Nacomatose naman si Francesco dahil sa pumutok na ugat nito sa ulo. Tanging si Aling Carmen lamang ang kasama niya sa kaniyang private room.
"Papa!" Hagulhol na iyak ni Samantha
Nang malaman nila na naospital si Francesco, dali-dali silang nagtungo upang alamin ang kaniyang kalagayan.
"Manang pwede iwan mo muna kami?" Ani Imelda
"Opo Mam." Tugon ni Aling Carmen
Labag man sa kaniyang kalooban na iwan si Francesco sa mga kamay ng pumaslang kay Winona, ay wala naman siyang magawa kung hindi ang sundin ang pinag-uutos nila.
Nang makalabas si Aling Carmen, nagmamadaling nagpunas ng luha si Samantha at ngumiti sa harap ng ina.
"Mukhang matutupad ang lahat ng nakaplano Mama." Usal ni Samantha
"Sabi ko naman sayo, magtiwala ka lang at lakasan mo ang kalooban mo." Tugon naman ni Imelda
"So pwede na nating madaliin ang kasal" pagsingit naman ni Leonard
"Yes my Leo.." nakangiting sambit ni Samantha
"Wala ng pakinabang si Francesco. Isa na lamang siyang lantang gulay ngayon. Patay na rin naman si Winona so wala ng makakahadlang pa sa ating mga plano!" Nakangising sambit ni Imelda
Nagtungo sina Lucas at Aling Carmen sa hotel ni Katarina. Pag-karating nila roon, napansin kaagad ni Katarina na tila may problema.
"Nay? Ano hong nangyari? Kagabi pa ho kayong ganyan. Ano ho ba talaga ang nangyari sa mansion?" Tanong ni Katarina
Napahagulhol ng malakas si Aling Carmen. Hindi man lang niya magawang makapagsalita. Lumapit si Lucas at niyakap siya ng mahigpit.
"Katarina, huwag ka sanang mabibigla." Kalmang sambit ni Lucas
Isang tanging malakas na kabog ng dibdib lamang ang naririnig ni Katarina.
"Wala na ang Mama mo.. wala na si Tita Winona." Malungkot na tugon ni Lucas
Matapos marinig iyon ni Katarina, napalugmok siya ng dahan-dahan habang akap-akap ang kaniyang sarili.
"Ma——maaamaaaa!!!!!" Palahaw na iyak ni Katarina
Umupo sa kaniyang tabi si Lucas at kaniyang hinaplos ang likuran nito.
"Magbabayad ang gumawa nito sa aking Mama! Magbabayad sila isinusumpa ko! Ipaparamdam ko sa kanila ang hirap at sakit na pinagdadaanan ko ngayon!" Nanginginig na sambit ni Katarina
Awang-awa si Lucas kay Katarina. Tumayo naman si Katarina at nagpunas ng luha.
"Si Papa? Nasaan si Papa?" Tanong ni Katarina
"Katarina,, ang Papa mo.. masama ang lagay ng Papa mo. Nasa ospital siya" tugon ni Aling Carmen
"Nay! Ano ho ba talaga ang nangyari! Naguguluhan na ako! Si Mama wala na! Tapos ngayon si Papa, nasa ospital?" Mataas na tugon ni Katarina
Lumapit sa kaniya si Aling Carmen at kaniyang isinalaysay ang lahat.
"Ang mag-inang iyon talaga ang problema! Lahat na lamang gagawin nila basta makuha nila ang kanilang nais!" Tugon ni Katarina
"Anak, mag-iingat ka.. huwag kang padalos-dalos sa pagkilos. Tatlo sila baka pag nalaman nilang buhay ka, ikaw na ang isunod nila." Tugon ni Aling Carmen
"Kaya ko nay, may mga plano na ho ako kung paano ko sila paglalaruan." Ani ni Katarina
Tinawagan ni Katarina ang abogado ng kanilang Pamilya. Nakipag kita siya sa isang pribadong restaurant.
Pagkarating niya roon, walang ibang tao kung hindi ang kaniyang abogado. Ipinasara iyon ni Katarina upang malaya silang makapag-usap.
"Miss K..." ani ni Atty. Salvacion
"What's new Ms. Salvacion?" Tanong ni Katarina
Inabot ni Atty. Salvacion ang mga documento. Binasa iyon ni Katarina.
"So 100 % of Rodriguez Property will go directly to you. According to your Mama, all her assets will be transfer to you sa oras na mawala siya." Ani ni Atty. Salvacion
Nagulat si Katarina sa sinabing iyon ni Atty. Salvacion
"100%?? Pero paano si Papa?" Tanong ni Katarina
Napailing si Atty. Salvacion
"Hindi pa ba nasasabi sayo ni Señora Winona na lahat ng ari-arian ng Papa mo ay ipinasa na niya sa kaniya matapos siyang magkaanak sa ibang babae." Paliwanag ni Atty. Salvacion
"No! Hindi! Wala akong alam jan.. so tunay nga na may anak si Papa sa ibang babae." Ani ni Katarina
"Totoong may anak si Sr. Francesco sa ibang babae. Kaya nagkaroon ng kasunduan noon ang mag-asawa na ipasa sa kaniya ang lahat ng ari-arian ni Francesco." Tugon ni Atty. Salvacion
"Atty. Kilala mo ba kung sino ang anak ni Papa?" Tanong ni Katarina
Tumingin si Atty. Salvacion at ngumiti kay Katarina.
"Katarina. Ikaw lang anak ni Francesco. Ikaw lang at wala ng iba." Pagpapaliwanag ni Atty. Salvacion
Nabigla si Katarina sa sinabing ito ni Atty. Salvacion
"Pe-pero Atty. Ampon lamang nila ako. Inampon lamang ako nina Mama at Papa." Tugon ni Katarina
Humigop ng red wine si Atty. Salvacion
"Wala ka talagang alam Katarina. Hindi mo pa rin ba ako nakukuha kung sino ang tinutukoy ko?" Tanong ni Atty. Salvacion
"Wala naman kasi silang nababanggit sa akin. So wala akong idea Atty." Tugon ni Katarina
"Fine! Siguro talagang itinago na sayo ni Winona ang katotohanan para sa iyong ikakaligtas." Ani ni Atty.
"Ikaw Katarina Rodriguez ang kaisa-isahang anak ni Francesco. Mahirap paniwalaan, pero pinili ni Winona na ang iyong ina ang magdala ng magiging anak ni Francesco." Dagdag pa ni Atty.
Natigilan si Katarina sa sinabing iyon ni Atty. Salvacion. Gulong-gulo siya sa kaniyang nalaman. Hindi siya makapaniwala sa sinabing iyon ni Atty.
"Isa akong Rodriguez? Si Papa ang tunay kong ama?" Tanong niya sa kaniyang sarili
_____________
🖤🖤🖤comment.vote.share🖤🖤🖤
🖤🖤🖤🖤 Thank You 🖤
BINABASA MO ANG
Katarina
RandomIsang LGBTQ member na minsang nagmahal subalit palagi na lamang nasasaktan. Napuno siya ng puot kung kaya't bumangon siya sa kaniyang pagkakalugmok at sinubukang lumaban at ipaglaban ang kaniyang karapatan bilang isang tao.