Kabanata 26

70 6 3
                                    

Habang tumatagal, umaayon ang lahat sa plano ni Kevin. Tumawag sa kaniya si Leo upang ipaalam sa kaniya na hindi pa siya makakabalik kaagad.


Nagpatuloy ang pagmamahalan nina Kevin at Lucas habang wala sina Leo at Patricia. Isinekreto ng dalawa ang kanilang relasyon para na rin sa kabutihan ng bawat panig.


Isang gabi, nakatulog si Kevin sa kaniyang hideout habang pinag-aaralan niya ang kaniyang plano. Isang parte ng naman ng kaniyang nakaraan ang kaniyang naalala.


🖤FLASHBACK🖤
_Kenzo_


"Paglaki ko, gusto kong maging babae" ani ni Kenzo


"Pero anak, malaking halaga ang kakailanganin mo para jan." Ani ni Cecile ang ina ni Kenzo


Lumaki si Kenzo sa Italya, kasama ang kaniyang ina. Namamasukan naman ang kaniyang ina sa bilyonaryong mag-asawa na sina Francesco at Winona Rodriguez.


"What did he say?" Tanong ni Mr. Rodriguez


"Ah sir, he told me that one day he wanted to be a girl." Tugon ni Cecile


Natuwa si Mr. Rodriguez sa gustong ito ni Kenzo. Kung sila man ay bibiyayaab ng anak ay nais din nilang babae ito.


"Why not? Maybe one day your dream comes true." Ani ni Mr. Rodriguez


"Yehey... i will be a girl one day.." masiglang ani ni Kenzo


Giliw na giliw sa batang ito ang mag-asawang Rodriguez, dahil nga sa kabaitan nila, binigyan na rin nila ng kasulatan ang ina ni Kenzo na sila na ang magpapa-aral sa bata hanggang sa makatapos ito sa pinakamataas na estado ng pag-aaral.


Dahil nga hirap silang magka-anak, nagpatawag na lamang sila bilang Mama at Papa kay Kenzo. Subalit dahil sa kasamaang palad, namatay ang ina ni Kenzo dahil sa sakit na Breast cancer


"Wala na ang mommy ko" pag-iyak ni Kenzo


"Dont worry Kenzo, we are here of your Mama Winona." Ani ni Mr. Rodriguez


Yumakap si Kenzo sa mag-asawa ng napakahigpit. Hindi nagtagal, kinilala na nga ni Kenzo ang mag-asawa bilang bago niyang pamilya. Samantala ang mag-asawa naman ay ibinigay ang lahat bg kagustuhan ni Kenzo. Pinag-aral sa isang pribado at sikat na paaralan hanggang sa makamit nito ang ninanais niya ang maging isang sikat na modelo at fashion designer.



Nang nasa tamang edad na siya, iniabot ng ama ang isang sobre sa kaniya.


"Papa? What is this?" Tanong ni Kenzo


"Look for it honey." Ani naman ni Winona


Binuksan ito ni Kenzo at binasa. Mangiyakngiyak siya sa nilalaman nito. Kaagad naman niyang niyakap ang kaniyang mga magulang.


🖤END OF FLASHBACK🖤


Napabalikwas si Kevin at sapo-sapo ang kaniyang ulo.


KatarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon