Abala na ang lahat para sa kasal ni Samantha at Leo. Ang ina ni Sam na si Imelda ang nagaayos ng kanilang Venue. Ito ay gaganapin sa tabing dalampasigan.
"Ok please i need everything look so perfect. Gusto ko maganda ang venue na ito para pagnaglakad ang anak ko mamaya, mas lalo pa siyang gumanda." Ani ni Imelda
"Yes Mother... we will do everything... don't worry" ani ni Toffy
"Make it sure Toffy... alam mo naman ang kaibigan mo masyadong maarte pagdating sa mga ganitong bagay." Tugon ni Imelda
"Ako na ang bahala Mother. Maupo ka na muna jan sa isang tabi at mag relax." Ani ni Toffy
Habang si Samantha naman ay abala sa pagsusukat ng kaniyang weddding gown, kasama ng kniyang designer.
"My tummy...." Nadidismayang sambit ni Samantha
"It's fine! Ano ka ba? Normal lang na makita ang tummy mo, lumalaki na si baby." Ani ng designer
"Do i look pretty?" Tanong ni Sam
"Of course! Bagay na bagay sayo ang gown, also hindi ka halatang buntis just take a breath, walk with glam." Ani ng designer
Dahil doon, nabuhayan ng loob ai Samantha. Abot ang ngiti niya s harap ng salamin.
"Ilang oras na lang, maiisalba ko na ang Melendez Corporation." Bulong ni Leo sa kaniyang isipan
"Kung hindi lamang dahil sa kumpanya, matagal na kitang iniwan Sam.. hindi ikaw ang pinanarap kong babae na makasama sa iisang bubong." Dagdag pa ni Leo
Lumapit ang bestman ni Leo na si Anton.
"Oh mukhang malalim ang iniisip mo ah.. Don't worry sa una lamang nakakakaba." Ani ni Anton
"Well, i wish na ganyan nga lang kadali sa sinasabi mo." Tugon ni Leo
"Oo naman. Base naman sa relasyon ni Sam, hindi na maiitatago na may magandang future na naghihintay sa inyo bilang mag-asawa." Dagdag pa ni Anton
Natigilan si Leo, humithit siya ng sigarilyo, saka niya pinakawalan ang usok. Matapos iyon, uminom siya ng wishky.
"Bakit ko pa ba kasi pinatagal, at pinaabot sa ganito? Hindi ko naman talagang mahal si Samantha." Tanong niyang malalim Sa kaniyang isipan
Tinapik ni Anton si Leo.
"Pare! Ano ba talaga ang gumugulo sa isipan mo? Parang may mali eh?" Pagdududa ni Anton
"Wala to Pare, i just have a lot of things on my mind" ani ni Leo
Napatawa ng malakas si Anton.
"Hahaha! I forgot! Businessman ka nga pala, kaya hindi na dapat bago sa akin ang mga ganyang tagpo." Pabirong tugon ni Anton
Habang abala ang lahat para sa kasal nina Samantha at Leo, abala naman sina Lucas para sa libing ng ama ni Katarina.
"Nay nakita mo ba si Katarina?" Tanong ni Lucas
"Ha? Akala ko ba magkasama kayo kanina?" Tugon ni Aling Carmen
"Tinawagan mo ba?" Tanong muli ni Aling Carmen
Kinuha ni Lucas ang kaniyang telepono at sinubukang tawagan si Katarina. Subalit hindi ito sumasagot. Nakailang tawag siya subalit wala pa rin.
"Ilang oras na lamang at ihahatid na ang kaniyanf ama" ani ni Aling Carmen
"Oho nga po nay, imposible namang umalis siya sa araw ng libing ng kaniyang ama." Pangambang tugon ni Lucas
"Ano ba yan? Ano ba ang nagyayari sa alaga ko.." pagkataranta ni Aling Carmen
Maya-maya ay may lumapit na nakatalukbong na babae kina Lucas at Aling Carmen. Batid naman ni Lucas kung sino ito.
"Lucas?" Pagtataka ni Aling Carmen
Marahang inalis ni Winona ang kaniyang talukbong.
"Winona?????" Pagkamangha ni Aing Carmen
"Lucas! Bu? Bu—- ....." pautal na sambit ni Alinc Carmen
"Oho nay, buhay si tita, tanging ako pa lamang ang nakakaalam, hindi pa ito alam ni Katarina." Tugon ni Lucas
Tumingin sa mga mata ni Winona si Aling Carmen. Hinawakan ang magkabilang braso nito, at kaagad na inakap ng napakahigpit.
"Winona... ikaw nga!!! Buhay ka !! Salamat sa Diyos at buhay ka.." hindi magkamayaw na sambit ni Aling Carmen
"Ssssh... Nay.. huwag ka masyadong magpahalata, delikado pa... hindi pa pwedeng malaman ng nakakarami na buhay pa si Tita" paliwanag muli ni Lucas
Naunawaan naman iyon ni Aling Carmen, subalit sa kabila ng panandaliang sayang iyon, napalitan naman kaagad iyon ng lungkot, ng bumuhos na ang luha ni Winona ng makita ang larawan ng kaniyang yumaong asawa na katabi ng kaniyang himlayan.
"'Magpakatatag ka, mas kailangan ka ngayon ng anak mo, napakaraming pinagdadaanan ng anak mo" sambit ni Aling Carmen
Lumapit si Winona sa tabi ni Francesco, nakatalukbong siya ng itim at nakasuot ng sunglass kung kaya't hindi siya mawari kung sino.
"Amore,, may you rest in Peace.. patawad ngayon lamang ako naglakad loob na dumating, nagtago ako dahil sa takot, patawad dahil wala ako sa tabi mo, sa oras na kailangan mo ako.." pagdadalamhati ni Winona
"Pangako, ako na ang bahala sa prinsesa mo. Poprotektahan ko siya hanggang sa makakaya ko." Dagdag pa niya
Makaraan pa ang ilang saglit, paparami na ang mga tao sa loob ng chapel. At hindi nagtagal, dumating na ang Pari upang ibigay na ang huling misa para kay Francesco.
Natapos na ang misa at dadalahin na si Francesco s loob upang iproseso ang kaniyang crematorium subalit wala pa din ang anino ni Katarina.
"Nasaan ka Katarina?" Tanong ni Lucas sa kaniyang isipan
🖤🖤🖤comment.vote.share🖤🖤🖤
🖤🖤🖤🖤 Thank You 🖤
BINABASA MO ANG
Katarina
RandomIsang LGBTQ member na minsang nagmahal subalit palagi na lamang nasasaktan. Napuno siya ng puot kung kaya't bumangon siya sa kaniyang pagkakalugmok at sinubukang lumaban at ipaglaban ang kaniyang karapatan bilang isang tao.