Kabanata 33

59 5 2
                                    

Dating magkasintahan sina Francesco at Imelda nawala lamang ang kanilang pag-iibigan ng madiskubre ni Francesco na pinopormahan ni Arnaldo si Imelda. Si Arnaldo naman ay ang matalik na kaibigan ni Francesco.


"Cosa stai facendo qui?"
"What are you doing here?" Ani ni Francesco


Isang umaga na nadatnan ni Francesco si Arnaldo sa loob ng kwarto ni Imelda.


"Francesco il mio migliore amico!"
"Francesco my Bestfriend!"tugon ni Arnaldo na may halong pagkagulat


"sto solo visitando Imelda, è malata"
"I'm just visiting Imelda, she's sick" dagdag na tugon ni Arnaldo


"si lo so, è per questo che sono qui"
"yes I know, that's why I'm here" tugon ni Francesco na may halong inis


"oh tesoro sei qui, mi dispiace se io Arnaldo, pensavo non potessi venire"
"oh baby you're here, sorry if I Arnaldo, I thought you couldn't come" giit na tugon ni Imelda


Nagbigay lamang ng isang ngiti si Francesco. Samantala nakatingin naman siya kay Arnaldo. Napuno ng katahimikan ang buong silid.


Tumayo si Francesco at nagtungo sa banyo upang ihinga ang bigat ng kaniyang dinaramdam. Subalit, sa halip, siya ay mas lalong nagulantang sa kaniyang nakita.


"test di gravidanza?"
"Pregnancy Test?" Pagakagulat na sambit ni Francesco


Lumakas ang kabog sa dibdib ni Francesco ng kaniya itong napagdesisyunan na silipin. Marahan niyang inabot at saka tiningnan.


"Imelda è incinta?"
"Is Imelda pregnant?" Gulat na tanong niya sa kaniyang sarili


"ma come? non facciamo sesso da un mese"
"but how? we never had sex for a month"Dagdag pa niya habang naka kuyom ang kaniyang kamao.


Kinuha niya ang Pregnancy test at siya ay lumabas. Biglang natahimik ang dalawa nina Imelda at Arnaldo ng makita ang hawak-hawak ni Francesco.


Tumayo si Arnaldo at marahang lumapit kay Francesco. Subalit bago pa man siya magsalita ay nabigyan kaagad ito ni Francesco ng isang napakalakas na suntok.


Ikinagulat naman iyon ni Imelda at nagmamadaling nagtatakbo patungo kay Arnaldo. Sa madaling salita, sinaklolohan niya ito.


"Arnaldo, stai bene?"
"Arnaldo, are you alright?" Tanong ni Imelda


Doon na napatunayan ni Francesco na mas mahal ni Imelda si Arnaldo kesa sa kaniya. Binitawan niya ang pregnancy test at lumabas sa kwarto. Inakap naman ni Imelda si Arnaldo at kaniya itong hinalikan.


Makalipas ang siyam na buwan, isinilang ni Imelda ang isang sanggol na babae. Tinawag niya itong Maria Samantha Patricia Rodriguez. Isinunod niya ito sa pangalan ni Francesco kahit na wala siyang permiso.


"You are so beautiful my daughter." Ani ni Imelda sa anak


Sa araw ding iyon ng pagsilang ng sanggol ay siya namang pagpapakasal nina Francesco at Winona. Namuhay ang mag-asawa ng marangya, masaya at punong puno ng pagmamahalan.


Subalit, kabaliktaran naman ang nangyari sa buhay nina Imelda at Samantha. Madalas na lamang ay mainit ang ulo ni Arnaldo at palagi pa itong lasing. Mas lalo pang umiinit ang ulo nito kapag nakikita niya si Samantha.


"cosa stai cercando?"
"What are you looking?" Matapang na tanong ni Arnaldo


Napailing na lamang sa takot si Samantha at patakbong umiiyak patungo sa kaniyang ina.


"Mama! Mama!" Palahaw nito sabay akap sa kaniyang ina


"What's wrong??" Tanong ni Imelda


"Mama, why papa is always mad at me? I never felt his loved for me."ani ni Samantha


Niyakap siya ng kaniyang ina at hinaplos siya sa bandang likuran.


Baby.. he loves you.. he always love you.. ok?" Ani ni Imelda


Nagpunas ng luha si Imelda. Alam niyang iba ang tingin ni Arnaldo kay Samantha. Batid din niya na hindi ito kinikila ni Arnaldo bilang anak.


"Kung hindi mo kikilalanin ang sarili mong anak, mas mabuti pang ipakilala ko siya sa iba para magkaroon siya ng matatawag na ama!" Sambit ni Imelda sa kaniyang isipan.


Makalipas ang ilang taon, pumanaw na si Arnaldo, sa kasamaang palad, walang iniwang ari-arian ito para sa kaniyang asawa at anak. Samantala doon na ipinakilala sa kaniya ni Imelda ang kaniyang tunay na ama. Ito ay walang iba kung hindi si Francesco Rodriguez.


"Anak si Francesco ang tunay mong ama. Alam kong mahirap ipaliwanag subalit ito ang katotohanan." Ani ni Imelda


"Pero bakit ninyo itinago sa akin ang katotohanan? Bakit hinayaan ninyong makilala kong ama si Arnaldo." Tanong ni Samantha


"Dahil, hindi tayo pinanindigan noon ni Francesco. At natatakot ako na lumaki kang walang kinikilalang ama." Pagsisinungaling ni Imelda


Naniniwala naman si Samantha sa sinabing ito ni Imelda.


"Pero Mama, saan ko naman makikita si Papa? Kilala ko ba siya?" Tanong ni Samantha


"Alam ko kung saan siya nakatira, ang balita ko nga ay nag ampon sila ng isang bata." Ani ni Imelda


"So may kapatid ako? Sino siya?" Tanong muli ni Samantha


"Well, kapatid mo lang siya sa papel, subalit kahit pagbalik-baliktarin man ang papel na iyon, ikaw pa rin ang unica hija ng mga Rodriguez." Paliwanag ni Imelda


Napangiti at nabuhayan naman loob si Samantha.


"Kung gayon, sa akin pala mapupunta ang ari-arian ng Papa ko!" Nakangiting sambit nito


Nakuha ni Samantha ang ugaling ganid pagdating sa kayamanan mula sa kaniyang ina. Wala siyang iniisip kung hindi ang kaniyang sariling kapakanan. Kaya naman nag simula ng kumilos si Samantha upang magtagumpay siya sa kaniyang plano.


"Kukunin ko ang lahat ng sayo Katarina, dahil ang lahat ng sayo ay akin!" Banta ni Samantha sa kaniyang isipan


🖤 END OF FLASHBACK 🖤



_____________
🖤🖤🖤comment.vote.share🖤🖤🖤
🖤🖤🖤

🖤 Thank You 🖤

KatarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon