"Dr. Melendez nice to meet you!" Ani ng ina ng pasyente
"Nice to meet you to po Mommy so how's your daughter?" Tugon ni Leo
"She is still not doing well, everyday she's getting worst and worst" ani ng Ina na si Carmen
"Mommy she will be fine don't worry, ako na ang doctor in charge sa kanya at gagawin ko ang lahat ng aking makakaya to save her." Ani ni Leo
"Maraming salamat po. Sana po magbayad ang doctor na nagopera sa kanya ng mali." Tugon ni Carmen
"Don't worry po, nasa awtoridad na po siya at ang batas na ang bahalang magpataw ng kaparusahan sa kanya. Ngayon po need nating mag focus sa anak ninyo." Ani ni Leo
"Nako! Maraming salamat po Doc, hulog po kayo ng langit." Tugon ni Carmen
Pumasok na sa loob ng kwarto si Leo at doon chineck ang kalagayan ng bata. Isang heart surgeon si Dr. Melendez, ito ang kaniyang specialist bilang isang doctor.
"Yes im Done!" Masayang sambit ni Kevin
Kaagad naman niyang tinawagan si Leo upang magbigay ng update. Subalit nag transfer lamang ang kaniyang tawag sa secretary nito.
"Hello who's on the line please.."
"Hi it's Mr. Lopez can i speak with Dr. Melendez please.
"Sir, im sorry but Dr. Melendez is busy at the moment, madami po siyang pasyente today and if you want i can set you an appointment tomorrow."
"Yes please, paki inform din siya its all about Melendez Hospital"
"Ay sir kayo po pala, nako ipinagbilin na po kayo kaagad ni Dr. Melendez na if ever tumawag kayo about that dumeretso na lang daw po kayo sa unit niya. Pinapasabi din po niya na kuhanin ninyo ang susi sa receptionist para doon na kayo maghintay sa itaas."
"Ok thank you so much,"
Lumakas ang kaba sa dibdib ni Kevin.
"Oh no.." mahinang sambit niya
Tumayo na siya at nagligpit ng kaniyang mga gamit. Pagkatapos noon ay nagpasya na muna siyang umuwi. Habang nagmamaneho, may nakita siyang isang kotseng nakatigil sa isang tabi.
"Lucas??" Ani ni Kevin
Itinabi niya ang kotse at bumaba at saka siya lumapit kay Lucas.
"Lucas? What happened?" Pag-aalalang tanong ni Kevin
Naaksidente si Lucas, nasabitan ang kaniyang sasakyan at hinayaan lamang siya roon. Mababaw lamang ang mga sugat ni Lucas kung kaya't nagpasya siya na iuwi na muna ito sa kaniyang appartment.
"Halika, sa appartment na muna kita dadalhin para malapatan natin ng paunang lunas ang mga sugat mo." Ani ni Kevin
"Thank you Kevin..." ani ni Lucas
Marahan siyang inilabas ni Kevin sa sasakyan at saka siya inilipat sa kabilang kotse. Tanging mga galos lamang ang natamo ni Lucas.
"Pagkatapos nating malinis ang sugat mo saka tayp pupunta sa hospital. I can't bring you right now rush hours baka mainfect ang mga sugat mo bago pa man tayo dumating sa hospital " ani ni Kevin
Mabilis na pinatakbo ni Kevin ang kaniyang kotse, ilang sandali pa ay nakarating na sila sa labas ng condo.
"Kaya mo namang maglakad diba?" Tanong ni Kevin
Natanaw naman sila ng security guard at kaagad silang sinalubong.
"Ok na po kuya, please call a police and report the accident at bakal street. Pakisabi may na hit and run na kotse and the driver is safe at pakisabi na rin dadalhin ko siya sa ospital like that they can continue investigating."kampanteng tugon ni Kevin
"Ok po sir.." tugon ng guard at saka tumawag ng police.
Nang makarating sila sa loob, iniupo niya si Lucas sa sofa at saka kumuha ng mga panlinis. Pinunasan niya ng marahan ang mga sugat ni Lucas at pagtapos ay nilagyan niya ng ointment at saka nilagyan ng bandage.
"Why are you doing this?" Tanong sa kaniya ni Lucas
"Tao ako Lucas, may damdamin at hindi ko hahayaan na mamatay ka na lang mag-isa doon. Isa la kahit sino pa man ang nasa kalagayan mo tutulungan ko pa din siya." Tugon ni Kevin
Tumayo si Kevin at tumalikod upang ibalik ang kaniyang mga ginamit. Subalit, nahagip naman ni Lucas ang pulsohan ni Kevin at doon siya hinawakan nito.
"Aray.." mahinang impis ni Kevin
"Anong nangyari dito? Saan mo ito nakuha?" Tanong ni Lucas
"Wala naipit lang ako ng elevator kagabi." Ani ni Kevin
Batid ni Lucas na hindi siya nagsasabi ng totoo. Magaling magpanggap si Kevin, magaling magtago ng tunay na nararamdaman, sa tagal nilang nagkasama mas nakilala niya ito ng husto.
"May damit ka pa dito, magbihis ka na" ani ni Kevin
Nagtungo si Lucas sa dressing room at doon nakita niya na walang nagbago, kahit wala na sila, hindi pa din nawawala ang kaniyang mga ala-ala sa bahay na ito
Naligo si Kevin, pagkalabas niya sa shower room, nakita niya si Lucas na katulat sa may pintuan at pinagmamasdan siya.
Napalunok siya at gayon din si Lucas. Dahan-dahang lumapit sa kaniya si Lucas at hinawi ang buhok malapit sa kaniyang tenga at saka hinawakan ang baba at itinaas ng bahagya.
Unti-unting lumalapit ang mga labi ni Lucas sa labi ng Kevin, kasabay noon ay ang marahang pagkakalunok ng bawat isa. At nang akmang hahalikan na siya ni Lucas ay kasabay naman iyon ng pagtunog ng kaniyang cellphone.
"Magbihis ka na, kailangan pa nating magpunta sa hospital." Ani ni Kevin sabay dampot sa kaniyang cellphone
Hindi na naabot ni Kevin ang tawag at tanging voicemail na lamang. Kaya't pinakinggan niya ito habang siya ay nagbibihis.
"Hey.. sorry im busy, hindi ko nakita ang tawag mo, i will be late tonight but you can stay there if you want." Ani ng voicemail ni Leo
_____________
🖤🖤🖤comment.vote.share🖤🖤🖤
🖤🖤🖤🖤 Thank You 🖤
BINABASA MO ANG
Katarina
RandomIsang LGBTQ member na minsang nagmahal subalit palagi na lamang nasasaktan. Napuno siya ng puot kung kaya't bumangon siya sa kaniyang pagkakalugmok at sinubukang lumaban at ipaglaban ang kaniyang karapatan bilang isang tao.