Naiwan mag-isa si Katarina, sa harap ng kaniyang computer, nakamasid siya muli sa mga ebedensya na nasa mga kamay niya.
"I don't get the point Mama! Bakit si Papa pa ang niloko mo..." sambit niya sa kaniyang sarili
🖤 FLASHBACK 🖤
+ WINONA +Nang gabing ipinaubaya ni Winona ang kaniyang asawa sa ina ni Katarina, hindi niya maitago ang labis na kalungkutan at paghihinagpis bilang asawa.
Umalis siya ng mansyon at nagtungo sa isang bar, doon siya uminom mag-isa habang umiiyak."It hurts! Napakatanga ko... pero kailangan ko magpakatatag.." ani niya sa kaniyang sarili
Marami-rami na siyang nainom, halos malabo na ang kaniyang paningin dulot sa labis na kalasingan. Tumayo siya, at siya ay nawalan ng malay.
Nasalo naman siya ng isang lalaki, ng magmulat siya...
"Francesco..." sambit niya ng May ngiti at saka siya nawalan ng malay.
Inihiga siya sa kama, kumuha ng bimpo at ng maligamgam na tubig. Pinunasan siya ng marahan, at unti-unti siyang nagkamalay.
"Thank you..." sabay halik ni Winona
Nilabanan naman siya ng halik, hanggang sa mapunta sila sa mainit na tagpo. Naangkin si Winona ng gabing iyon.
Pagmulat ng kaniyang mga mata, masakit pa ang kaniyang ulo, sumandal siya Sa headboard ng kama, bigla siyang nagulat.
"WTF! Nasan ako?!" Tanong niya sa kaniyang sarili
Napansin na rin niya na wala na siyang kasuotan. Doon siya kinabahan ng husto, lumingon siya sa kanan at doon siya mas lalong nagulat ng makita niya ang isang lalaki.
Napabalikwas siya at nagising ang natutulog.
"Winona..." giit ng naalimpungatang boses
"Arnaldo?" Gulat na gulat na sambit ni Winona
Nahiwagaan si Arnaldo kung bakit tila gulat na gulat si Winona sa nangyari.
"Winona...relax... lasing na lasing ka kagabi at nawalan ka ng malay." Ani ni Arnaldo
"Mag-isa lang ako sa bar! Paanong napunta ako dito?" Tanong ni Winona
"Oo mag-isa ka that time.. pero pag dating ko natanaw kita na lasing na lasing. Tapos pag uwi natin dito, habang pinupunasan kita, bigla mo na lamang akong siniil ng halik." Paliwanag ni Arnaldo
Tila biglang namula si Winona, nagmadali siyang kunin lahat ng kaniyang mga damit at nagmamadaling magbihis. Makalipas ang ilang minuto, umuwi na siya kaagad sa kanilang bahay.
"What i have done!" Tanong niya sa sarili
Habang nasa bathtub siya, hindi niya mapigilan ang pagluha. Napawi lamang iyon ng pumasok si Francesco. Tahimik lamang siya , pumikit sandali hanggang sa maramdamang sinamahan siya ni Francesco.
Nagtungo siya sa likurang bahagi ni Winona at doon siya yumakap nang mahigpit.
"Im sorry Amore... im sorry..." ani ni Francesco
Doon na muling lumuha si Winona subalit tahimik lamang siya at nagbigay ng mahigpit na akap sa mga braso ni Francesco.
Lumipas ang ilang buwan, buntis na si Cecilia, habang nag-aayos siya, nakita niyang hindi pa nababawasan ang kaniyang mga sanitary pads. Nakaramdam siya ng kaba.
Umalis siya ng mansyon, at nagtungo sa kaniyang private doctor. Doon siya nagpasuri upang mas mapanatanag ang kaniyang kalooban.
"Congratulations! You are pregnant.." ani ng Doctor
Tila tumigil ang pagtakbo ng mundo ng oras na iyon para kay Winona. Hindi niya alam kung matutuwa siya o kung malulungkot.
Lumabas na siya ng clinic, at hindi mawala sa kaniyang isipan ang sinabi ng Doctor. Nais niyang ipagpatuloy ang pagbubuntis, subalit nais niyang hindi ito mahalata ni Francesco.
Nag-isip siya ng paraan at ang naisip niya ay ang umalis ng ilang buwan At bumalik na lamang siya pagkatapos niyang manganak. Nagpaalam siya kay Francesco na kailangan niyang gawin ito para sa kaniyang trabaho. Naunawaan naman iyon at ipinasama pa si Natalia, ang isa nilang kasambahay.
Subalit, bigla niyang naalala ang pangako niya kay Cecilia na sasamahan niya ito sa oras na may mabuo Sa kanilang pagtatalik ni Francesco.
"I don't know what to do!" Ani niya
Bigla na namang nagbago ang kaniyang isip. Ninais na lamang niya ang mag stay at itago ang kaniyang pagdadalang tao.
"Kaya ko to.. ako na ang bahala.." sambit niyang muli
Lumipas ang araw, buwan, nanatili sa tabi ni Cecilia si Winona. Kasa-kasama pa siya sa bawat check up, at sa kada araw ng check up, saka pa siya bumabalik upang ipasuri ang kaniyang dinadala.
Maliit magbuntis si Winona, kung kaya't walang nakakapansin sa kaniya, tanging si Talia lamang ang nakakaalam sa kaniyang sitwasyon.
"Kaya mo pa ba? Hindi ka ba nahihirapan?" Ani ni Talia
"Kaya ko pa.. basta ipangako mo na lagi kang nasa tabi ko... walang pupwedeng makaalam nito.." tugon ni Winona
"Pangako.. hindi kita iiwan... ako ang bahala sa anak mo sa oras na siya ay lumabas." Ani ni Talia
Upang mas maitago kay Francesco, mas pinili niya ang matulog mag-isa sa kanilang guest room. Siyam na gabi siyang nagtiis na hindi makatabi ang kaniyang asawa.
"Patawad amore... patawad kung kailangan kong gawin ito... kahit ako naguguluhan kung paano... at kung bakit..." ani niya sabay tulo ng kaniyang luha
"Winona.." tawag ni Francesco
Binuksan niya ang kwarto, at nagtungo sa kama, umupo siya sa kaniyang tabi at nagsalita.
"I know what you felt, it is my fault.." ani ni Francesco
"If the whole 9 months will heal your heart, i will accept it,, but always remember you are the love of my life.." dagdag pa niya
Bumuntong hininga at saka siya marahang umalis ng silid. Kasunod noon ay ang labis na pagluha ni Winona.
🖤🖤🖤comment.vote.share🖤🖤🖤
🖤🖤🖤🖤 Thank You 🖤
BINABASA MO ANG
Katarina
RandomIsang LGBTQ member na minsang nagmahal subalit palagi na lamang nasasaktan. Napuno siya ng puot kung kaya't bumangon siya sa kaniyang pagkakalugmok at sinubukang lumaban at ipaglaban ang kaniyang karapatan bilang isang tao.