XXII

12 1 0
                                    

C H A P T E R: 22


DAHIL sa nangyari kanina. Naidala namin agad sa Infirmary si Drape. Galit na galit si Letter dahil dapat siya raw ang nahimatay. Nasapak ko nga e, at naloka pa ang bruha ng may Infirmary pala rito sa Mall. Galit-galitan naman ang baliw, halata namang nag-aalala sa BF.

Nauna na kami ng mga anak ko umuwi sa hotel na tinutuluyan namin. Mga pagod na raw sila at kailangan ng pahinga ang mga taong cool boys.
Bago kami umalis ay binigay ko kay Letter ang address at ang room number ng hotel sakaling magdadala sila ng pagkain. Hindi uso ang visiting sa friends na walang dala-dalang foods at chismis lang with ngiti pa kapag binibisita ka. Hindi na iyon uso! Dapat may pagkain at regalo na!

Namura pa ako ng mag jowa ng pinagsabihan ko na hindi ko sila papasukin kung walang dala dalang pagkain at regalo na din para sa mga inaanak nila. Nag request na kasi ako ng milktea at borgur---sosyalen akes.

Siyempre reklamo naman agad ang dalawa. Hindi raw sila waiter ng fast-food chain at drive thru. Akala ko kasi gan'on work nila e. Sorna naman.

"Mama-"

Itinaas ko ang isang palad at senenyasan siyang tumigil."Pagod ako. Next time niyo na ako pag-trip-an." Saad ko kay Erkus. Masaya silang naglalakad at kanina ko pa napapansin ang mga hagikhikan at bulungan nila.

Agad naman silang napa-AWW. Asar akong nahiga sa kama. Wala talagang paawat ang paghahasik nila ng lagim sa mundo.

Ipipikit ko na sana ang mata ng may pumatong na unan sa mukha ko. Hindi ako makahinga ng maayos? Idiin ba naman ng mga kuto!

Naramdaman ko pa ang pagpulupot sa'kin ng kumot simula sa leeg hanggang paa ko. Hindi ko na magawang pumalag kasi may apat na kamay ang pumipigil sa'kin. Heto na naman tayo oh!

"Ang experiment natin ngayon ay . . . Kung paano tatagal makahinga si Mama. At ang dugong immortal niya ! Wahaha!"

"Hala Ikarus! Mga ilang minuto ba dapat nakatakip si Mama ng unan?"

"Ano ka ba Odanuz! Natural, hanggang bukas!"

Naiinis akong nagsisipa. Anong hanggang bukas?! 'Di deads na ako niyan? Mga walanghiyang mga batang 'to. Nagpupulong pa sila kung paano yata tatapusin ang buhay ko ngayong gabi. Naiinis na pumapasag pasag ako.

"Ayy, meron ba tayong dalang kandila?" Rinig kong tanong ni Arkus. Nangingibabaw ang boses ng apat na uma-ahu ahu.

Bumaling ako sa kanan para makalanghap ng hangin at saktong puwede pa'ko makapagsalita, sinagawan ko ang lima.

"Pakawalan niyo ko mga kupal! Sasamain kayo sa'kin!" Sigaw ko.

"Hala! Hindi maayos ang pagtatakip natin sa mukha ni Mama ng unan!" Uranus.

"Problema ba 'yan? E 'di dagdagan natin ng- sampu!" Ikarus.

Mukhang 'dito na yata magtatapos buhay ko. Hanggang sa susunod na buhay....


Love, Consonant. The end . . .

Hiding Vowels Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon