XLII

15 3 3
                                    


CONSONANT P.O.V


HALOS one week na din ang nag daan pagkatapos ng unforgettable new year at birthday party ng mga bata.

Balik na din ulit sa normal.

Pero ang dalawang magjowa ay nagbalak pang mag extend ng two weeks rito sa'min. Mukhang walang gaanong mga trabaho at mga hindi busy kaya lakas manggulo. Ginawang bahay bakasyunan ang aming bahay.

Pero okay lang dahil libre kami sa pang araw-araw na gastos.

Umalis muna si na Letter at Drape para mag merienda habang naghihintay sa mga bata sa labasan.

Dahil nga back to normal na, busy na ang mga anak ko sa kanilang pag aaral. Hindi man kayo maniniwala pero masisipag naman sila at active sa school lalo na sa mga extra curricular activities.

Sa madaling salita, sila ay mga bida-bidang bata.

Alas kwatro na din naman ng hapon kaya kanina pa ako nagwawalis sa labas ng bahay. Wala muna ako ngayong pinagkaka abalahan na trabaho dahil may pera pa naman ako na galing sa'king ninong Dalter.

Kung hindi niyo na aaala, inuto ko siya na ako ang inaanak niya. Uto uto naman ang kupal. Napaniwala ko.

Napag isip-isip ko in these past few days lang kung may pag asa bang makilala na ng mga bata si Dalter?

Nangangamba nga lang ako kasi pa'no kung gusto niyang kunin sa'kin ang mga bata? Kung pipilitin niya why not, diba? Sasabihin ko sa kaniya: '5 million kapalit ng mga bata!' E'di nagmukha akong kidnapper?

Pero may tsansa talagang kunin niya sa'kin ang mga anak ko. May pagka walanghiya pa naman din ang lalaking 'yon.

Iyung lima naman kasi, hindi nagtatanong tungkol sa kanilang ama. Makapal ang mukha ko pero kinakabahan ako kung ako mismo aamin o kahit sila ang una na magtatanong sa'kin kung bakit hindi kami magkasama ng kanilang papa.

Hindi ko naman puwedeng sabihin na trip ko lang kung bakit hindi kami magkasama at dahil sa'king sexy babe na katawan kaya sila nabuo.

Kapal kapal ng mukha ko diba?

Napabuntong hininga ko na itinabi sa lagayan ang hawak na walis tingting at dustpan. Feeling ko ang lagkit lagkit ko na ngayon dulot ng pagwawalis.

Gusto ko maligo.

Madalas naman talaga ako maligo ng alas-kuwatro o alas-singko na ng hapon.

At tungkol doon kay Dalter at sa mga bata... siguro oras na para i-open up ko na sa kanila ang tungkol sa walanghiya nilang ama. Tutal mga open minded naman sila e.

Open minded sa kalokohan.

Napabuntong hininga ulit ako ngayon habang kinuha ang tuwalya sa'king silid. Plano ko na talagang maligo. Hindi uso ang faucet rito sa'ming lugar kaya di-poso lang kami‐-- iyung magbubomba ka pa para makaipon ng tubig. Trapal lang ang nagsisilbing bubong doon na naka puwesto sa likuran ng aming bahay. Nakakapagod man pero at least hindi na kailangan magbayad ng bill ng tubig.

May mga bulaklak din na nakatanim malapit doon na nagsisilbing harang samin kapag naliligo kami at maganda iyun kapag titignan. Wala naman nasilip sa'kin dahil alam nilang may kamag anak akong manananggal.

Kaya subukan talaga ng mga manyakis na 'yan!

Naka daster lang ako ng pumunta ako sa likod habang malalim pa rin ang iniisip.

Pero what if talaga na magkita na sila ng mga anak kong mukhang pinaglihi sa sama at baho ng utot ko?

Hindi ba sila magagalit sa'kin? Siya? Magagalit kaya?

Hiding Vowels Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon