XXIV

16 1 0
                                    

C H A P T E R: 24


LETTER
P.O.V


AT doon nagtatapos ang aking flashback.

Napangiti na lang ako ng maalala si Cartaphilus kanina, she's still look so beautiful kahit lalong pumayat pero halatang nag-mature na din ang katawan.

Maganda naman talaga si Consonant. Kaso ang payat talaga. Ganoon talaga ang mga pretty, beautiful imperfection kaming magkaibigan. Iyung maganda lang talaga ang ambag sa mundo kahit buang.

Napabuntong hininga ako. Ayaw ko man masaktan pero nalulungkot ako makita ang mga peklat sa kamay niya. Dulot yata ng paglalaba niya 'yon. Iyong buhok niyang kulot ay hinayaan niya ng bumalik sa dati. Hindi katulad noon na lagi siyang pumupunta sa salon at magpapa-reband. Kasi gusto raw ni Dalter ng 'gan'on' at 'ganito'. Lalo iyong mata niya na kahit may problema ang isang pares, ay hindi niya na pinapatungan pa ng contact lenses. Tanggap niya na kung ano siya. Bilang isang anak ng kadiliman.

Iyung balat niya ay hindi bumalik sa morena niyang kulay. Tama lang. Hindi maitim at hindi din maputi. Kung 'di tama lang talaga siya sa kaniyang kutis. Masasabing kong looking good at fine na fine ang aking friend. But exhausted dahil sa munting eyebags.

Pero super buang kasi si Conrus--- Baka kasi maguluhan kayo. Si Consonant at Cartaphilus ay iisa. Dati ang tawag sa kaniya ay Conrus minsan Concar. Madalas ay Cartaphilus. Si Drape lang noon minsan tumatawag sa kaniya ng Consonant dahil given naman na magkababata na ang dalawa. Ang daming ek-ek ano?

Ako naman, kung anu-ano na lang itatawag ko sa kaniya. Haharap at haharap 'yan kapag tinawag mo kahit hindi nga niya din pangalan, lilingunin ka niyan. Etchosera kasi!

Naiinis pa rin ako. Pero sabi nga ng Friend ko. Past is past na raw. Pero hindi ako maka-move on. Lalo na iyong mga kabob*han days niya!

"Tahong . . . " malambing na tawag sa'kin ni Drape.

"Bakit?" Sabay kindat ko sa kaniya at pakita ng braso ko, agad naman siyang natawa ng mapadako ang tingin sa kili-kili ko. Naka-sando akong pula at pinatungan ko lang ng cardigan na puti. Kaso nasilip ko na hindi pa pala ako nakakapag-ahit ng buhok sa kilikili. Ang paghawi ko pa naman ay pag-alis ng cardigan! Na shy tuloy ako.

"Ang lalago naman ng halaman mo, Tahong. Kailan harvest mo?" Sinamaan ko siya ng tingin at pinalo ko ang leeg niya, inump*g ko din siya sa manibela. Lumabas agad ang mga d*go niya sa bibig--- joke.

"Bibili ba tayo ng pagkain?" Tanong niya sa'kin habang nangingiwi. Tumango lang ako. Wala na ako sa mood magsermon no. Iniisip ko kung paano mapag-tri-itripan si Dalter. At paano ko maaahit ang aking kilikili. Hina-highblood ako ni Dalter e, gagawan ko na lang ulit siya ng article. Dapat nga din doon ihulog sa building niya. At napapano na naman ang siraulo? Balak daw nadagdagan ang 30th floor nito na building. Nakapagsimbang gabi ba ang lalaking 'yon? Hina-highblood ako e!




....

NA-IILING kaming dalawa ni Drape na tiningala ang pagkataas taas na hotel. Minsan talaga hindi mo mahulaan ang pag-iisip ng may-sapi mong kaibigan.

Nagbook ng hotel room ang magaling na si Consonant sa mismong pagmamay-ari ni Dalter Gray na hotel mismo. Siguro na akit ang kaibigan ko sa freebies at discount. May Holliday chu-chu kasi ang hotel na 'to lalo na dagsaan talaga ang Centro para sa pamamasyal ng mga bakosyonera o turista.

"Masama 'to Tahong," tiningala ko ang katabi. Kinakabahan ito at naiiling pa. Nakaramdam din ako ng kaba. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa mga grocery bag na binili namin ni Drape. Napagkasunduan din naming dalawa na huwag ng ipakilala ang mga bata sa siraulo nilang Ama. Mas mabuti ng hindi ma-stress ang mga chikading. Saka okay na 'yon. Nakikiuso din kami sa taguan ng anak e.

Hiding Vowels Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon