VIII

15 0 0
                                    

C H A P T E R: 8


CONSONANT P.O.V


"Mga kabaranggay! Huwag niyo kami makalimutan!"

"Ka Uhug! Mang Ponsi! Magkikita pa tayo!"

"Paalam! Paalam Baranggay Bato-Bato!"

"Huwag kayong malungkot! Ni magtangis! Kami'y magbabalik!"

"Hanggang sa muli----- Aray Ma!"

Isa-isa ko silang binatukan. Iyong hindi sila masasaktan. OA lang talaga nila kung maka-react.

"Tumigil kayong lima. Alas-cuatro pa lang ng umaga tulog pa ang mga tao rito."

Napahikab pa ako n'ong sabihin ko iyon. Nagsisilakad na kami papalabas ng Baranggay. Pinag-suot ko sila ng jacket dahil malamig lalo na't alas-cuatro pa lang ng madaling araw. Ngayon ang biyahe namin papuntang Centro. Na halos aabutin ng walong oras ang magigi nitong biyahe. Mga puyat pa ang mga 'to pero hindi lang halata. Dalawang oras lang yata ang naitulog nila. Samantalang ako 'di na natulog.

"Ano ba 'yang mga pinagsasabi niyo? Ha? Kailan pa kayo naging makata? E mga jejemon naman kayong mga kupal!"

Inis nila ako tinulak mabuti na lang at 'di ako natumba. Mga buset na 'to.

"Excuse me Mama? May sinasaulo kaming tula no!" Sumang ayon naman kay Uranus ang apat. Binugahan ko lang sila ng aking hininga na amoy imbornal pa--- charot. Pero muntikan na silang mahimatay.

Anyways. Inaantok pa talaga ako kasi inayos ko pa ang bahay kaya hindi na ako natulog. Baka kasi pag-uwi namin, bubong na lang natira. Baka mapag-tripan. Mahirap na.

Mga lima o apat na araw lang kami sa Centro magtatagal. Dito pa rin kami magbabagong taon.

May naipon naman ako. Bale 15, 000 thousand na puro 25 centavos. Charot. Totoong umabot ng 15k ang naipon ko. Nagsimula ako n'ong buntis ako sa lima. Marami naman kasi akong racket. Isa na r'on ang pagbenta ko ng isang apdo. Siyempre, charot lang ulit.

Kung hindi man magkakasya ang badget. Wala akong choice. Matutulog kaming anim sa ilalim ng tulay. Kakain ng mga butete sa maduming ilog. Iinom ng milktea na inagaw lang sa batang rich-kid. Hashtag alpha kid. Mga gawain ng mga walang pera.

Kawawa kami.

Ayoko n'on kaya sana talaga, kumasya ang badget sa'min.

'Eto na talaga ang tunay at totoo. Anim na libo lang talaga ang dala kong pera. Keme lang ang 15k. Malakas lang talaga ang loob ko kasi may kaibigan akong mayaman na taga r'on. Hindi niya pa alam pero ninong na agad siya ng aking quintuplets.

Mayaman 'yon.

Mapapalibre talaga ako roon kasi nga 'di niya ako ni-crushback. At dahil bestfriend forever kami ng lalaking rich kid kong friend. Sa kaniya ko hihingiin ang 15k at babayaran ko na lang sa next life. Kung may next life pa si akes?

Siyempre, hihingiin ko talaga ang 15k, kasi 'di na uso ang utang. Huwag dapat gan'on. Dapat bigay agad kapag hinihingi. Kung ayaw niyang ibigay.... marunong naman ako pabalik-baliktarin ang mga organs niya sa loob ng kaniyang katawan.

O kung hindi naman. Pap*tayin ko ang maharot niyang jowa . . . na bestfriend ko din.

Magagawa ko lang talaga ang maka-huthot ng pero.... kung magkikita pa kami. Iyon lang.

At dahil matalino ako. Meron akong cellphone. Hinanap ko ang number niya kanina na naka save pa sa'kin pero blinock ko noong mga panahon ako'y nagpapaka-sad gurl. Sumuko na siyang contact-in ako kasi nga pake ko ba? E heart broken ako n'on! Respeto sa brokenhearted.

Hiding Vowels Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon