N O T E: Happy 1 year na pala sa HV noong thursday 12/ 21/ 2023. And Merry Christmas din!🎄🎄
CONSONANT P.O.V
🙀
"BA'T nandito ka?" Gusto ko magpasabog ng confetti dahil hindi ako nautal sa harapan niya.Napalunok ako ng makitang humakbang siya kaya agad akong napa atras.
Nakasuot siya ng itm na t-shirt at itim din na hanggang tuhod na short. Hindi ko gusto ang mukha niyang lalong nag mature. May kahabaan na din ang buhok niya na magulong tignan pero bagay naman sa kaniya. Ang kulay ng mga mata niya . . . Na parehong pareho sa mga anak ko at ang lab--- agad ako umiling.
Nag mamadaling umalis na ako sa harapan nila at tumakbo papasok ng bahay. Narinig ko ang inis na inis na boses ng dalawang mag-jowa na mukhang pinagmumura si Dalter. Naramdaman ko din ang pagsunod sa'kin ng mga bata. Hindi alintana ang pagiginaw ko at naiwan ko pa pala ang aking tuwalya.
Hindi ako baliw para bumalik pa!
Dumiretso agad ako sa'king kuwarto para magbihis.
Kinakabahan man pero mas laman pa rin ang pagtataka ko. Paano niya nalaman na narito kami sa Baranggay Bato-bato yow?
May dugong itim rin ba siya?
Meron ba siyang GPS na naka track sa aking heart- charot!
Busangot ang mukhang binuksan ko na ang pintuan, bumungad agad sa'kin ang mga mukha ng batang geng geng.
Napaayos ako ng tayo. Nagtitigan muna kami. Bakas ang pag aalala sa mukha nila kaya napahinga na lang ako ng malalim at tipid silang nginitian.
"Huwag na kayong mahiya, pasok na. Gusto niyo ba ng pasabog at mausok usok na tsismis?"
"Go girl! Bet namin yan!"
Ngumiwi ako.
Pagkapasok nila naupo na agad sila sa maliit kong kama. Inilibot pa nila ang paningin sa aking silid. Halos naka display kasi ang mga picture naming anim simula noong mga kitikiti pa sila hanggang sa naging lamok- eme! Baby ko pa naman sila hanggang ngayon.
Meron ding mga awards nila ang naka-display. Ewan ko ba kung bakit ayaw nila i-display ko ang mga ito sa sala. Rinespeto ko na lang ang kanilang desisiyon.
Siguro nahihiya . . . Kahit wala naman sa dugo nila iyon.
Nangunot ang aking noo ng duet na humagulhol ang lima. Magkaka akbay pa sila. Brother geng geng goals ang mga baby dugyot. Nagulat na lang ako ng marinig ang magpakailanman remix.
All this time may dala pala silang speaker!
"Mama . . . Ba't may lalaki ka na? Hindi pa ba kami sapat?" Drama ni Arkus na tinuro niya pa ang mga kapatid niya. Pasimple akong nag flip hair, iniinis na naman nila ako.
Nagsalita din si Erkus with talsik laway pa. Dugyot talaga. Mabuti na lang hindi ako malapit sa kaniya. Kahit mga kyut sila, truth hurts pero mabaho mga bibig nila. "Donut tell me Mother shota mo ang dugyot na 'yon!"
Ngumiwi ako. "Mga anak let me explain-"
"No! We cannot tanggap your rason! We, your sons and you our mothers with no care for us five baby kittens!" Hindi ko maintindihan! Anong klaseng english ba ang sinasabi nila?
"Wala akong maintindihan Odanus!"
Sinundan naman siya ni Ikarus na suminghal. "Ha! We walking and seeing you our two eyeballs! You cannot... you cannot- ano nga ba ang english noong 'sinungaling ka'?"
BINABASA MO ANG
Hiding Vowels
HumorSTORY: Hiding Vowels GENRE: Romance/ Comedy STARTED: 12/ 21/ 2022 POSTED: TUESDAY| 2/ 7/ 2023 ENDED: COVER: Credits to the rightful owner of this picture. (Pinterest) __ Maagang kumerengkeng si CONSONANT DANTE sa pag aakalang makakamit niya ang tru...