Kabanata 5

152 11 0
                                    

"Ayaw mo ba?" Tanong ni Leo


"Ahhh! Gusto ko siempre, kaso hindi ako makapaniwala napakalaking proyekto nito" tugon ni Kevin


"Yeah! That's why i trusted you for this. Alam kong hindi mo ako bibiguin." Ani ni Leo


Masayang-masaya si Kevin sa magandag alok sa kaniya ni Dr. Melendez, bakas rin sa kaniyang mukha ang tensyon kung paano niya mabibigyan ng isang magandang proyekto ang alok na ito. Natapos na din silang kumain at sila ay nagpatuloy sa pagkukwentuhan habang umiinom ng alak.


"Lucas tama na yan,, lasing ka na." Ani ni Sandra


"Kaya ko pa! Sige lang inom lang tayo diba party natin ito?" Tugon ni Lucas


"Pero lasing ka na Lucas.. hindi mo na nga kakayanin ang magdrive niyan eh." Ani naman ni Paula


"Kaya ko Paula! Kaya ko!" Mariing tugon ni Lucas


Napabuntong hininga na lamang ang dalawa sapagkat hindi umepekto ang paliwanag nila kay Lucas.


"Alam ko na! Tayo lumabas! Humanap tayo ng disco bar!" Garalgal na sambit ni Lucas


"Hindi mo na nga kaya eh! Lucas naman hindi ka namin kaya, please tama na.." ani ni Sabrina


"Kaya ko nga! Kaya ko pa.. at sino pa ba ang aasahan na nandito? Si Kevin? Diba nga umalis siya para kitain ang mayabang na si Dr. Melendez!" Singhal ni Lucas


Nagkatinginan naman sina Paula at Sabrina at tanging iling na lamang ang kanilang nagawa.


"So Kevin, bakit hindi mo subukang magtrabaho abroad? I think matatanggap ka at higit sa lahat mas malaki ang possibilities mo makakuha ng maraming projects. Siempre the bigger the projects the bigger the value." Tanong ni Leo


"Sa totoo lang Leo, gusto ko siya dati, but i can't leave him alone" malungkot niyang Tugon


"Him?" Pagtataka ni Leo


Hindi nabatid ni Leo ang tunay na pagkatao ni Kevin, inakala niya na isang mahinhing lalaki lamang si Kevin.


"Yes Him! I am a gay Leo." Tugon ni Kevin


"Uhmm.. interesting.." patango-tango niyang sambit


"So... who's the lucky one?" Tanong ni Leo


Natigilan si Kevin ng ilang segundo. Ng akmang sasagot siya bigla naman siyang nakatanggap ng mensahe.


"Are you done?? We need you? Hindi namin mapigilan si Lucas" -Pau


Napabuntong hininga si Kevin.


"Im sorry Leo, kailangan ko munang umalis, may emergency sa opisina." Tugon ni Kevin


"What? Ok calm down.. Let me drive you." Tugon ni Leo


Hindi sumagot si Kevin at nagmamadaling tumungo sa parking lot. Pagkarating niya roon, napasapo siya sa kaniyang ulo ng makitang Flat ang kaniyang gulong.


KatarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon