Kabanata 76

54 2 0
                                    

"Kat! What's wrong? Please talk to me..." ani ni Lucas


Nagpatuloy lamang si Katarina, sumakay siya sa kotse at nagpahatid sa kaniyang Kumpanya. Pagkarating niya roon, naupo siya Sa kaniyang swivel chair.


"Huwag ngayon Lucas! Huwag mo akong guluhin. Alam kong pipigilan mo ako sa lahat ng ito, subalit hindi pa ako tapos! Babago pa lamang akong nagsisimula" sambit niya sa kaniyang isipan


Nagpatuloy sa pagtatrabaho si Katarina. Binasa niya ang lahat ng emails at matapos iyon ay umuwi na siya sa mansyon.


"Anak, nagluto ako, tara na kumain.." paanyaya ni Winona


"Sige ho salamat. Pagod ho ako, magpapahinga na ako." Tugon ni Katarina


"Katarina..." sambit ni Winona


Patuloy sa paglalakad si Katarina patungo sa kaniyang kwarto. Nakita naman ito ni Aling Carmen at hindi niya ito nagustuhan.


"Ako na ang bahala Winona." Ani ni Aling Carmen


"Salamat Carmen... hindi ko na alam kung paano pa niya ako mapapatawad." Hinagpis ni Winona


Umakyat siya Sa kwarto ni Katarina. Kumatok siya at binuksan niya ito.


"Kat...." Mahinahong sambit ni Carmen


Mula sa kaniyang kama, lumingon lamang siya, batid na niya kaagad kung bakit nagtungo sa kaniya si Aling Carmen.

"If tungkol ito kay Mama.. ayaw ko na muna ho makipag-usap." Ani ni Katarina


"Pero Kat... hindi naman pupwedeng palagi na lamang kayong ganyan ng Mama mo." Tugon ni Aling Carmen


"Sana nay alam mo din kung ano yung sakit na pinagdadaanan ko.. yung sakit na makilala yung iniidolo mong ina sa kabila ng kaniyang isang malaking pagkakamali." Ani ni Aling Carmen


Biglang nahiwagaan si Aling Carmen sa sinabing iyon ni Katarina.


"Anong pagkakamali anak?" Tanong ni Aling Carmen


Hindi na mapigil pa ni Katarina ang kaniyang sarili. Bumuhos ang kaniyang emosyon kasabay ng kaniyang pagluha.


"Nay! Paano ko ba matatatanggap na may anak sa iba si Mama?" ani ni Katarina


Nagulat si Aling Carmen, gayon din ang kaniyang Mama na nakikinig lamang sa may labas ng pinto.



"Ano??? Paano???" Pagkagulat naman ni Carmen




"What????? How did she knew about it?" Pagtataka ni Winona


Nagpatuloy si Winona sa pakikinig


" i have a private investigator, alam mo yan Nay, simula ng lumabas ang balita na patay na si Mama, doon ko na sinimulan ang investigasyon s pamamagitan ni Ivan." Paliwanag ni Katarina


"Pppp—-ero?? Paano nagkaanak si Winona? May deperensya siya sa pagkakaalam ko." Ani ni Carmen


"Hindi totoong may deperensya ang Mama! Ayaw niya talagang magka-anak" saad ni Katarina


Napaluha si Winona


"Katarina, patawad... alam ko ang sakit na pinagdadaanan mo, alam ko kung gaano mo kamahal ang Papa mo.." ani ni Winona


"Nang gabing iyon, umalis si Mama.. pinasunod niya si Arnaldo, mahal pa rin ni Mama si Arnaldo kahit kasal na siya kay Papa. Diba... Nay... ang sakit... sobrang sakit.... Ako yung nasasaktan para kay Papa! Ako ang sumasalo ng lahat ng sakit kasi hindi niya deserve masaktan." Sambit ni Katarina


"Hindi ako makapaniwala... anak... sana humupa na ang galit mo kay Winona." Tugon ni Carmen


"Hindi ko alam Nay... hindi ko alam kung kailan... itinago ko ang katotohanan habang nabubuhay si Papa!" Dagdag pa ni Katarina


Inakap ni Carmen si Katarina. Hinaplos ang likuran upang kahit papaano ay guminhawa ang kaniyang nararamdaman.


"Napakasama ko... Francesco... ito ba ang karma ko? Hindi ko alam kung paano ako mapapatawad ni Katarina." Saad ni Winona


Lalabas si Katarina ng pintuan upang kumuha ng tubig. Subalit nagulat siya ng makita niya roon si Winona.


"Mama?" Ani ni Katarina


Napawi ang pagluha ni Winona at kaniyang inakap ng mahigpit ang anak.


"Kat.. please.. im sorry... im really sorry... hirap na hirap na ako anak... huwag mo naman akong tiisin ng ganito..." pagluha ni Winona



"Please... not now..." malamig na tugon ni Katarina


Inalis ni Katarina ang pagkakaakap ni Winona. Duon muling bumuhos ang emosyon niya.


"Carmen... hindi ko na alam kung paano ako babawi sa kanya... ayaw ko habang buhay niya akong kamuhian.. alam kong mali ang nagawa ko... pinagsisihan ko na ito.." ani ni Winona


"Winona... sa puntong ito, hindi ako ang makakapagbigay ng kasagutan, tanging si Katarina lamang ang makakasagot ng bagay na iyan.." paliwanag ni Carmen


Habang umiinom ng alak si Leo, nakamasid siya sa larawan ni Katarina.


"Batid kong may pinaplano ka kung bakit ang bilis mong ibigay ang tiwala mo sa akin.." sambit nito sa kaniyang isipan


Paglingon niya, nakita niya ang envelopw ng DNA test. Binuksan niya ito at kaniyang muling pinagmamasdan.


"Kung hindi ako ang ama ng anak ni Samantha... then it would be Lucas? So nagtaksil sa akin ang babaeng ito." Sambit niya


Masakit sa loob niya na isipin ang ganitong bagay subalit upang mabigyan kasagutan ang mga tanong ito ang tanging pumapasok sa kaniya.


"Problems! Too much problem! But first i only have 1 month to save my company. Sana sumagot na ang
Royal Club.. ito na lamang ang susi para maisalba ko ang pangalan ng pamilya ko." Ani ni Leo


Napabuntong hininga siya at bakas sa kaniyang mukha ang pagiging aborido


🖤🖤🖤comment.vote.share🖤🖤🖤
🖤🖤🖤

🖤 Thank You 🖤

KatarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon