C H A P T E R: 56
N♡TE: Na stress ako lately🤧, hindi ko kineri ang problema ko this day kaya masyadong ginanahan mag typo ngayon. Salamat pa rin sa mga sumusubok na basahin ang story ko. Huhu, thank you! Kahit bumabaduy na!
THIRD PERSON P.O.V
BUMABA ng hagdan ang ginang na si Dexia habang nakayuko at todo pa rin siya kinukudaan ng kaniyang mother in law. Kahit matanda na, likas pa rin ang pagiging rapper nito."Napaka ka talaga Dexia! How you can do this to your son?!"
"Ba't napaka bibo-bibo mo?"
"Ikaw ba si Jollibee na tutubi? Bida-bida lang?"
"What if nalason ng tuluyan ang mga apo ko?!'
"Kita mo pinagagawa mo Dexia?! Pa'no kung hindi magising ang dalagitang 'yon?!"
"Marami ka na ngang vulvol sa kepay mo! Ganiyang ka pa rin mag isip!"
Nalaman kasi ni señiorita Fabibi ang pinagagawa nito lalo na pagpapainom ng isa sa mga tauhan ng pampatulog. Hindi man niya gaano kilala ang babaeng nabuntis ng kaniyang pinakamamahal na apo at siya'y nag aalala pa rin. Stress na nga siya sa asawa niyang palamunin, umepal pa ang asawa ng anak niya na mukhang bisugo---eme lang!
Humarap si Dexia sa mother in law. "M-mommy naman, I'm sure na buhay pa rin siya! And please! Ina lang ako I just want the best for my children!" Pa-babe niyang sagot.
Umirap ang gurang. "Isa ka talagang fact and sheet of paper!"
"Mothertracker ka rin! Huwag mong idamay ang nanahimik kong kepay!"
"Pashnea! Lumayaws ka rito sa Lireo!" Feeling Amihan na saad ni señiora Fabibi. Naiinis namang sumimangot si Dexia kasi gusto niya siya si Amihan.
Mga sarili silang mura sa isa't isa. Kahit matagal na silang magkasama bilang pamilya, madalas pa rin sila magkasagutan.
Napailing ang matanda at liningon ang gen-z niyang yaya na si Peppy na hawak ang phone at naka-live sa Facebook ang drama nila. Trending sila ngayon sa Facebook.
"Peppy! Asan ang gamot ko?!" Naibaba agad nito ang cellphone at sumimangot ang dalaga, "aba'y ewan ko señiora! Ako ba ang may dala?"
Halos tumaas ang alta presyo ng matanda sa sagot nito. Nahimas niya ang kaniyang kilikili. "Asan na habang chillax pa lang ako?!"
Salubong na rin ang kilay ni Peppy, "Shunga lang? Kita mo naman na wala po, diba? Saka anong chillax? Ba't ka nakasigaw?"
"Baka gusto mo rin mawala----mawala na ng tuluyan sa trabaho?!" Napakamot ng leeg si Peppy at kinuha sa bulsa ng panty niya ang gamot. Hindi maiwasan mapangiwi si Dexia ng makita ang orange na panty nito. Nainggit siya dahil soen ang salawal na gamit-gamit ng dalaga. Nag level up nga lang dahil may pockets na. Naalala niya noong siya pa ay isang yagit. Ganiyan din ang kaniyang panty.
"Ang laswa mo Peppy! Pa'no kung makita ka ng asawa ko?! Siraulo ka ba talaga?"
Umirap na ito at nag pout. "Magugulat si señior at sasabihin niya---'huwaw! Is that a bird---aray! Joke lang! Hindi ko type si Don Hukluvan! Not good for myself!" Maarteng lintaya pa nito habang iniiwasan ang tungkod ng señiora na hinahampas sa kaniya.
"Walanghiya ka talaga! All this time? May pagnanasa ka sa honey-baby-sugar-heart-heart ko?"
Gusto masuka ng dalawa sa narinig na endearment ng matanda. Umepal agad si Dexia na ayaw mawala sa eksena.
"Oh my! Peppy?! Hindi mo naman sinabi na ang bet mo pala ay kaedaran pa mismo ng mga sinuanang unggoy?"
Sumimangot ang dalaga at umirap, hindi niya na talaga keri ang mga bunganga ng mga kaharap.
"Like, the paking tape?" Saad niya, hindi makapaniwala sa mga OA na pag iisip ng pamilyang pinagsisilbihan niya.
"Baka gusto mo masuntok, Dexia? Sinong unggoy?"
Bago pa man makapagsalita si Dexia. Nagulat sila ng marinig ang sigaw ng isang boses na kilalang kilala na nila.
"Nasaan sila?!" Dumagundong ang boses ni Dalter. Habang napapailing naman si Drape at Letter na hinihingal katatakbo. Napatakip ng bibig si Lola Fabibi. Kaso wala pala siyang kamay---eme!
"Apo? Ikaw ba 'yan?"
"Hindi La, si Drape. Si Drape," sabat ng pilosopong si Drape. Sumimangot ang matanda at pinakita ang pudpud niyang kuko habang naka-middle finger.
"May pagka walanghiya ka pa rin Drape---"
"Inuulit ko! Asan ang mga bata at si Consonant?" Masama ang tingin ni Dalter dahil sa pag aalala at stress. Wala pa siyang pahinga dahil galing pa sila ni Consonant sa pagtitinda kanina tapos heto pa ang nadatnan niya.
Gusto niya isumbat sa Author ang pagiging strees boy niya!
Si Dexia mismo ang sumagot sa tanong na anak. "Nasa kuwarto mo---" Kumaripas ang takbo nito habang nagugulat ang mga naiwang mga tao sa kilos niya.
Binilisan ni Dalter makapasok sa kaniyang kuwarto at nagulat ng makita ang nakahiga na tinatakpan ng kumot na si Consonant. Walang anu-ano'y siyang tumalon sa kama at yinakap ang babae. Malakas ang tibok ng kaniyang puso. Tunay na nag aalala talaga siya. Inalis niya ang kumot nito at yinakap pa lalo ang babae. Nasaksihan ng limang bata ang ginawa ng kanilang Papa sa kanilang Ina. Hindi talaga sila umalis sa silid ng kanilang Tatang Dalter dahil nakita nila ang malawak na bahay. Tinamad na sila. Meron naman sila nakita na mabait na taong nag iwan ng pagkain sa ibabaw ng maliit na mesa sa loob ng silid. Nabasa nila ang sulat roon na huwag daw sila lalabas.
Kaya 'di huwag?!
Hindi pa sila tapos kumain at halos natigil sa ere ang pagkain nila ng ulo ng isda. Naalis pa nila ang kanilang mga shades sa gulat.
May pagkaharot pala talaga ang kanilang Tatang Dalter.
"Mga utol . . . anong drama 'to?" Shock na saad ni Arkus.
Samantalang siniksik pa talaga ni Dalter ang mukha sa leeg ni Consonant na wala pa ring malay mapasa hanggan ngayon. Halos hindi makita ang babae dahil sa paran ng kaniyang pagyayakap. Malaki ang katawan ni Dalter samantalang payat naman si Consonant.
Pumasok din ang mga chismosa. At napanganga sa nakikita. Nagkatinginan si Letter at Drape. Habang hindi makapaniwala si Dexia. Dumating na rin ang kaniyang asawa galing sa bundok makiling. Naka-back pack pa ito na mukhang si Dora habang may kargang unggoy---ang papa mismo niya na asawa ni señiora Fabibi . . . si señior Hukluvan.
"Ba't ka may kasamang unggoy anak?!" Tanong ni Fabibi habang nakanguso ang itim nitong labi.
"Hindi pa ba sapat si Anna Hathaway na alaga ko?! Mas maayos pa 'yon kesa diyan sa hawak mo, low budget 'yan anak!" Madramang tumalon si Hukluwan sa pagkakarga nito sa anak. Napasinghap si Fabibi. In fairness. Marunong pala tumalon ang unggoy.
Napangiwi si Dragger at hinalikan sa labi ang asawang si Dexia na kontrabida ng mundo. "Sayo pa rin ako kahit masama ang ugali mo . . ." Bulong nito sa asawa. Napahagikhik si Dexia. Iyung tipong may kumakagat sa puwet niya ng pulang langgam.
Samantalang si señiora Fabibi naman ay marhan siyang linapitan ng kinikilala niyang unggoy na naluluha ito---una sipon bago luha sa mata, ang pinagkaiba nga lang sa kulay ng luha nito. Kulay brown. Dahil puro libagin ang mata ng matanda.
"F-fabibi may loves . . . ako ito si Hukluvan! Huhuhuhuhu!" At nag walk ang matanda. Agad naman sinundan ni Fabibi ang mister niyang mukha pala talagang unggoy. Naiiyak siya, kasi tama ang kaniyang daughter in law na maitim ang singit. May sa unggoy ang kaniyang husband.
Sa huli . . . nanakaw ng Fakluvan love team ang eksena ng mga bida-bida sa storyang 'to.
Itutuloy . . .
☆Vote & Comment
BINABASA MO ANG
Hiding Vowels
ЮморSTORY: Hiding Vowels GENRE: Romance/ Comedy STARTED: 12/ 21/ 2022 POSTED: TUESDAY| 2/ 7/ 2023 ENDED: COVER: Credits to the rightful owner of this picture. (Pinterest) __ Maagang kumerengkeng si CONSONANT DANTE sa pag aakalang makakamit niya ang tru...