C H A P T E R: II
CONSONANT P.O.V
AKO nga pala si Consonant Dante. CD for short. Sa edad na 19. Nabuntis ako. Naniniwala din ako sa himala kahit masama akong tao (madrama lang at sad gurl ako pero naniniwalan pa din ako sa engkanto). Nagkaroon lang naman ako ng limang anak na lalaki. Himala na 'yon para sa'kin. Nakaya ko ano? Paano ko ba nairi sila? Gulat kayo? Kahit ako nga nagulat din e.
Masama akong nilalang at ang mga anak ko ang karma. Hindi ko pinagsisihan na nakagawa ako ng kasalanan kung sila naman ang naging kinahihinatnan (kahit linuluto na ang kaluluwa k--- charot.)
Napa-isip ako. Bakit hindi karma ang ipinangalan ko sa kanila? Ano?
Sa ito na nga. Ayoko mag-flashback. Magkukwento na lang ako.
May crushiecakes ako, name niya ay si Alpakokak---- joke. Ang pangalan niya ay si Drape Glor Floorman. Crush na crush ko siya simula no'ng masilayan ko ang kaniyang mukha sa Baranggay namin noong may pa-libreng tuli, sa edad na 10 years of age, kahit gusgusin at dugyot pa ay marunong ng lumandi si ako.
Kung hindi lang um-epal ang kaniyang Kuya Dalter. Naalala ko na naman siya . . . Ang the one that got away ni Consonant.
Sa isang sulyap na urur po ako! Na-obsessed ako sa angkin niyang kaguwapuhan kaya heto, pinikot ko siya. Pero hindi tumalab ang buto't balat kong katawan. May finance na kasi. Epal sa love story namin. Si Diane Suarez--- na kalahating baldeng tubig na ipinaligo ang lamang sa'king kagandahan.
Lagi akong iniiwasan ni Dalter noong may fiance na siya. Ang rason? Mahal niya keneme si Diane. Nakaka-ewi to the max raw ako, nakakaderder ang pagiging desperada ko sa kaniya. Like kapal men! Ako? Kaderder? Ewi? Duh! Chaka-babes lang ako pero marunong ako m@gm@h@l ng wagas no!
Pero siyempre.... deep inside sa'king hart. Sad gurl ako. Nagpaka-sad gurl ang Ateng niyo. Kahit walanghiya ako at kampon ng kadiliman, hindi ako manhid. Nakakalungkot man pero iyon nga. Nagpatuklaw ako sa ma-alaconda niyang talong. Sa araw mismo ng kaniyang birthday para romantic chuchu with fireworks keneme ang aming pagniniig. Nagpaka-martyr ako noon. Wasak na wasak ang puso ko. Nadoblehan nga lang. Nawasak din kasi ang aking tahong--- wait lang. Sisinga lang ako. Isisinga ko lang ang aking kalungkutan, hashtag #jejemon si ako🤭😘
Pagkagising naming dalawa galing sa hot na hot na eksena, ayun. Ipinatapon niya ako sa yayamanin nilang kalsada (ganoon siya ka-rich), kasama din niyang itinapon ang aking dangal at pagkaberhen. Tinanggap ko ang pangungutya ng kaniyang parents and siblings (si crushiecakes lang talaga ang mabait). Kasalanan ko naman kasi, ipinu-push ko ang sarili sa taong 'di ko ma-reach at never akong magugustuhan. Obvious naman kasi na mahal na mahal niya si Diane ako lang 'tong nagduduling-dulinhan para 'di ma-hurt.
Hindi naman kasi ako mafa-fall kung hindi siya paasa. Walanghiya siya. Uto-uto kasi ako. Madaling maniwala, umasa, noong sinabi niya ang katotohanan na hindi totoo ang mga pick-up lines niya at biro lang pala . . . nagbulag bulagan ako. Nagbingi-bingihan. Ganoon naman talaga diba?
Saklap ng life. I learn from my mistake naman na. Sa araw araw ba naman ipamukha sa'kin ng mundo ang kapasawayan ng anak ko. Tignan niyo at lagi akong stress. With additional eyebugs pa at sakit sa ulo---
"Sakit sa ulo---" liningon ko ang chismosa. Nahuli ko 'to na nakadungaw sa'king sinusulat. At takip dalawang palad niya ang mukha. Anong kabalbalan naman ba 'yan? Kumindat siya ng nahuli ang masama kong titig. "Ma? Ano ba 'yang sinusulat mo . . . Dear Charo? Hala?! Ipapa-MMK mo naba buhay natin?"
Nagsilapitan naman ang mga kapatid niya. Nakikisilip sa isinusulat ko. Baliw talaga 'tong si Erkrus--- pare-pareho naman silang lahat. May pinagmanahan. At hindi ko pa rin matanggap na sa'kin sila nagmana!
BINABASA MO ANG
Hiding Vowels
HumorSTORY: Hiding Vowels GENRE: Romance/ Comedy STARTED: 12/ 21/ 2022 POSTED: TUESDAY| 2/ 7/ 2023 ENDED: COVER: Credits to the rightful owner of this picture. (Pinterest) __ Maagang kumerengkeng si CONSONANT DANTE sa pag aakalang makakamit niya ang tru...