"Paging Dr. Melendez please proceed to the operating room." Isang pangungusap na laging naririnig sa lobby ng ospital
"Nandito si Leo?" Tanong niya sa kaniyang sarili
Habang nasa emergency room naman sila ni Lucas, natanaw naman siya ni Leo.
"Kevin?" Sambit ni Leo sa kaniyang isipan
Isang nurse ang sumangga kay Kevin kung kaya't mawala siya paningin ni Leo.
"Maybe im hallucinating. Fuck! Kevin! Ano bang meron sayo?" Sambit niya muli sa kaniyang isipan
Chineck ng Doctor si Lucas at nagtamo nga lamang ito ng mga sugat, pinasuri din siya gamit ang x-ray upang makita kung may danyos sa loob ng katawan nito.
"Honey! What happened!" Pag-aalala ni Patricia
"Relax! Ok lang siya" ani ni Kevin
"What are you doing here? Magkasama kayo?" Tugon ni Patricia
Inilagay ni Kevin na contact si Patricia kung kayat siya ang tinawagan ng hospital. Ngumiti lamang si Kevin at tumalikod at hindi nagbigay ng kasagutan.
"Kinakausap kita! Huwag mo akong tatalikuran! Saan kayo nagkita? May ginawa ba kayo?" Ani ni Patricia sabay hatak sa braso nito
Muling naeskandalo na naman si Kevin kung kaya't nagpantig ang kaniyang sentido.
"'Patricia? Marunong ka bang maglinis? Baka sa susunod idamay mong linisin ang utak mo!" Matapang na tugon ni Kevin
"Isa pa alamin mo muna kung ano ang nangyari, baka kung hindi ko siya nadaanan sa kalye baka wala ka ng lalaki ngayon!" Dagdag pa ni Kevin
Hindi nagawang makasagot ni Patricia, kita niyang pinagbubulong-bulungan na siya kung kayat napayuko na lamang siya at naupo sa isang tabi.
Naglalakad si Kevin palabas ng lobby ng mabangga siya ng isang lalaki.
"Im sorry.." ani ng Lalaki
Pagtingin nila sa isa't-isa laking gulat nila ng makita ang bawat isa.
"Leo??" Ani ni Kevin
"Kevin?" Tugon naman ni Leo
"What are you doing here?" Ani muli ni Leo
"It's a long story" tugon ni Kevin
Nagsimula ng magkwento si Kevin kung paano siya nakarating ng ospital, natatawa na lamang si Leo ng malaman ang naging reaksyon ni Patricia matapos tulungan ni Kevin si Lucas.
"That girl really caught your attention." Ani ni Leo
"Anyways papunta sana ako sa bahay mo just to give you this flash drive. Nandiyan ang plano, if you want some revisions just tell me tomorrow and i will do it." Tugon ni Kevin
Lumapit si Leo sa may punong tenga ni Kevin at mag wika
"Why don't we check that together" bulong nito na may kasamang mainit na hangin mula sa ilong nito
Nanindig naman ang balahibo ni Kevin, at hindi niya maipaliwanag ang sensasying muli niyang nararamdaman. Napalunok siya at napatitig kay Leo.
"Sorry i can't tonight, may mga projects pa kasi akong dapat tapusin." Pagpapalusot ni Kevin
Tila isang malaking dagok naman ang naramdaman ni Leo ng pahindian siya ni Kevin. Nagpaalam na sa kanya si Kevin at iniabot na ang flash drive. Hindi nagtagal ay napansin ni Leo ang pasa sa pulso ni Kevin.
"Kevin wait.." ani ni Leo
Huminto si Kevin at humarap kay Leo. Lumapit naman si Leo at inabot ang kaniyang kamay upang suriin ang kaniyang pulso.
Nang hawakan iyon ni Leo, nagflashback sa kaniya ang ala-ala ng nangyari kagabi. Kaagad naman niyang niyakap si Kevin at humingi ng paumanhin.
"Im sorry,, i didn't mean to harm you."ani ni Leo
"It's fine, no worries... i have to go," tugon ni Kevin
Bumitaw sa pagkakaakap si Leo at hinayaan ng umalis si Kevin. Napabuntong hininga naman siya sa kaniyang ginawa.
Pagkarating ni Kevin sa kaniyang bahay, nilapag niya ang kaniyang laptop at binuksan, habang naghihintay, nahiga siya sa kaniyang kama.
"What if mafall ako kay Leo? What if naman ginagamit lang ako ni Leo?" Tanong niya sa kaniyang isipan
Bumangon siya at kaagad siyang nagtungo sa browser at nagsearch patungkol kay Dr. Melendez.
"Dr Melendez"
Habang naghihintay , kumuha siya ng isang baso ng whiskey at nilagyan ng yelo. Bumalik siya at tiningnan ang screen ng laptop. Napakunot noo siya ng makita niya si Dr. Melendez kasama ang isang babae.
"Katarina Rodriguez?" Sambit niya
Nagbrowse pa siyang muli at naghanap pa ng related article patungkol kay Katrina Rodriguez. Ilang saglit pa ay lumabas na sa kaniyang harapan ang ilang detalyeng naglalaman patungkol kay Katarina.
"January 24 1994! Parehas kami ng birthday?" Aning muli ni Kevin sa kaniyang sarili
Nagbasa pa siya at laking gulat niya ng makita ang isang article.
"Dr. Melendez and Rodriguez engagement"
Binuksan niya ito at tumambad nga ang larawan ni Leo At katarina habang nakasuot na ng engagement ring.
"Engage na si Leo? But he used me last night? So para saan?" Tanong ni Kevin sa kaniyang sarili
Naghanap pa siyang muli ng article at isang article ang gumulat sa kaniya.
"Katarina Rodriguez is missing"
"Nasaan si Katarina? Kaya ba narito sa Pilipinas si Dr. Melendez?" Mga katanungang tumatakbo sa kaniyang isipan
"Ano ang sadyang pakay mo Leonard?" Tanong niyang muli
_____________
🖤🖤🖤comment.vote.share🖤🖤🖤
🖤🖤🖤🖤 Thank You 🖤
BINABASA MO ANG
Katarina
RandomIsang LGBTQ member na minsang nagmahal subalit palagi na lamang nasasaktan. Napuno siya ng puot kung kaya't bumangon siya sa kaniyang pagkakalugmok at sinubukang lumaban at ipaglaban ang kaniyang karapatan bilang isang tao.