Kabanata 64

52 5 3
                                    

Nang magkamalay na si Winona ay nakabalik na siyang muli sa bahay buhat Sa hospital. Natagalan ang kaniyang pag-gising dulot na rin ng matinding pagsubok at trauma na ininda ng buo niyang katawan.


"Lu—ucasss... anak..." ani ni Winona


Napabaling si Lucas, kaagad siyang lumapit at tinanong kung ano ang gusto niya.


"May gusto po ba kayo? May masakit po ba?" Pag-aalala ni Lucas


"Wala iho, nasan si Dr. Alegre? Nais ko siyang makausap." Ani ni Winona


Tumayo si Lucas at lumabas, tinawag niya ang Doctor at kaniya silang iniwan sa loob upang makapag-usap.


"Ligtas ka na Winona, wala kang dapat pang ipangamba." Ani ni Dr. Alegre


"Ramon, alam kong hindi pa dito natatapos ang pangyayaring ito, nais ko sanang humingi ng pabor mula sa iyo." Tugon ni Winona


"Kahit ano Winona, sige ano ba yun?" Tanong ni Ramon


"Nais kong isa publiko ang pagkamatay ko, ng sagayon magawa ko ng husto ang mga bagay na dapat noon ko pa naitama." Ani ni Winona


"Si—sigurado ka ba jan Winona?"tanong ni Ramon


"Oo Ramon, sigurado ako... ayokong mawala ako sa mundong ibabaw na hindi ko pa naitatama ang lahat. Sana matulungan mo ako." Ani ni Winona


Tumango si Ramon, hudyat iyon ng kaniyang pagpayag. Habang kaharap pa si Winona, tinawagan na niya kaagad ang koneksyon niya sa isang pahayagan.


Makalipas ang ilang minuto ng pakikipag-usap, umusbong na kaagad ang balita sa pagpanaw ng asawa ng kilalang negosyante na si Sr. Francesco.


"Maraming salamay Ramon, maasahan talaga kita kahit anong oras." Tugon ni Winona


"Winona, napakahabang panahon na, subalit nakita o nakilala mo na ba si..." tanong ni Ramon na naudlot


Kumatok si Lucas upang ipaalam ang kaniyang narinig na balita mula sa social media.


"Excuse me po.. pero may balita pong lumabas patungkol sa inyo." Ani ni Lucas


Tumango si Winona na may halong ngiti. Habang pinagmamasdan ni Ramon si Winona tila may isang palaisipan na tumatakbo at naglalaro sa isipan ni Ramon.


"Lucas, anong blood type meron ka? Bigla ko lang naisip, kailangan namin ng Donor para sa aming blood bank." Ani ni Ramon


"Ah type AB- po doc. Willing po ako magdonate ngayon kung ready po kayo." Ani ni Lucas


"Aba .. oo naman, pero mas maganda kung sa guest room mo na ako hintayin ng sagayon ay makapagpahinga ka muna saglit." Ani ni Ramon


Ngumiti si Lucas at nagtungo na sa guest room. Malaki ang bahay na ito, kahit ang nasa harap nito ay isang kubo lamang.  Importante kay Winona ang lugar na ito, sapagkat dito niya iniwan ang lahat ng ala-ala niya ng minsan ay may isang sanggol na umiiyak sa kaniyang bisig.


"Alright! All is done, malaking tulong na ito para sa mga taong nangangailangan ng dugo." Ani ni Ramon


"Basta kapag kailangan po ninyo, willing pa ako magdonate, or else ako na lang ang pupunta Sa hospital para mag donate ng dugo." Tugon ni Lucas


Masayang ngumiti ang Doctor. Hindi nagtagal, umalis na ang Doctor at nagtungo siya Sa Hospital. Tanging sina Winona at Lucas na lamang ang natira.


"Lucas, maraming salamat ulit ha.." nangingiyak na sambit ni Winona


"Walang anuman mo, basta po magpalakas kayo.. aalagaan ko kayo na parang isa kong tunay na nanay." Tugon ni Lucas


Bakas sa mga mata ni Winona ang saya, upang makapagpahinga pa siya ng husto, iniwan na muna siya ni Lucas.


🖤+ END OF FLASHBACK +🖤



"Did you see her? Is she alive!??" Bungad na tanong ni Samantha


"What? Who??" Nagtatakang tugon ni Leo


"Katarina! I heared you! Sinambit mo ang pangalan niya! So tell me the truth!" Galit na sambit ni Samantha


"Hey... relax... maybe you just misheard me... Katrina is my secretary and i have to wishper her name because i remember an important meeting with my one big investor.. so, amore... please calm down." Tugon ni Leo


Unti-unting napawi ang poot na nararamdaman ni Samantha. Sa puntong iyon, nakaramdam siya ng hiya sa inasal niya sa kaniyang fiancé.


"Im sorry Amore..." tugon ni Samantha


Inakap na lamang siya ni Leo at saka siniil ng isang halik.


"Are you ready? We need to check the venue." Tanong ni Leo


"Didn't you have an important meeting?" Tugon ni Samantha


"Ah.. no.. Katrina will need to confirm it, so let's check the venue of our wedding." Ani ni Leo


Hindi na sumagot pa si Samantha, hindi niya maipaliwanag subalit ramdam niyang may hindi tama.


"How's Melendez corp? Tanong ni Samantha


Hindi sumagot si Leo, nagpatuloy siya sa pagmamaneho ng sasakyan.


"Leo?? Is everything alright?" Tanong muli ni Samantha


Habang nagmamaneho, hindi napapansin ni Leo na nagtatanong si Samantha, namumutawi pa rin sa kaniyang isipan ang pamilyar na pustura ng isang babae, at batid niyang hindi siya pupwedeng magkamali dahil batid niya sa kaniyang sarili na si Katarina ang babaeng iyon.


"Leo????" Malakas na sambit ni Samantha


"Yes?" Pagkagulat ni Leo


"Nothing! Forget about it! Just continue driving." Galit na sambit ni Samantha


Napailing na lamang si Leo sa inasal na iyon ni Samantha. Wala siyang magawa kung hindi ang pakisamahan ang babaeng ito para sa kaniyang plano.




🖤🖤🖤comment.vote.share🖤🖤🖤
🖤🖤🖤

🖤 Thank You 🖤

KatarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon