Kabanata 30

73 5 0
                                    

"Sana bago ka nawala, naitama ko muna ang lahat." Sambit ni Lucas sa kaniyang sarili


Mag-isang umiinom ng alak si Lucas sa kaniyang bahay. Kaharap niya ay ang kaniyang passbook na naglalaman ng mahigit 40 million euros. Ito ang naging bayad sa kaniya ng lalaking kausap.


"Napakatanga ko para pumayag sa ganito.. masyado akong nasilaw sa salapi, subalit ang lahat ng ito ay balewala na lamang sapagkat wala na ang aking pinakamamahal." Dagdag pang sambit ni Lucas


Pagkainom ng alak ay ibinato niya ang kaniyang baso. Napasabunot siya sa kaniyang buhok at napaupo sa pangungulila.


"Anak, may lalaking kausap si Lucas pakinggan mo ito." Ani ni Aling Carmen


Pinindot ni Katarina ang button at nakinig sila.


"10 milyong euro para sa paunang bayad" ani ng lalaki


"Napakalaking halaga ho niyan sir. Pero bakit ho ba ano bang nangyari dito sa taong ito." Tanong ni Lucas


"Bayad ka na. At wala kang karapatang magtanong. Isend mo sa akin ang bank account mo at bukas na bukas makukuha mo ang pera. Pero ito ang tatandaan mo, oras na may makaalam sa pagkatao niya, ikaw ang babalikan ko." Ani ng lalaki


Isang talento ni Lucas ay ang maghack ng tawag at text messages. Kaya naman meron siyang kopya ng mga ito.


"Kailangan ho nating malaman kung sino ang lalaking ito." Ani ni Katarina


"Subalit nakakapagtaka lamang, kumikilos mag-isa si Samantha, pero... maliban na lamang kung may nobyo siya at kasabwat niya ito." Tugon ni Aling Carmen


"Kailangan ho natin ang tulong ni Lucas." Ani ni Katarina


"Anak, hindi ba siya ang nagtago sayo ng katotohanan? Paano ka makakasiguro na tutulungan ka niya hanggang dulo?" Tanong ni Aling Carmen


Napabuntong hininga si Katarina


"Hindi ko na ho alam nay, gusto ko na hong matapos ito. Pero handa ho akong sumugal para malutas na ang suliranin ko." Tugon ni Katarina


Tumango si Aling Carmen.


"So ano ang plano mo? Magpapakilala ka sa kaniya sa katauhan ni Katarina at sasabihin mong ikaw si Kevin?" Tanong ni Aling Carmen


"Kung ito lamang ho ang susi, gagawin ko ho. Pero, mahal ho ako ni Lucas" tugon ni Katarina


Lumapit si Aling Carmen kay Katarina habang nakamasid sa labas ng bintana.


"Hindi madali ang makipag trabaho sa isang tao lalo na at puno ka ng poot sa taong ito. kakailanganin mong ilagay sa isang tabi ang galit na nararamdaman mo para kay Lucas." Paliwanag ni Aling Carmen


"Kakayanin ko naman ho siguro.." tugon ni Katarina


"Gawin mo, kailangan mong maging matatag, sige na magpahinga ka na at bukas kukwentuhan kita tungkol sa buhay mo." Ani ni Aling Carmen


Nagtungo si Samantha sa bahay nina Leonard. Dinatnan niya ito roon ng lasing na lasing. Tinulungan niya itong makahiga sa kaniyang kama.


"Ang bigat mo Leonard," ani ni Samantha


Nang maihiga niya ito, pinagmasdan niya si Leonard. Nakatingin ito sa maamo nitong mukha, marahan niyang hinaplos ang labi nito gamit ang kaniyang hinlalaki.


"Kevin,, sweetie ikaw na ba yan.." delirio ni Leo habang lunod sa alak


Hindi sumagot si Samantha, at napakunot noo na lamang siya. Marahan siyang umalis subalit napaupo siya ng bigla siyang hatakin ni Leonard.


"Sweetie saan ka pupunta?" Muli nitong sambit


Napabagsak si Samantha sa dibdib ni Leonard, sanghap na sanghap niya ang amoy alak nito, pilit siyang kumakawala subalit mahigpit ang pagkakayakap sa kaniya ni Leonard.


"Hindi ako si Kevin! Pwede ba!" Ani niya sabay buong pwersang kumawala


Nangmakawala si Samantha, napangiti siya sa kaniyang naiisip na plano. Hinubaran niya si Leonard at tanging underwear lamang nito ang kaniyang itinira.


Matapos iyon, inalis naman niya ang lahat ng kaniyang saplot at pumasok sa loob ng kumot at humiga sa mga braso ni Leonard.


"Akin ka na ngayon Leonard" sambit ni Samantha


Hindi nagtagal, nakatulog na nga si Samantha sa bisig ni Leonard.


Nagising si Katarina bandang alas 10 na ng umaga. Masakit ang ulo nito at tila may mga memorya siyang bumabalik, subalit malabo ito at wala pang linaw.


"Nay!!!!" Sigaw ni Katarina


Patakbong sumugod si Aling Carmen ng marinig niya ang sigaw ni Katarina


"Anak! Anong nangyari?" Humahangos nitong sambit


"Nay Carmen, naaalala ko na ho ang pagkamatay ng totoo kong nanay. Naalala ko na rin ho ang Mama at Papa, ako nga ho si Katarina Rodriguez. Ako ang unica hija ng Rodriguez." Masayang sambit ni Katarina na may halong pag-luha


"Nako! Salamat naman at unti-unti ng bumabalik ang mga ala-ala mo. Masaya ako para sayo Katarina. Masayang masaya ako.." ani ni Aling Carmen sabay yakap dito


Ngayong araw na ito ang hatid sa katawan ni Kevin Lopez, nagtipon-tipon ang lahat nga mga kaibigan at kakilala niya sa Memorial Park upang samahan siya sa huling sandali.


"Maraming salamat sa lahat aming bunso.." ani ni Sandra at Paula


"Baby.. kung nasan ka man, tulungan mo ako, tulungan mo akong itama ang aking pagkakamali" sambit ni Lucas habang hawak ang bulaklak


Nang oras na, ibinigay na nila ang mga puting rosas, pinagmasdan nila ang pagbaba ng ataol ni Kevin. Ng oras na iyon, naroon si Katarina, nakamasid habang nakatayo sa bandang likuran.


"Paalam Kevin...salamat sa lahat, salamat sa pagiging parte ng buhay ko." Ani ni Katarina sa kaniyang isipan


Matapos ang seremonya, nag-alisan na ang lahat, subalit naiwan si Lucas sa puntod ni Kevin. Naroon din si Katarina habang pinagmamasdan si Lucas, marahan naman siyang lumapit


"Tumayo ka! Kailangan kita" ani ni Katarina


Napalingon si Lucas sa nagsalita at nagulat siya.


"Katarina? Paano?" Tugon at tanong ni Lucas


_____________
🖤🖤🖤comment.vote.share🖤🖤🖤
🖤🖤🖤

🖤 Thank You 🖤

KatarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon