Hirap man sa simula para tanggapin ni Winona na may anak si Francesco sa kaniyang ex girlfriend wala naman siyang ibang magagawa kung hindi ang tanggapin ito.
Subalit mas matimbang pa rin sa kaniya ang pangamba para kay Katarina kesa sa malaman na may anak sa iba ang asawa niya.
"Francesco our daughter where is she???" Tanong ni Winona habang umiiyak
"We are still looking for her, we won't stop until we found her."tugon ni Francesco
Nasa labas ng kusina si Samantha habang nakikinig sa usapan ng dalawa.
"Ano ba! Nandito na ako pero yang Katarina pa rin ang hinahanap niyo!" Sambit niya na may halong galit
"Gagawin ko ang lahat mawala ka lamang sa landas ko!" Dagdag pa niya
Hindi namalayan ni Samantha na nakikinig sa kaniya si Aling Carmen. Kaba at takot naman ang naramdaman ng Ale.
"Patawarin ka nawa ng Panginoon." Bulong nito sa kaniyang isipan
Umalis siya at nagtungo pabalik sa abandonadong bahay. Tulog si Katarina habang nakatayo, may mga sugat na rin ang pagakakatali sa kaniya.
"Hoy gising!" Sambit ni Samantha sabay sampal
Hindi naman nagbigay ng reaksyon si Katarina sa ginawang iyon ni Samantha. Iniipon na lamang niya ang natitira niyang lakas upang lumaban. Lumaban habang pinagdadaanan niya ang mga pasakit na ito.
Kinuha ni Samantha ang gunting at doon niya inuka uka ang gupit sa buhok ni Katarina. Tanging luha na lamang ang nagawa ni Katarina ng mga oras na ito.
"Ayan.. you look so pretty boy..." nakangiting sambit ni Samantha
Hirap na hirap na si Katarina sa kaniyang sinasapit. Pagkatapos sinabuyan niya ng tubig si Katarina at kinuha ang isang makina na may dalawang matulis na bagay.
Kitang-kita ito ni Katarina na may kuryenteng lumalabas sa bawat dulo nito. Napapailing siya sa takot subalit walang nagawa iyon ng bigla itong itutok sa kaniya ni Samantha
Napaikom ang kamao niya at napakagat sa kaniyang labi. Nanigas halos ang kaniyang katawan dahil sa kuryenteng dumaloy sa kaniya. Inalis ni Samantha at saka niya muling ibinalik.
Tumulo ang dugo mula sa ilong ni Katarina. Hinang hina siya matapos siyang kuryentehin. Dumating si Leonard at nakita ang nangyari kay Katarina.
"Samantha! What is this?" Ani ni Leonard
"Ano? Lumalambot ka na?" Tugon naman ni Samantha
"This is wrong! You are too much! Mapapatay mo siya.!" Sigaw ni Leonard
Kahit may galit sa puso si Leonard, nahabag siya ng makita niya ang sinapit ni Katarina. Kitang kita niya sa mga mata nito ang hirap.
"Bihisan niyo yan lilipad tayo patungo sa Pilipinas." Ani ni Samantha
Planong dalhin ni Samantha si Katarina sa Pilipinas upang duon ito itago. May isa silang malawak na lupain roon na nabili ng kaniyang ina mula sa yaman ni Arnaldo.
Nang handa na ang lahat, sumakay sila sa isang private jet na pagmamay-ari ni Arnaldo. Isa ito sa ninakaw nilang mag-ina mula kay Arnaldo. Nakasuot si Katarina ng lab gown upang hindi maging kahina-hinala ang kaniyang itsura. Si Leonard naman ang tumayong doctor nito. Nang nasa biyahe na sila, nagising si Katarina.
"Pakawalan niyo ako! Ano ba!" Pag mamakaawa ni Katarina
"Ano ba! Ang ingay ingay mo! Ayoko sa lahat maingay sa byahe sige lagyan ng busal ang bibig niyan!" Utos ni Samantha
Tanging mga ungol na lamang ang naririnig mula kay Katarina. Ilang oras pa ang lumipas at nakarating na sila. Sakay sila sa isang Kotse at sina Samantha at Leonard naman ay nasa isang kotse.
Marahang kinakalas ni Katarina ang pagkakatali sa kaniya at dahil sa maluwag na ito, nagawa na niyang maalis. Humanap siya ng tiempo, lakas loob siyang nagawala sa loob ng kotse.
"Pakawalan niyo ako!" Sigaw ni Katarina
"Ano ba! Tumigil ka papatayin kita!" Ani ng isang lalaki
Dahil sa sobrang galit hinwakan ni Katarina ang ulo nito at malakas na iniuntog sa kanang bahagi ng kotse. Nawalan ito ng malay kung kayat nakuha niya ang baril at itinutok nito sa nagmamaneho.
"Go! Ibahin mo ang daan mo! Bilisan mo! Kung ayaw mong sumabog ang utak mo!" Matapang na sambit ni Katarina
"Opo mam.." nangangatog na sambit ng lalaki
Napansin ni Leonard na biglang lumihis ang landas ng sinusundan nilang kotse. Hindi naman siya makasunod kaagad sapagkat may isang kotse ang umarangkada sa kanila.
Medyo liblib ang lugar maraming mga puno sa paligid. Kaya naman nagpasya si Katarina na pahintuin ang lalaki.
"Itigil mo!" Ani ni Katarina
Tumigil nga ang kotse. Binuksan ni Katarina ang pintuan at marahag lumabas at saka isinara ito. Nakalayo na si Katarina ng gisingin ng lalaki ang kaniyang kasamahan. Nagmamadali silang bumaba upang habulin ito.
Hindi pa ganap na malakas si Katarina, kaya naman naabutan siya ng mga lalaki. Nang mahawakan siya, sinuntok siya kaagad sa sikmura na nagpaupo sa kanya dahil sa sobrang sakit.
"Aaah!! Walang hiya kayo." Ani ni Katarina
Itinayo siya ng lalaki at sinampal ng malakas. Dahil sa lakas ng sampal na iyon, napabagsak si Katarina at tumama ang ulo nito sa isang malaking bato. Dahil sa lakas, nawalan siya ng malay at dumaloy ang dugo.
"Nalintikan na pare ano ang ginawa mo!" Bulalas ng isa
Akmang dadamputin nila si Katarina ng makakita sila ng lalaking parating. Kaya naman nagmamadali nilang binuhat si Katarina at inilagay sa comporter ng kotse.
Nagtatakbo ang dalawang lalaki at naiwan nila ang isang cellphone. Sa tabi ni Katarina, habang papalapit ang lalaki, natanaw niya na nakaangat ang comporter ng sasakyan at tila may kakaibang nilalaman ito.
"Ano ito?" Pangambang sambit ni Lucas
_____________
🖤🖤🖤comment.vote.share🖤🖤🖤
🖤🖤🖤🖤 Thank You 🖤
BINABASA MO ANG
Katarina
RandomIsang LGBTQ member na minsang nagmahal subalit palagi na lamang nasasaktan. Napuno siya ng puot kung kaya't bumangon siya sa kaniyang pagkakalugmok at sinubukang lumaban at ipaglaban ang kaniyang karapatan bilang isang tao.