang siyang nakatitig sa'kin habang pinalilibutan ako ng mga kapamilya niyo at pinagtatadyakan at pinagmumura." Umiiyak na umiling si Letter. Iyon naman kasi talaga ang totoo. Hinilamos niya ang mukha at tumingin sa katabi niya.

"Marami akong pinagkakautangan dahil sa mga luho ko Letter. Alam mo naman kung bakit, diba? Para lang mapansin niya at mag-mukhang maganda lang sa hot na hot niyang mata!" Pabebe akong ngumawa. Walang na akong luha kasi naiwiwi ko na.

"Tama na nga ang kabaliwan mo Consonant! Nakakainis ka e!"

Malungkot akong natawa at yumuko. "Nakakatawa diba? Kung kailan umaasa ako siya namang sasabihin niya na . . . Hiro lang ang lahat. Hindi ko magawang magalit sa kaniya kasi ginusto ko 'yon e. Ako mismo ang sumira sa buhay ko. Tama siya . . . Kaladkarin akong babae. Malandi at walang maabot sa buhay. Kita mo nga naman, at wala akong maayos na trabaho, kailangan ko mag todo kayod para sa mga anak ko-ilipat mo na nga Letter ang kanta- iyung kay Morissette. Gusto ko ng bumitaw- 'yan!"

"He said that?" Galit na tanong ni Drape sa'kin. Katulad din siya ng kuya niya. Guwapo sana kaso bingi din. Gusto ko umirap.

Malungkot ko na lang siyang nginitian. "Deserve ko din naman-"

"What else did he did to you at that time? Be honest Consonant!"

Umiling ako. "Pinikot ko nga e." Sinamaan niya ako ng tingin. Nagdadabog na tumayo si Letter pagkatapos mailipat ang kanta.

"Iharap mo sa'kin 'yang Kuya mo Drape! Papatatayin ko 'yan! Paaasa! Wala kang kasalanan friend! Paasa 'yon e! Dapat sinasaksak ang 'ano' non!"

Hiding Vowels Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon