Nay gusto kong makausap sina Mama at Papa." Ani ni Katarina"Sigurado ka na ba anak? Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon. Kailangang maalala mo muna ang lahat upang sagayon ay hindi ka masyadong mahirapan." Tugon ni Aling Carmen
"Sapat na ho sa akin ang mga bagay na kwenekento ninyo sa akin, nakakatulong ho iyon na mas mapabilis ang pagbalik ng aking alaala." Ani ni Katarina
Napakibit balikat si Aling Carmen at napapangiti, nawala man ang kaniyang memorya subalit siya parin ang Katarina base sa kilos at sa katigasan ng ulo nito.
Habang nakaupo si Katarina sa harap ng kaniyang Laptop, nabuksan niya ang chrome site kung saan naroon ang page patungkol kay Katarina.
"Ooh? So kung ako si Katarina, fiancé ko si Leonard noon pa?" Ani niya
Lumapit sa kaniya si Aling Carmen
"Siya na nga ang fiancé mo. Subalit nang mawala ka, nawala na din siya sa Italia, hindi ko na nga din alam kung nasaan na siya ngayon." Ani ni Aling Carmen
"Nakita ko na po siya, nagkakilala na kami, subalit ako ay bilang si Kevin" malungkot na tugon ni Katarina
"Tingnan mo nga naman ang tadhana, napakamapaglaro, akalain mo iyon, naging nobyo mong muli ang fiancé mo" nakangiting sambit ni Aling Carmen
Napaisip siya ng husto.
"Kung nasa Italy siya, which means hindi pa niya alam ang pagkawala ni Kevin." Ani ni Katarina
Habang nag-iisip ng malalim si Katarina, may biglang nagdorbell naman sa kanilang pintuan. Lumapit siya at pinagbuksan.
"Lucas!" Pagkagulat nito
"Katarina please! Let's talk, let me explain!" Pagmamakaawa ni Lucas
"Para saan pa Lucas? Wala na tayong dapat pang pag-usapan. Isa pa ayoko ng mamulat sa mga bagong kasinungalingan mo!" Ani ni Katarina
"Hayaan mong tulungan kita.. gagawin ko ang lahat ng sa gayon ay makuha mo na ang lahat ng kasagutan sa mga katanungan mo." Tugon ni Lucas
Napaatras si Katarina, napaisip ito kung paano kung si Lucas ang magiging susi niya.
"Fine! Get inside!" Matapang na tugon ni Katarina
Bago pa man maupo si Lucas, iniabot niya ang isang cheke kay Katarina.
"What is this?" Tanong ni Katarina
"30 million euros, iyan ang ibinayad sa akin matapos malaman na patay ka na, i mean si Kevin Lopez." Paliwanag ni Lucas
Bigla namang sumingit si Aling Carmen
"Susmaryosep!" sambit ni Aling Carmen
"Bakit ho nay. May problema ho ba?" Tugon ni Katarina
"Masama lamang ang kutob ko, nako pero huwag sana.."nangangambang sambit ni Aling Carmen
BINABASA MO ANG
Katarina
RandomIsang LGBTQ member na minsang nagmahal subalit palagi na lamang nasasaktan. Napuno siya ng puot kung kaya't bumangon siya sa kaniyang pagkakalugmok at sinubukang lumaban at ipaglaban ang kaniyang karapatan bilang isang tao.