XLVII

16 3 0
                                    


C H A P T E R: 47

KINABUKASAN maaga ako nagising para makapagnakaw ng tuyo at tinapa sa kapitbahay. Oo, isa akong kriminel--- charot. Kung sinususrte ka nga naman at meron sina Ate Sugar, bungad na bungad kasi ang kusina nila na malapit sa kinapupuwestuhan ng kanilang maliit na kaininan. Magsisimula na sana ako maghukay ng butas papasok mismo sa kusina nila.

Iyun ngang hawak ko na pala ay galing pa sa sementeryo.Hindi ko na naituloy ang pagnanakaw dahil gising na gising na si Ate para gumawa na naman siguro ng bunso nila ng kaniyang irog. Uungol na sana kaso nakita akong nakasilip sa kanilang bintana na parang si chuckiedal ang shongang manika manika na buwisit.

Busangot ang mister niya ng makita ako. Nagre-ready na pala sila ng almusal sa kaniyang pamilya at sa naghahanda na din sila sa mga ibebenta nilang lutong almusal sa kanilang munting mamihan. Feeling ko karinderia naman talaga ang business nila ewan ko na lang kung bakit mamihan.

Katulong nito si Kuya Sharp na nagiging isang malaking sawa dahil nakapulupot na ito sa kaniyang misis. Jusko! Nakakairita sila sa mata mga dear! Umaga pa lang iyan pero grabe na ang harutan nila.

"Maganda pa ako sa umaga mga shunga lovers! Good morninghaseyo!" Koreana kong bati sa kanila.

Parehong sumimangot ang dalawa sa'kin. Parang gusto na nila ako mawala sa mundo. Huhuhu!

"Alam mo Consa itigil mo na ang pagdodraga! Naaawa na ako sayo," inirapan ko si Ate Sugar Sweets na hinahaplos ang mukha ng asawa.

Sana all! Pa-inggit pa more sa'kin.

"Ikaw naman! Iwas iwasan ang pagsisinghot ng shabu, ako na iiyak sa kalagayan mo,"sabay pumikit ako na parang nagdadalamhati sa kaniya. Plano na niya sana ako sabunuton kaso pinigilan siya ni Kuya, sabay siksik nito sa leeg ng asawa.

Napangiti ako. Ang haharot talaga. Sarap pag-untigin e.

Paano pa kaya kapag gabi?

Wala na ako knows diyan kasi inosente pa ako.

"Hays, oh! Ipinagbalot ko na ang pamilya mo ng spaghetti, saka baka pumunta ang mga anak ko sa bahay mo para manggulo. Doon naman sila sa bahay mo manira, pagod na ako magligpit ng mga kalat nila!"

Napa-cross arms ako. "Ha! Ayaw ko! Plano niyo lang magparami na naman ng lahi!"

Natawa sila sabay nagkiss.

Masaya ako na makita silang masaya at patuloy na nagpaparami at dumadagdag ng polusyon sa Pilipinas.

Ang babait talaga ng mag asawang ito sa'kin dahil pinagbalot talaga ako ni Ate Sugar ng pitong spaghetti para sa amin, pinadagdagan ko pa nga ng pandesal kasi masarap kapares sa umagahan ang pandesal ng kaniyang asawa---- charot lang! Baka sugurin ako ni Ateng Sugar. Maghahanap na lang ako ng ibang pandesal.

So heto't nagpasalamat naman ako dahil kahit wala akong hiya sa katawan, marunong naman ako makapag appreciate ng mga mabubuting tao, lalo na kung marunong sila manlibre. Natutuwa talaga ako sa mga ganoong klaseng people sa earth.

Once in a blue moon lang kasi kaya dapat thankful ang buraot na si ako. Nagpaalam na ako sa kanila dahil plano na ako bigwasan ni Kuya.

Si Kuya Sharp ay parang Ama ko na. Ako kaya ang rason kung bakit sila nagkakilala ni Ate Sugar. Pero dahil tinatamad ako magkuwento. Next time ko na lang ichi-chismis ang love story nila.

Anyways mga dear, kailangan ko ng bilis bilisan makauwi para may mapakain na ako sa mga bata. May sa manok pa naman din ang pag-uugali nila dahil sila ay mga early bird, maaga ng tumilaok. Maaga ng mambulabog kaya lagi na lang sira ang araw ko--- eme lang!

Hiding Vowels Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon