Kinabukasan, dumating na ang couture ni Imelda. Matapos niyang mapapasok sa loob ang mga ito, nagtungo naman siya kaagad sa kwarto ni Samantha.
"Sam... they are here...." Ani ni Imelda
"Ok Mom..." tugon ni Samantha
Malamlam ang boses ni Samantha, nagtataka na ang ina kung bakit o ano ba ang nangyayari sa kaniyang anak.
"Oh the beautiful bride..." ani ng tailor
Ngumiti lamang si Samantha, pinagmamasdan naman siya ng kaniyang ina habang siya ay sinusukatan.
"Oooh? May sugat ka sa leeg mo?" Tanong ng tailor
Napahawak si Samantha sa kaniyang leeg, doon nakaramdam siya ng kaba.
"Ah... wala.. it's just nothing..." nauutal niyang sambit
"Are we done?? Can i go to my room?" Dugtong pa niya
Napatango na lamang si Ragani at kahit siya ay nagtataka sa tila pag-iwas ni Samantha. Lumapit siya kay Imelda at tila humihingi ng kasagutan.
"Alam mo ba ang tungkol doon?" Tanong ni Ragani
"No... wala akong alam... ilang araw na akong nagtataka sa ikinikilos niya.." tugon ni Imelda
"Imelda, i think, you should check her neck.. hindi basta ang nakita ko...nag-away ba sila ng fiancé niya?" Ani ni Ragani
Biglang nagtaka si Imelda...
"Fiancé? Wait Ragani,, ano ba ang nakita mo?" Tanong ni Imelda
"My gosh Imelda! Wala ka ba talagang nakikita sa anak mo? Look! May sugat siya sa leeg niya at halos my pasa pa roon.." paliwanag ni Ragani
Doon na nabahala si Imelda. Lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib.
"Huwag naman sana...." Sambit ni Imelda sa kaniyang sarili
Habang nasa chapel sina Katarina at Lucas, lumapit naman sa kanila ang kaniyang private investigator. Iniabot ng pasimple ang isang envelope at saka ito umalis.
"Let's go inside.." ani ni Lucas
Nagtungo ang dalawa sa private room. Naupo si Katarina at doon niya marahang binuksan ang envelope.
Kabog mula sa kaniyang dibdib ang tangi niyang naririnig habang marahang kinukuha ang laman ng envelope. Pagkalabas ng isang papel, nakasaad doon na sinadyang patayin si Francesco.
Napaluha si Katarina, sa awa para sa sinapit ng mapagmahal niyang ama. Kasunod ng papel na ito ay ang mga larawan mula sa cctv.
"Samantha???" Pagkagulat ni Katarina
Lumapit kaagad si Lucas upang tingnan ang larawan. Napailing na lamang si Lucas ng makumpirma niyang si Samantha nga ang nasa larawang ito.
BINABASA MO ANG
Katarina
RandomIsang LGBTQ member na minsang nagmahal subalit palagi na lamang nasasaktan. Napuno siya ng puot kung kaya't bumangon siya sa kaniyang pagkakalugmok at sinubukang lumaban at ipaglaban ang kaniyang karapatan bilang isang tao.