Inayos na ni Kevin ang plano at nagtungo sa designing room, doon siya nagfinal touch ng kalalabasan ng kaniyang desenyo.
"Ang ganda... sana mapili ka nila" ani ni kevin sa kaniyang sarili
Pinaghandaan ni Kevin ang bidding para bukas, kaba ang tangi niyang nararamdaman, kaba na hindi dahil makikita niya bukas sina Patricia at Lucas kung hindi kaba dahil sa negosyo.
"Good morning self! Start your day with a beautiful smile" sambit niya habang nakaharap sa salamin
Nagsuot siya ng fitted Jeans at white long sleeve at puting sapatos. Litaw na litaw sa kaniya ang hubog ng kaniyang katawan. Kahit lalaking tingnan si Kevin ay may hindi ito maitatagong hulma ng bewang at pag kaambok ng kaniyang pwetan. Kung minsan pa nga ay napapagkamalan siyang babae kapag siya ay nakatalikod at higit sa lahat may boses din siyang pambabae.
Nang maiayos na niya ang lahat, binuhat na niya ang isang box at marahang inilabas ay isinakay sa kaniyang kotse.
Naroon na ang buong team nila, at tanging si Kevin na lamang ang wala.
"Pau nasan na si Kevin?" Tanong ni Sandra
"Saglit hindi sumasagot. Nako nalintikan na!" Tugon ni Paula
Napatingin ang nasa paligid niya, at napatingin naman siya pabalik kina Patricia at Lucas.
"It's your fault" pabulong na sambit ni Paula kay Lucas
Hindi naman ito binigyang pansin ni Lucas.
"May project proposal din naman si Lucas bakit hindi na lang din natin ipresent yan. Maganda siya so tiyak akong mapipili yan." Ani ni Patricia
"Hindi ba natin hihintayin ng konting minuto si Kevin?" Tanong ni Paula
"Ok let's wait 5 minutes for Kevin." Tugon ni Sandra
"So paano kung dumating si Kevin? Paano ang project ni Lucas?" Ani ni Patricia
Bigla namang sumingit ang isang boses
"Bakit Patri? Pupwede namang pagsabayin hindi ba?" Tugon ni Kevin
Napalunok si Lucas, at napakagat labi naman si Paula, samantala, hindi maman makuha ni Sandra kung ano ang punto at tila may hiwagang nangyayari sa kaniyang paligid.
"What is happening?" Tanong ni Sandra
Wala ni isa ang sumagot.
"Sandra here's the plan." Sabay abot ni Kevin ng plano
"Wait Kevin! Dream house mo to para sainyo ni Lucas" pagtataka ni Sandra
Napakunot noo naman si Lucas.
"Yuph! It is.. mas ok na ang mapakibangan yan ng iba kesa mapakinabangan ng hindi karapat dapat." Nakangiting sambit ni Kevin
BINABASA MO ANG
Katarina
RandomIsang LGBTQ member na minsang nagmahal subalit palagi na lamang nasasaktan. Napuno siya ng puot kung kaya't bumangon siya sa kaniyang pagkakalugmok at sinubukang lumaban at ipaglaban ang kaniyang karapatan bilang isang tao.