LIV

13 1 0
                                    

C H A P T E R: 54


THIRD PERSON P.O.V

SA isang dako, habang busy ang mga bodyguard sa kanilang mga dapat gawin. Napangisi ang feeling bagets na babae, na kung tutuusin, siya ang may pakana sa nangyayaring mga kaganapan ngayon. Oo, ang trying hard na kontrabida.

Kahit ang pagbomba ng mga China sa West Philippine Sea? Siya ang may kasalanan! Lalo na iyung nagpagawa ng swimming pool sa tabi ng chocolate hills? Siya rin ang may pakana! Sa kaniya niyo na lahat isisi . . .

Napangisi ang ginang lalo na ng makita ang tawag ng kaniyang anak sa mamahalin niyang cellphone. iPhone 13 pro max. Iyung apple niya na walang kagat.

Agad niya sinagot ang tawag ng anak, linagay niya sa kaniyang kanang tenga ang cellphone, habang nakataas ang isang kilay.

Feeling kontrabida talaga, e' mabaho naman ang singit?

"Mom! Ba't ka ba nangengealam! Napaka pa-bibo mo!"

Tinignan niya ulit ang pangalan na tumawag sa kaniya. Mukhang hawak yata ni Drape ang telepono ng kuya nito. Umirap siya at inayos ang bangs na bago niyang gupit. Bored kasi ang ginang kaya heto, napag tripan niya ang kaniyang sarili. Nakacroptop pa nga siya, habang naka flitted na maong na skirt. Feeling gen-z.

"I'm your Mom! Kaya makikielam ako!"

"Seriously? Matanda na kami! Si Kuya may uban na! Kaya bakit---aww!"

"Shut the f*ck up! Hand me the phone!"

"Ako na ang kakausap! Alam ko na magwawala ka at baka masagasaan pa tayo sa bilis ng pagmamaneho mo!"

Nakaramdam siya ng takot sa mga anak. Hindi niya mapapatawad ang sarili in case na mapahamak ang isa sa kanila. Hindi niya rin maiwasan matakot sa sigaw ni Dalter. Hindi naman kasi ito palaging palakibo. Kung baga nonchalant si Dalter, OA naman si Drape.

Kaso nabura agad ang kaba at takot ng meron pa siyang narinig ng isang tinig. Boses pa lang, nag iinit na agad ang ulo niya.

"Magsitigil nga kayong dalawa! Nakuha na nga ang mga bebe boy at si Consonant nag aaway pa talaga kayo---aray! Sige Dalter! Ibunggo mo!"

Ngumiwi siya ng marinig ang boses ng jowa ng anak niyan. Hindi pa rin pala talaga nag hihiwalay? Ang tatag, ha?

"Ba't ba kasama mo pa rin ang may sa impakto mong jowa?"

Sa kabilang banda napairap na lang si Drape sa reklamo ng ina, "si Papa nga hindi nagrereklamo sa pagiging shunga mo, e! Sabi niya pa nga sa'min, bihira ka lang raw maligo!"

Napaayos siya ng kaniyang bangs sa stress. At nanggigil sa nalaman na pambabash sa kaniya ng asawa. Nakuha ng kaniyang atensyon ang marahan na katok mula sa labas ng kaniyang mamahaling pintuan. Umirap siya.

"Come in," saad niya habang pinindot ang 'end call' sa irita niya sa anak.

"Madam, nandirito na po ang mga bata," tumango siya at kahit hindi niya man aminin. Nakaramdam siya ng excitement, makita at makilala ang anak ng isa sa kaniyang mga anak na lalaki.

Mabuti na lang talaga at meron siyang chauffer para mabilis na madala sa kaniya ang mag iina.

And speaking of ina. Nawalan ng emosyon ang kaniyang mga mata ng makilala ang babaeng nabuntis ni Dalter. Hindi pa rin siya makaniwala ng malaman na lima ang nailuwal ng babae. Marami siyang mga katanungan na gusto niyang malaman sa babaeng pinalayas niya noong kaarawan ng anak.

Huminga siya ng malalim. Sakto, bumukas ang pintuan at narinig ang boses ng mother in law. Napalunok siya at kinabahan. Sa lahat na ayaw niya makasagupaan ay ang ina ng pinakamamahal niyang asawa.

Namutla si Dexia.

"Dexia! Ano na naman ba ang plinaplano mo!"

Lagot!




HINDI maipinta ang mukha ni Dalter. Tapos niya ng kausapin ang mga bodyguard na tinatawag sa alyas . . . golden egg.

Ginto raw kasi ang mga itlog nito. Eme!

Hindi siya mapalagay kahit Mama niya pa ang kumuha at nangidnap sa mga anak niya at ina ng mga ito. Para na siyang natatae. Lalong lumalim ang gitla sa noo ni Dalter ng maalala ang babae . . . si Consonant. Ang babaeng mukhang tae---eme lang! Pansin niya, na kahit madalas pinipili nito maging shunga, kita niya pa rin sa mukha nito ang pagkabalisa tuwing nababanggit niya ang kaniyang mga magulang.

Huminga siya ng malalim.

All of a sudden, he felt guilty. At nag aalala siya ng sobra. Alam niya ang kasalanan kay Consonant. Nakaramdam siya ng kirot sa kaniyang puso at sa kaniyang tiyan, gusto niya man makapag usap sila tungkol sa nakaraan na halatang pilit nito iniiwasan, sa halip, kung tungkol lamang sa mga anak nila ito handang makipag usap sa kaniya. Kaya minsan frustrated siya. Humingi lamang ito ng sorry, tapos iyun na 'yon. Kulang pa kay Dalter ang pagta-trashtalk nila sa isa' sa. Curious ang sad boy kung ano ang nararamdaman ng babae.

Naalala niya na naman ang mga kalagayan nito, baka sa mga gantong oras, umiiyak na ang mga anak niya. Sa lahat na pangyayari na nakasama ang maliit na pamilya. Masaya siya. Marami siyang natutunan. Bago man sa kaniya ang buhay probinsya. He felt peace, and he didn't expected that it was beyond universe glee, na kahit madalas lagi lamang siya nakamasid. Lagi na lang magaan ang pakiramdaman niya, at masaya. Kaya halos magtatlong buwan na siya roon, kung hindi lang epal ang Mama niyang bruhilda.

'Di wow!

Anyways, mas binilisan nito ang pagmaneho. May pinakausapan kasi siyang kakilala, sakto at meron itong hacienda ay maypagla-landingan ng helicopter. Doon sila pupunta ng mga kasama niya. Naroon kasi iyung helicopter na ginamit niya papunta rito sa Barangay Bato-bato.

Huminga siya ulit ng malalim at nag-isip isip. At dahil may mga epal, napasinghal na lang siya sa inis.

Narinig niyang nagsalita ang kapatid. "Magiging ayos lang ang lahat kuya . . . saka, ikaw ha, nahahalata na kita," hindi niya pinansin ang pasaring ng kapatid.

Sumabat din ang may pagka inggetera sa chismisan, "iba ang nararamdaman ko r'yan! Kaya kung ano man 'yan! Itigil mo Dalter!"

Napa-tsk siya habang umiiling iling. Naalala niya na naman ang mga araw na kasama ang babae. Iyung pagpasok ng palaka sa bunganga nito---este bukod roon, ay ang madalas nito na panti-trip sa kaniya, ang kabaitan nito kahit pina palastik lang talaga siya, ang madalas na mga pasaring nito and everything . . . pero iyung pagtawag talaga sa kaniya ng Dalter. Iyung sa palengke . . . iyung pag asikaso nito sa kaniya noong may allergy siya.

May naramdaman siyang something sa kaniyang tyan.

'She doesn't change,' mahinang bulong niya. Iyun ang napansin niya sa babae. Siguro ang nagbago lang talaga ay ang pangangatawan nito.

Unti-unti tumaas ang sulok ng labi ng sad boy na si Dalter---na mukhang magiging happy boy na.

She smells so good and he can't hide the fact that he really loves it---"Kita mo 'to si Dalter! Mukhang papatayin na tayo, hindi man lamang naka-focus sa daan!"

Kumunot ang noo ni Dalter, at iwinaksi ang mga kababalaghan na kaniyang naiisip, "magpaalam na kayo sa isa't-isa dahil ibabangga ko na ang sasakyan,"

"Sh*ta ka talaga!" Sigaw ni Letter.


Hiding Vowels Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon