Kabanata 79

36 1 0
                                    

Nabalot ng katahimikan ang bahay ni Lucas..Wala siyang ibang nagawa kundi ang tulungan ang kaniyang ina na maiupo sa sofa.


Nagtungo naman si Katarina sa isang sikat na Bar. Doon kumuha siya ng alak at uminom mag-isa. Habang umiinom ng alak, isang lalaki ang lumapit sa kanya


"Hard one? Why? broken hearted?" Ani ng lalaki


"So are you broken hearted too???" Tanong ni Katarina


Paglingon niya, hindi siya makapaniwala kung sino ito.


"Leo?" Ani niya na bakas sa boses ang pagkalasing


"You're drunked! Stop it.." ani ni Leo


Inawat ni Leo si Katarina sa pag-iinom. Inakay niya ito at isinakay sa kotse. Hindi niya batid kung saan nakatira si Katarina, kung kaya't dinala niya ito sa kaniyang secret place.



"Where are we?" Ani ni Katarina


"Magpahinga ka na muna.. lasing na lasing ka na." Tugon ni Leo


"Hindi ako lasing!" Singhal ni Katarina


Napatawa na lamang si Leo. Napapa-iling habang nakamasid kay Katarina.


"Alam mo Leo? May nalaman ako..."pautal na sambit ni Katarina


Bahagyang nawala ang ngiti sa mukha ni Leo


"Ano yun?" Tanong niya na bakas ang kaba sa mukha nito


Tumawa ng malakas si Katarina.


"Hahahahaha!"



"Hindi ikaw ang ama ng bata!" Ani ni Katarina



Hindi batid ni Leo kung maniniwala ba siya kay Katarina o hindi. Subalit naging isang malaking katanungan ito para sa kanya.


"Lasing ka lang talaga. Kung kaya't kung ano-ano ang nasasabi mo." Turan ni Leo


"Leo... i am Katarina Rodriguez. At kaya kong malaman ang lahat" sambit niya na may halong ngiti


Pag-kasabing iyon, tuluyan ng nawalan ng malay si Katarina


"Totoo ba ang sinasabi ni Katarina?? Pero paano? Paanong hindi ako ang magiging ama ng bata??" Tanong na gumugulo sa isipan ni Leo


Lumalalim na ang gabi at nakamasid sa may pintuan si Winona.


"Kat.. anak... nasaan ka na ba???" Pag-aalala ng ina


Kasabay noon ay ang pag-agos ng luha sa kaniyang mga mata. Nang lingunin niya si Lucas, nakita niya ito sa hapag kainan. Hawak ang baso ng alak at tila naghahanap ng kasagutan.


Pinahid ni Winona ang kaniyang mga luha, huminga ng malalim at marahang lumapit kay Lucas.


"Lucas..." pagsusumamo niya


Napatingin si Lucas, saka naman hinila ni Winona ang upuan at saka siyang marahang naupo.


"Lucas... pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Winona


Hindi mabatid ni Lucas kung paano niya sasagutin ang tanong na ito ni Winona. Hindi pa rin niya mawari sa kaniyang isipan ang mabilis na pangyayari.


"Lucas... alam kong nabigla ka sa nangyari.. pero maniwala ka.. hindi ko gustong ilihim pa ito." Ani ni Winona


Uminom ng alak si Lucas. Lumingon siya kay Winona at hinayaang magpaliwanag


"Alam kong mali ang nagawa ko.. subalit noong gabing iyon, lunod lamang ako sa alak, nilunod ko sa alak ang aking pagkatao upang maibsan ko ang sakit na nadarama ko habang nakikipagtalik ang asawa ko sa ibang babae." Paliwanag ni Winona


"Isa lang pala ho akong pagkakamali" ani ni Lucas


Gustuhin man ni Lucas na magalit ng mga oras na iyon, napigilan niya ito upang magkaroon pa rin siya ng respeto kay Winona.


"No... hindi anak.... Hindi ko inisip na isa ka lamang pagkakamali.. sa totoo lng isa kang himala para sa akin. Kasi ikaw ang naging bunga sa paniniwalang hindi ako magkakaanak." Sambit ni Winona na may halong pag iyak


"Ang gulo na ho ng buhay ko.. mahal ko si Katarina, tapos magkapatid kami sa ina. Oo ampon niyo lamang siya pero sa mata ng batas anak niyo pa rin siya." Ani ni Lucas


"Anak... alam ko kung gaano mo kamahal si Katarina at hindi ko kayo hahadlangan sa pagmamahalan ninyo." Tugon ni Winona



"Gusto ko mang magalit sa inyo, pero hindi ko magawa. Kasi galit na sa inyo si Katarina, at ayaw ko na pati ako ay makikidagdag pa sa bigat na pinagdadaanan ninyo." Ani ni Lucas


Niyakap ni Winona si Lucas ng mahigpit


"Patawarin mo ako Lucas, kung humantong sa ganitong pangyayari ang lahat." Ani ni Winona


Sinuklian ni Lucas ang yakap na binigay ng kaniyang ina.


"Kaya pala po simula pa pagkabata, may parang kulang sa buhay ko. Kayo pala ang kulang..." nakangiting sambit ni Lucas


Nagising si Katarina, ramdam niya ang bigat ng katawan at sakit ng ulo, nang mahimasmasan siya, narinig niya ang hilik ng isang lalaki.


"Leo??" Ani niya na may halong Pagkagulat


Ilang saglit pa ay bigla niyang naalala na si Leo ang nagdala sa kaniya sa lugar na ito. Napukaw lamang ang kaniyang atensyon ng makitang nagriring ang cellphone nito.


Incoming call.... Samantha....


Napangiti si Katarina, isang ngiting napakalalim na tila may malalim na plano. Sinagot niya ito at hinayaang nakabukas. Nag salita siya malapit sa tenga ni Leo.


"Leo... wake up..." mahinahong sambit ni Katarina na may halong paglalandi


Pumukaw kay Leo ang tinig na iyon


"Katarina..." tanging nasambit niya


Biglang sinunggaban ni Katarina ng halik si Leo. Mula ng sandaling iyon, dinig na dinig ni Samantha ang pagpapalitan ng mainit na halik.


"Hayop ka talaga Katarina!!!! Hayoop ka malandi ka!!!!" Gigil na gigil na sambit ni Samantha


Kahit anong gawing sigaw ni Samantha, hindi siya madidinig sapagkat nakaset na ang mute speaker pagkatapos masagot ni Katarina ang telepono.




🖤🖤🖤comment.vote.share🖤🖤🖤
🖤🖤🖤

🖤 Thank You 🖤

KatarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon