C H A P T E R: 31
THIRD PERSON P.O.V
SAMANTALANG nag aaway na naman ang mag-jowa. Gusto ng tapalan ng tape ni Drape ang bibig ng kaharap. Nagkagulo-gulo na ang mga plano nilang dalawa.
Napag-usapan na kasi nila ng girlfriend na doon sila magbabagong taon sa kaibigang si Consonant. Ang kaso, nakalimutan niya ang kaniyang Grandma. Magagalit ito kapag wala siya sa New Years Celebration ng pamilya. Mahirap pa naman pa amuhin ang matandang 'yon. Three days have passed, umalis na ng Centro ang kaibigan niya with the five chikading.
Dahil sa ginawa nitong kapasawayan at kalokohan, pinaalis sila ng manager ng hotel. Mismo si Letter na at Drape ang naki-usap kay Dalter na huwag ipakulong ang kanilang kaibigan.
Pero napansin niya ang pagbabago ng kaniyang kuya ng mga ilang araw pagkatapos ng family dinner nila noong 26.
Wala naman talaga itong pakealam sa paligid pero mas OA na ito ngayon. Laging nakatulala. Lasing. Nakakakulong lang sa sarili nitong kuwarto.
Hindi niya na inusisa ang nangyayari sa kaniyang Kuya. Kung meron man ito na gustong sabihin, he knows na una ito lalapit sa kaniya to ask for help and advice. Sa ngayon, ang importante sa kanila ay makaalis ng mansion habang may oras pa.
CONSONANT P.O.V
N
amiss niyo ba ako? We?
G-cash nga . . .
Anyways. Hindi ko kayo na miss e. Sa araw na gumigising ako sa umaga. Nagbabanat ng buto para may makain lamang ng three times a day ay puro sakit ng aking heart na lang ang aking nafi-feel. Sad na tuloy ako. Lagi na lang ako pinapaproblema ng aking mga mabubuting anak. Stress na stress na akes. Need ko ng beauty rest, pero when? Kapag na de@ds na ba ako?
Speaking of stress, may naririnig akong mga elementong hindi ko nakikita.
Char.
"Mama!" Hindi ako lumingon sa tumatawag sa'kin. Busy ako sa paglilinis sa harapan ng aming bahay. Oo, nagmo-monolouge ako habang naglilinis. Inaayos ko ang mga bulaklak at pinagbubunot ang mga damo. Nakaupo pa ako sa lupa habang nagpapaka-ulirang ina sa quintuplets.
Wala ako magawa today, kaya ito na lang ang pinagkaabalahan ko at habang natatabas ng damo ay napag-isip isipan ko na ipapaampon ko na ang lima sa mga Pulang Araw (Cardo Dalisay yata 'to. Charot!)
"Kapag hindi ka Mama lumingon--- crush mo si Ka Uhug." Agad na akong lumingon. Yucky kaya ang matandang 'yon!
Nakita ko ang lima kong mga anak na wala na naman sa tamang pag-iisip. Naaawa na ako. Hawak-hawak nila ang mga alagang ibong adarna (manok) na galing pa yata sa puno ng balete. As usual, jejemon pa din ang mga pormahan ng mga maliliit na kupal. Pasimple ako umirap. Nakita ko pa kung paano nakatali ang buhok nila sa dalawa na nag mukha nilang mga sungay. Buntot at tinidor na lang kulang. Naka-t-shirt din ang mga 'to habang sa pang ibaba naman ay nakasalawal lang. Kumunot ang noo ko.
"Ano 'yang ayos niyo na 'yan? Magsisuot nga kayo ng shorts!"
Dinuro ko pa sa kanila ng hawak kong walis tingting. Sabay-sabay sila na ngumisi sa'kin. Inangat nila sa ere ang mga alagang manok at nagsi-budots. Sumasakit ulo ko. Kanina pa ako naririndi sa 'saan ka punta, road trip skirt skirt' na pinapatugtog nila at kanina pa ng madaling araw 'yan nagsimula. Pinagmumura na nga ako ng mga chismosa rito dahil nakakarindi na raw.
Huwaw! Akala naman nila aabot sa America ang lakas ng speaker namin! Mga OA!
"Mama! May sasabihin kami sa'yo!" Aniya ng isa pagkatapos ng kanilang talent portion.
BINABASA MO ANG
Hiding Vowels
HumorSTORY: Hiding Vowels GENRE: Romance/ Comedy STARTED: 12/ 21/ 2022 POSTED: TUESDAY| 2/ 7/ 2023 ENDED: COVER: Credits to the rightful owner of this picture. (Pinterest) __ Maagang kumerengkeng si CONSONANT DANTE sa pag aakalang makakamit niya ang tru...