Kabanata 45

54 6 0
                                    

"70 percent na ng shares ang nagback out! Kapag nakuha yan ng iba mawawala na sa akin ang Melendez Corporation." Ani ni Leonard


"What?? 70 percent? Since when? Bakit ngayon mo lamang sinasabi?" Pagkagulat ni Samantha


"Ngayon ko lang na verified ng maayos. It's Mr. Bellardenelli's faults!" Paliwanag ni Leonard


"Fine! But i have a problem.. Lucas is here, hindi ako makagalaw ng maayos." Tugon ni Samantha


"Kailan ba kasi aalis yan dito sa Italy?" Tanong ni Leonard


"I have no Idea.. ayaw ko rin na narito siya." Tugon ni Samantha


Napakunot noo naman si Lucas sa kaniyang narinig. Gustuhin man niyang gumalaw subalit pinipigilan niya upang mas makasagap pa siya ng impormasyon.


"Ok meet me tomorrow, sabihin mo client meeting then let's talk everything." Ani ni Leonard sabay patay ng cellphone


Muling tiningnan ni Samantha si Lucas, tanging hilik lamang ang kaniyang naririnig mula rito


"Kailan ka ba aalis? Sagabal ka sa plano ko." Sambit ni Samantha


Pagkababa ng cellphone, tinungga ni Leonard ang alak at pagtingin niya sa screen ng kaniyang laptop nakita niya ang picture ni Katarina.


"This is all your fault!" Pagduro nito


Tumayo siya at medyo pasuray-suray na sa paglalakad dala ng kaniyang kalasingan. Nahiga siya at siya ay nakatulog.


"Leo... Leo...." Pagtawag ng isang boses


Nagpalinga-linga si Leonard at hinahanap ang boses kung saan ito nagmumula. Sinundan niya ito at nakakita siya ng isang kahon. Lumapit siya at binuksan ito subalit napaatras siya ng makita niya si Katarina sa loob nito.


"Isinusumpa ko! Kukunin ko ang lahat ng meron ka! Isinusumpa ko!!" Sambit ni Katarina sabay sakal sa leeg


Napasigaw si Leonard at napabalikwas sa kaniyang pagkakatulog.


"Fuck! Shitt!!!" Hingas na sambit niya


Pagkagising ni Katarina, nagtaka siya kung bakit siya napunta sa kama. Hanggang sa nakita niya ang isang sticky note.


"Relaxed!! It's me.... Lucas"


Napangiti naman si Katarina. Mayamaya pa ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Aling Carmen.


"Nay?" Ani ni Katarina


"Hi nak! Paalis na ako ngayon ng hotel ." Tugon ni Aling Carmen


"Ho? Bakit ho?" Tugon naman ni Katarina


"Tinawagan na kasi ako ng Papa at Mama mo,kailangan na akong pumasok sa mansion." Ani ni Aling Carmen


KatarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon