Kabanata 68

54 6 1
                                    

Nakaabang ang lahat sa pagtunghay ng babae, si Samantha naman ay nakatingin sa mga labi nito.


"Sino ka ba? Pamilyar ka.!" Tanong niya sa kaniyang sarili


Napanganaga naman si Leo ng maisip niya kung sino ito,


"No! This can't be!" Ani niya sa kaniyang sarili


Pagka-angat ng mukha niya, nagulat ang lahat ng makilala ang babaeng ito ay walang iba kung hindi si Katarina Rodriguez.


"Katarina?l nanginginig na sambit ni Samantha


Nag-umpisa na muling magbulong-bulungan ang mga tao, kahit ang mga press ay nabigla sa kanilang nasaksihan.


Hinawakan ni Katarina ang kaniyang kamay, kasunod noon, kinuha niya ang kanilang engagement ring ni Leonard at saka niya iyon isinuot sa kamay ni Samantha.


"Enjoy your happiness, baka bukas makalawa hindi mo na maranasan kung paano uli ang maging masaya." Bulong niya kay Samantha


Marahan niyang tinalikuran ang dalawa. Naglakad siyang muli sa gitna at saka muling sumakay ng kaniyang kabayo.


Napatingin si Leo sa singsing na sinuot ni Katarina kay Samantha, ito nga ang singsing na ibinigay niya noong engagement party nila.


"This is not good! This is not real!!!" Turan ni Leo


Hinabol niya ng tingin si Katarina, malayo-layo na ito. Subalit ang langit ay biglang nagdilim, kasunod noon ay ang matatalim na kidlat at malalakas na kulog. Na sinundan pa ng napakalakas na ulan.


"Best wishes Mr.& Mrs. Melendez" nakangiting sambit ni Katarina


Matapos ang cremation ni Francesco, iniabot na ang isang Jar kung saan nakalagay ang abo niya. Patuloy ang pagluha ni Winona habang akap-akap niya abo ng yumaong asawa.


At pagkatapos, umuwi na sila ng mansyon. Pagkarating nila roon, nagulat na lamang sila na naroon si Katarina. Nakatayo sa harap ng malaking larawan ni Francesco si Katarina.


"Katarina?" Ani ni Winona


Marahang lumingon si Katarina. Bakas sa mukha niya ang galit at poot na nararamdaman. Tila biglang huminto ang paligid, nadaig ng katahimikan. Unti-unti siyang nilapitan ng kaniyang ina.


Isang mahigpit na yakap ang kaniyang ibinigay kay Katarina.


"Anak.... Katarina...." Ani ni Winona


Walang emosyong ibinigay si Katarina, kahit ang magulat man siya na muling makita niya si Winona.



Kinuha niya ang Jar at inilagay na iyon sa harap ng larawan ni Francesco.


"Welcome home Papa.." ani ni Katarina


Pagkalagay, umalis na siya at nagtungo sa kaniyang kwarto. Nagkatinginan sina Lucas at Aling Carmen, nahihiwagaan kung ano ang nangyayari kay Katarina.


KatarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon