Nagkatinginan at halos hindi makapaniwala ang lahat ng makita ang kurapsyon ni Mr. Weng
"This is not true! You are just playing on us!" Ani ni Mr. Weng
"Really? So Mr. Weng, how would you explain this trip to Hawaii with your whole family and then the expenses will be deducted at the company?" Tugon ni Katarina
" i wasn't informed that my Father gave that kind of incentives. Why? Are you a great employee?" Dagdag pa ni Katarina
Patuloy ang tensyon sa pagitan ng dalawa.
"No! This can't be! I do a lot for this company! And that presentation is not true! And you! Who do you think you are to do this?" Ani ni Mr. Weng
Napataas ang kilay ni Katarina
"Well, im Katarina Rodriguez, and you Mr. Weng you are fired! Thank you for your service and the door is widely open for you." Mataas na turan ni Katarina
Galit na galit si Mr. Weng, papalabas na siya ng pintuan ng bigla pang nagsalita si Katarina.
"Anyways Mr. Weng, i bought your 30% share as a stock holder. And thanks to your Lawyer, i bought it silently." Padagdag pa ni Katarina
Bumalik ang mga mata ni Katarina sa mga naiwang board members.
"Anyone else?" Tanong ni Katarina
Wala ng umimik pa sa mga ito.
"This company is important to my Father, as his successor, i will do my best to bring this company on Top! And i give you my word, Rodriguez Corp will lead as the World number 1 leading company." Ani ni Katarina
Nagpalakpakan ang mga Board Members at isa-isa silang lumapit upang batiin siya bilang bagong CEO. Matapos ang oras na iyon, nagtungo na silang muli ni Terry sa kaniyang opisina.
"Miss,, darating din si Ms. Samantha." Ani ni Terry
"Ok Terry, so i have to go home.. and prepare.. ohh! Please Terry before i forgot, can you call the restaurant to prepare a romantic music when i arrived at Mr. Melendez table?" Ani ni Katarina na may halong ngiti
"Ah sure!" Naguguluhang turan ni Terry
Paglabas ni Katarina, tumawag na siya kaagad Sa restaurant at sinabi ang bilin ni Katarina. Pagkatpos noon, nagsearch siya dahil alam niyang parang may mali,
"Samantha Melendez? But why with romantic music? Ano ang gusto mong gawin Miss.." napapaisip na turan ni Terry
Maagang dumating si Mr. Melendez sa nasabing restaurant, ilang minuto pa man ay dumating na din si Katarina. Suot ang kaniyang black cocktail dress na bakas na bakas ng hubog ng katawan at halos tumalon na ang namumutok niyang dibdib.
Paglingon ni Leo, namanga siya sa kaniyang nakita, isang napakagandang babae, naglalakad ng napaka flawless. Halos mapalunok siya ng sa dereksyon niya ito patungo.
"Katarina?" Pagkagulat niya
"Hi.. Mr. Melendez, sorry im late.." ani ni Katarina
Takang-taka si Leo kung bakit nag-booked ng dinner si Katarina para sa kanilang dalawa. Kahit ang paupuin man lang si Katarina ay nakalimutan na niya.
"Can i sit?" Tanong ni Katarina
"Ah sure!".. ani ni Leo
Kaagad tumayo at ipinaghila niya ng upuan si Katarina, sumamyo ang hangin at naamoy niya ang pabango ni Katarina, doon, nakaramdam siya ng kakainbang init. Nagtungo siya sa kaniyang upuan at nag-alis ng ilang butones ng kaniyang suot.
Dumating na ang waiter, binigay sa kanila ang menu. Nababatid ni Katarina ang panay na pagsulyap sa kaniyang dibdib ni Leo.
"Mukhang suso ka pa rin?" Naglalarong tanong sa kaniyang isipan
"Fuck! Im hard.."sambit naman sa isipan ni Leo
Napukaw ang imahinasyon ni Leo ng lumapit ang waiter upang kuhanin ang kanilang order. Habang naghihintay, hindi mapigilan ni Leo ang magtanong.
"Para saan ito Katarina?" Diretsang tanong ni Leo
"Hindi ba ikaw ang nag-invite ng dinner na ito?" Pagbalik na tugon ni Katarina
Naguguluhan na si Leo, nagtataka man siya subalit napapawi ito sa tuwing pinagmamasdan niya si Katarina.
"Later... malalaman mo kung para saan ito." Napapangiting sambit sa isipan ni Katarina
Pagkarating ng pagkain, kasunod na noon ang romantic music.
"Wow.. really?? Is this a date Leo?" Tanong kaagad ni Katarina
"Huh?" Pagtataka ni Leo
Sa loob ni Leo, batid niyang wala siyang binooked na ganitong klaseng dinner. At nagtataka na lamang siya bigla sa mga nangyayari.
"Hindi mo naman ako nainform na ganyan ka pala kasweet.. sana noong panahong may tayo pa, nagawa mo din ito." Ani ni Katarina
Hindi alam ni Leo ang kaniyang isasagot. Napainom na lamang siya ng wine at saka nagbigay ng isang ngiti.
Galit na galit si Samantha na bumaba sa kaniyang kotse. Inabot sila ng traffic dahil sa maling daan na tinahak ng kaniyang driver.
Sinabi na niya kaagad sa isang waiter ang kaniyang booked table at kaagad siyang itinuro sa lugar ni Leo.
"Who's that girl?" Pagtataka ni Samantha
Naglakad si Samantha, papalapit na siya at papalakas naman ang tibok ng kaniyang dibdib.
"May babae si Leo?" Tanong niya Sa kaniyang sarili
Masayang nagtatawanan sina Leo at Katarina,batid naman ni Katarina na malapit na si Samantha, natanaw niya ito mula sa isang reflection ng salamin.
Huminga siya ng malalim at ngumiti.
"In 3, 2, 1 action!" Ani niya Sa kaniyang isipan
"Leo??" Pagbungad na sambit ni Samantha
Napatayo si Leo mula sa kaniyang pagkakaupo. Hindi niya inasahan na makikita niya si Samantha sa tagpong iyon.
🖤🖤🖤comment.vote.share🖤🖤🖤
🖤🖤🖤🖤 Thank You 🖤
BINABASA MO ANG
Katarina
RandomIsang LGBTQ member na minsang nagmahal subalit palagi na lamang nasasaktan. Napuno siya ng puot kung kaya't bumangon siya sa kaniyang pagkakalugmok at sinubukang lumaban at ipaglaban ang kaniyang karapatan bilang isang tao.