Kabanata 41

51 6 1
                                    

Nasa lugar na iyon si Lucas para sa kaniyang site visit. Hindi dumating ang may ari ng Lote kung kayat sinunod na lamang niya ang sinabing sukat sa kaniya.


Sa kaniyang paglalakad-lakad, nakatanaw siya ng dalawang lalaki na tila may kahinahinalang ginagawa. Takot man siyang lapitan ang mga ito subalit naglakas loob na lamang siya.


"Bahala na!" Ani ni Lucas


Nang makalapit siya roon, natanaw niya na tila may iba sa loob na iyon. Mas nilapatin pa niya ito at nagulat siya sa kaniyang nakita.



"Isang tao, halos wala ng buhay." Ani niya


Nakita niya ang bugbog na katawan ni Katarina. Nakita rin niya ang hospital Tag wala ditong nakasulat na pangalan. Ilang saglit pa ay nagring ang telepono.


"Sasagutin ko ba? Ano ba ang pinasok kong ito!" Sambit ni Lucas


Muling nagring ito kaya naman wala na siyang nagawa pa kung hindi ang sagutin ito.


"Aah.. Hello..."


"Una sa lahat huwag kang sisigaw kung ayaw mong sumunod sa nakita mo!" Ani ni Leonard


Napalunok si Lucas sa sinabing ito.


"Makinig ka sa sasabihin ko.  Maghanap ka ng kahit anong pangalan sa loob ng sasakyan na iyan  at siya ang isulat mo sa hospital tag na nakakabit sa kanang kamay ng taong iyan" Dagdag pa ni Leonard


Walang nagawa si Lucas kung hindi ang halughugin ang kotse. Wala siyang makita sa loob kaya bumalik siyang muli sa comporter ng sasakyan nakakita siya roon ng isang pangalan


Kevin Lopez
Visitor


"Nakakita na ako! Naisulat ko na din" ani ni Lucas na bakas ang kaba


"Magaling! Ngayon isend mo sa number na ito ang bank number mo at ng sagayon mailagay ko ang bayad ko sayo pati narin ang pera na gagamitin mo sa mga susunod na taon." Ani ni Leonard


"Ano? Bakit ako?" Pagtataka ni Lucas


"Mamili ka mamatay ka ngayon o susunod ka sa mga ipapagawa ko sayo." Seryosong sambit ni Leonard


Nanlamig sa takot si Lucas. Wala siyang nagawa kung hindi ang tanggapin ang alok kahit labag ito sa kaniyang kalooban.


"Oras na humingi ka ng tulong kahit kanino, malalaman at malalaman ko iyan. Magpapadala ako mg tao na magmamatyag sa inyong dalawa." Dagdag pa ni Leonard


Sasagot pa sana si Lucas subalit ibinaba na ni Leonard ang tawag.


"Im sorry kung sino ka man.. kailangan kong gawin ito para sa kaligtasan ko." Malumanay na sambit ni Lucas


Tumawag siya ng ambulansya at isinugod na nila ito patungo sa Emergency room. Nang makarating sila roon napauopo si Lucas at napasapo sa kaniyang ulo. Labis-labis ang kaniyang pagsisisi ng mga oras na ito.


"Minsan talaga ang pagiging mapanuri ko ang nagpapahamak sa akin." Ani ni Lucas sa kaniyang sarili


At kagaya nga ng sinabi ni Leonard, nagpadala na ito ng tao na magmamatyag sa bawat kilos ni Lucas.


🖤END OF FLASHBACK🖤


"Nanariwa sa aking ala-ala ang mga kahayupang pagpapahirap nila sa akin!" Sambit Katarina


"Hindi ko na hahayaan pang gawin nilang muli ang bagay na ito sa akin. Ako si Katarina Rodriguez ay maniningil ng husto!" Nanginginig na Dagdag pa niya


Hinaplos ni Lucas ang kaniyang likuran. Tumayo ito at isinuot ang singsing. Batid naman ni Lucas na may pinaplanong gawin si Katarina.


"Maguumpisa na akong maningil bukas!" Ani ni Katarina


"Paano?" Tanong ni Lucas


"Hindi sila makakagalaw kung mawawalan sila ng supply." Ani ni Katarina


"Yaman ang nais nila? Pwes kakamkamin ko pailalim ang lahat ng yaman na ninanais nila." Dagdag pa ni Katarina


Hindi man siya maintindihan ni Lucas, pero alam niya na magiging matagumpay ang planong ito ni Katarina.


Nagtungo sa kaniyang Laptop si Katarina at nagsimulang mag research patungkol sa kumpanya ng Melendez at Rodriguez. Doon niya napag-alaman na nalulugi na ang Melendez.


"Lucas? Magkano ang perang ibinigay sayo ni Leonard?" Tanong ni Katarina


"Ahm.. halos 50 million euros. Bakit?" Tanong ni Katarina


"Look! Kaya pala nalulugi sila, ginamit ni Leonard ang pera na dapat ay nakalaan sa panibagong project ng kanilang hospital." Pagpapaliwanag ni Katarina


Nagpatuloy naman siya sa pagbabasa. At tila napangiti siya sa kaniyang nabasa.


"Ano naman yang ngiti mong iyan?" Ani ni Lucas


"Pag kinakampihan ka nga naman ng tadhana, may isang shareholder ang nagbebenta ng kaniyang posisyon. Its only 20 million euros" nakangiting sambit ni Katarina


"So whats your plan?" Ani ni Lucas


"Ano pa? Eh di bilhin natin ng triple ang shares na ito. So kung gayon.. mas malaki ang shares natin, there's a chance na ako ang maging CEO, or President ng kanilang Hospital." Ani ni Katarina


"Sounds good! Pinahahanga mo ako.." ani ni Lucas


"Bukas na bukas kailangan kong makipagkita kay Mr. Bellardenelli" ani ni Katarina


"Hindi ba delikado?" Ani ni Lucas


Ngumiti muli si Katarina


"Lucas! Lucas.. Lucas.... sa mundo hindi ka dapat pupunta sa gera ng wala kang dalang sandata" seryosong sambit ni Katarina


Kinuha ang mga papeles na prinint niya at saka inabot kay Lucas.


"Hindi lang dapat sa iisang genra umiikot ang buhay mo. I hacked the account of Mr. Bellardenelli and i found out marami siyang anumalya sa Hospital, kung baga ang ibang kita deretso sa kaniyang bulsa." Ani ni Katarina


Labis ang paghanga ni Lucas sa talinong pinapakita sa kaniya nito. Siyang siya parin ni Kevin kung mag-isip ito kung kaya't hindi mawaglit sa kaniyang isipan si Kevin


"So i need your money and i will give it back to yoo the sooner..." dagdag pa ni Katarina




_____________
🖤🖤🖤comment.vote.share🖤🖤🖤
🖤🖤🖤

🖤 Thank You 🖤

KatarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon