Kabanata 72

45 4 2
                                    

Pagkasagot ni Katarina ng tawag, kaagad niyang sinuong ng halik si Leo. Lumaban naman kaagad si Leo, lulan ng pananabik niya sa malalambot na labi ni Katarina.


Napapangiti si Katarina na siyang nagmimistulang huni sa pandinig ni Samantha. Nang mabatid ni Katarina na husto na ang kaniyang ginawa, inawat niya ang pakikipaghalikan. Pinatay ang tawag at kaagad pinawi ang tawag ni Samantha upang hindi makita iyon ni Leo.


"Im sorry.. hindi ko sinasadya." Ani ni Katarina



"No.. no.. it's me..." tugon ni Leo


Naupo si Katarina sa harap ng lamesa ni Leo, tumingin ito sa mga mata nito at doon siya nagsimulang makipag-usap.


"May maitutulong ba ako?" Tanong ni Katarina


"I have a lot of problems.. hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. My company is under crisis, i have debt, kailangan ko na itong mabayaran or else mawawala sa akin ang Melendez Corp at ang Melendez Hospital." Paliwanag ni Leo


Napailing si Katarina sa sinabi ni Leo


"What about the wealth of Arnaldo?" Ani ni Katarina


"Until now, it's questionable! Hindi ko alam kung sino ang nag-cocontrol sa abogado nila! Samantha should be the heir! I need her money to save my company!" Paliwanag ni Leo


"Ah! Too bad... anyways if you have no more options may kakilala ako na pwedeng maglend ng money sayo." Ani ni Katarina


Napaisip bigla si Leo.


"Bakit hindi pa sa kanya? Bakit uutang pa ako sa iba?" Tanong niya sa kaniyang isipan


"So if you make a decision just let me know.. anyways i have to go" ani ni Katarina


Tumayo si Katarina, naglakad na siya patungo Sa pintuan.


" 2, 3,...1" pagbibilang niya


At pagkatapos ng bilang na iyon, tumayo si Leo at siya ay tinawag.


"Katarina! Wait!" Ani ni Leo


Napapangiti si Katarina, at saka humarap kay Leo.


"Ang bilis... ang bilis paglaruan ng mga taong ito" nakangiting sambit niya sa kaniyang isipan


"Yes Leo?" Ani ni Katarina


"About sa sinabi mo kanina,, uhmmm can you help me?" Tugon ni Leo


"Sure! I will help you.. here just call her assistant Terresita Marquez, and the company name is Royal Club." Ani ni Katarina


Kinuha ni Leo ang calling Card, nakangiti naman si Katarina ng makita niya sa mga mata ni Leo ang pag ka depressed nito.


"Sige lang Leo... sige lang..." aning muli ni Katarina sa kaniyang isipan


Matapos ang usapan nila, umalis na si Katarina. Habang nakaupo si Leo sa kaniyang swivel chair, hawak hawak niya ang calling card.


"Should i call?" Tanong niya sa kaniyang isipan


Hindi na nagdalawang isip pa si Leo, naggawa na siya ng email para sa kaniyang magiging loan sa Royal Club.


"Hi Terry! Nice work for today!" Ani ni Katarina


"No problem! Can i go home?" Tugon ni Terry


"Sure! You can... i will stay a while madami pa akong dapat tapusin." Ani ni Katarina


Pagkaalis ni Terry, siya namang dating ni Winona


"Katarina we have to talked!" Pabungad na sambit ni Winona


"Oh hi Mama!" Tugon niya


"What comes on your mind to fired Mr. Weng?!" Ani ni Winona


Tumayo si Katarina at lumapit sa kaniyang ina


"Why? Is he your man also?" Tugon ni Katarina


Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Winona para kay Katarina


"Wow! Heavy!" Nanginginig na sambit ni Katarina


"You want more? You can slap me more! Because you can't stopped me!  I will do whatever i want!" Dagdag pa ni Katarina


Tumindi pa ang tensyon sa pagitan ng mag-ina


"Simula noong bumalik ako, iba ka na! Nagbago ka na! Hindi na ikaw ang Katarina na nakilala at pinalaki ko.. hindi ko alam kung ano ang nagawa ko para bigla ka na lamang magbago!" Ani ni Winona


Natawa si Katarina sa kaniyang narinig


"Alam mo Mama, simula noong bumangon ka sa hukay mo,, sumama lahat ng bahong tinatago mo." Seryosong tugon ni Katarina


Natigilan si Winona sa sinabing iyon ni Katarina. Doon siya tila nilamon ng lupa ng mismong sa bibig ni Katarina nagmula ang mga iyon.


"So tell me why? Why Mama! Bakit mo nagawang lokohin si Papa!" Umiiyak na sambit ni Katarina


Doon rin sa puntong iyon hindi napigilan ni Winona ang pagluha.


"Patawarin mo... hindi ko naman sinasadya." Tugon ni Winona


"Mama! Naririnig mo ba ang sarili mo? Paanong hindi mo sinasadya? Hindi mo sinadya tapos may nabuo? Tapos ano? Pinadala mo sa kung saang kaharian!" Umiiyak na sambit ni Katarina


"Anak... please makinig ka muna... let me explain." Umiiyak na sagot ni Winona


"Hindi ko na alam kung sino pa ang papaniwalaan ko! Buong buhay ko napakabigat na ng mga pinagdadaanan ko! Sinaktan mo na ang papa! Sinaktan mo ng pailalim ang nagiisang taong nagpahalaga sa akin." Ani ni Katarina


Nagpunas ng luha si Katarina.


"You can leave now! And don't mind me on what i wanted to do! Im not the good girl before anymore." Seryosong sambit ni Katarina


Walanh nagawa si Winona kung hindi ang gawin ang nais ni Katarina. Lumabas siyang nanlulumo matapos masaksihan ang pagbabago sa pagkatao ni Katarina.


"Francesco... help me .... Help me with our daughter..." pagsusumamo ni Winona



🖤🖤🖤comment.vote.share🖤🖤🖤
🖤🖤🖤

🖤 Thank You 🖤

KatarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon