Kabanata 17

89 8 0
                                    

Kinuha ni Kevin ang 30 days niyang bakasyon,  hindi pa siya nakakapagdesisyon kung saan niya ito gagamitin bagkos ay nagpatuloy na lamang siya sa pag-aaral sa naging buhay ni Katarina.

Nakita niya ang isang bahay bakasyunan na huling namataan si Katarina. Dahil sa kaniyang labis na curiosity, pinuntahan niya ito. Napakaganda ng lugar, tahimik malapit sa lawa, at natatanaw ang bundok.


"Ang ganda, napakasarap ng hangin.." sambit niya habang nakapikit ang mga mata


Pagmulat niya, nakita niya ang bahay, lumapit siya rito at sinilip ang loob ng bahay mula sa labas ng bintana.


Lumapit siya sa may pintuan, subalit nakasara ito. Lumihis siya patungo sa likuran at nagbabakasakaling may iba pang pintuan roon. Bigo siyang makapasok sa loob.


Nagpasya na siyang umalis, at bumalik na sa kaniyang appartment. Pagkarating niya roon ay nahiga siya sa kaniyang kama. Naghahalo na ang antok sa kaniya ng biglang may kumatok sa kaniyang pintuan.


Pagbukas niya, isang kartero ang bumungad sa kaniya, kinuha ang sobre at pagkatapos ay pumirma. Pumasok siya sa loob at binuksan ang laman ng sobre.


Isang malaking takot ang kaniyang naramdaman ng makita niya ang kaniyang sarili sa mga imaheng ito. Ito ay kuha kanina lamang.


"What is happening? Ano ang ginawa ko?" Tanong ni Kevin na naluluha sa takot


Hindi alam ni Kevin kung kanino niya ito sasabihin. Kung kaya't minabuti na muna niya na sarilihin na lang ang nangyayari, ayaw niyang madawit pa sa sitwasyong ito ang kaniyang mga kaibigan.


Kinagabihan, nagpunta si Leo sa kaniyang appartment, may dala itong mga bulaklak at wine. Kakatapos lamang naman ni Kevin na mag ayos ng kaniyang sarili. Paglabas niya sa kaniyang kwarto, isang dorbell muli ang kaniyang narinig.


"Sino na naman kaya ito?" Pangamba niyang tanong sa kaniyang sarili


Lumapit siya ng marahan at sinilip sa maliit na butas kung sino ito. Naliwanagan lamang ang kaniyang kalooban ng makitang si Leo ito.


"Leo! Ikaw pala" ani niya pagkabukas ng pinto


"Oh bakit gulat na gulat ka? Is there anything wrong." Ani ni Leo


"Wala naman, oh bakit napadaan ka?" Tugon ni Kevin


"I brought you some flowers" nakangiting sambit ni Leo


"For what?" Pagtataka ni Kevin


Pumasok sila at nagtungo sa salas. Iniabot ni Leo ang bulaklak.


"Kevin, i like you." Ani ni Leo


Gulat na gulat si Kevin sa sinabing ito ni Leo.


"What? I don't get you.." tugon ni Kevin


"Kevin i love you. I don't know why but i can't stop thinking of you." Ani ni Leo


Walang naging kasagutan si Kevin.


"Isn't it too fast? We've just met" ani ni Kevin


"I can wait, let me court you.. liligawan kita everyday if i need to do that." Tugon ni Leo


Wala ng nagawa si Kevin, kung hindi ang pumayag. Lumabas sila para mag dinner. Tahimik lamang si Kevin habang nasa loob ng sasakyan.


Hinawakan ni Leo ang kamay ni Kevin at hinalikan. Napatingin naman si Kevin at napangiti.


"Are you fine swetie??" Tanong ni Leo


"Yes im fine" nakangiting tugon nito


Nang makarating sila sa restaurant, hindi pa rin makapaniwala si Kevin na nangyayari sa kanya ang mga bagay na ito. Halos nakalimutan na niya ang nangyari sa kaniya kanina.


Masayang kumain ang dalawa. Nang matapos roon dinala ni Leo si Kevin sa rooftop ng Hospital. Madilim roon ng sila ay dumating. Naglakad si Kevin hanggang sa gitna, at ng pagtungtong niya roon, unti-unting nagliwanag ang kaniyang paligid


Maliliit na Christmas lights na nagsilbing tila mga alitaptap sa pagkinang. Kasunod noon ay ang sweet music na mula sa nag violin.


Marahang lumakad patungo sa kaniya si Leo. Hinawakan ang kaniyang kamay at inilagay ito sa kaniyang balikat. At saka niya hinawakan ang mga bewang ni Kevin.


"This is for you... you are my light in my darkest world." Ani ni Leo


Naluluha si Kevin sa tuwa, hindi niya labis maisip na kayang gawin ito ni Leo.


"When i found you, another light have started and that light just focused on you. Ang nasabi ko na lang sa sarili ko he's the one." Dagdag pa ni Leo


Hindi makapagsalita si Kevin, nangingilid na ang kaniyang mga luha.


"Maybe until now you are asking? What i am? Yes i am straight man, and when i found you nasabi ko sa sarili ko kahit pala straight pwede ding mainlove sa isang Gay na kagaya mo." Dagdag pa ni Leo


Napaakap ng husto si Kevin kay Leo at doon na bumuhos ang luha niya. Luha ng kaligayahan na akala niya ay hindi na niya makakamtan pang muli.


"Leo, i never expected this from you." Ani ni Kevin


"This is too much.. you made too much effort for me, diba sabi ko sayo you don't need to do this all just flr me.." ani ni Kevin


"I know.. but you are not a just, you are a very special that deserves to be love. So let me love you, open your heart again" tugon ni Leo


Hindi na napigilan ni Kevin ang mapasagot sa tanong na ito ni Leo, tumango ito at ngumiti.


"I am, i am willing to open my heart again, i am ready to love again, sweetie." Malambing na tugon i Kevin


Nang gabing iyon, naging si Kevin na at Leo na as official couple. Matapos iyon, lumitaw ang fireworks na pinasadya ni Leo na nakasulat ay...


"I love you...."




_____________
🖤🖤🖤comment.vote.share🖤🖤🖤
🖤🖤🖤

🖤 Thank You 🖤

KatarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon