Kabanata 9

102 7 4
                                    

"And we are here" ani ni Leo


"Uhm! Nice place... tamang tama yung sukat sa ginagawa kong plano para sa ospital mo." Tugon ni Kevin


Nakamasid sa kalawakan ng lote si Kevin, hindi niya namalayan pinagmamasdan pala siya ni Leo.


"If you need someone to talk im just here." Ani ni Leo


Lumingon si Kevin at doon nag-umpisa ang pagpatak ng mga luha niya. Inakap siya ni Leo ng mahigpit at hinaplos ang kaniyang likurang bahagi.


"Life is so unfair! Bakit ganito? Bakit nasasaktan pa din ako? Bakit parang araw araw palagi na lamang nananariwa ang sugat na minsay nagmarka sa akin. Kailan pa ba matatapos ito?" Sambit niya habang umiiyak


Napaakap na lamang si Kevin ng mahigpit kay Leo. Kasabay ng pagyakap na iyon ay ang pagbagsak ng malakas na ulan. Nabasa sila sapagkat isang malakas na ulan ang bumuhos. Tumakbo sila patungo sa loob ng sasakyan.


"Im sorry" ani ni Kevin


"You don't have to.. it's fine, nothing to worry" tugon ni Leo


Naghubad si Leo ng kaniyang basang damit, tumambad naman sa harapan ni Kevin ang magandang katawan na ito ni Leo. Six packs of abs, malalaking braso, perfect body kung ika nga nila. Napalunok naman si Kevin habang pinagmamasdan ito.


"Here" ani ni Leo sabay abot ng isang T-shirt


"Magpalit ka, baka magkasakit ka" dagdag pa ni Leo


Nangmakapagbihis na si Leo, ay saka naman naghubad si Kevin, tumalikod pa ito kay Leo bago pa siya mag alis ng pantaas niya.


Nang makita ni Leo ang katawan ni Kevin, napailing na lamang siya, isang sexy curve ng bewang mga balikat na hindi kalakihan na animo'y balikat ng isang babae at ang pumukaw sa kaniya ay ang isang butterfly na tatoo sa may kanang balikat nito


"Thank you Leo.. thank you for everything." Ani ni Kevin


Nagmaneho na si Leo, samantala, nakatulog naman si Kevin dahil sa matinding traffic. Kaya naman minabuti na ni Leo na sa kaniyang condo uit ito dalhin.


Nakarating na sila subalit tulog pa din si Kevin, marahil ay sa sobrang pagod na niya kung kaya't hindi na niya namalayan ang pagbuhat sa kaniya ni Leo.


Marahan siyang inilapag ni Leo sa kaniyang kama, pagkalabag ay muli niyang pinagmamasdan ang mukha ni Kevin. Napalunok ito ng mapadako siya sa mala rosas na kulay ng labi nito.

Hinawakan niya ito ng marahan, at hindi niya mapigilan ang sarili na ilapat ang kaniyang mga labi sa labi ni Kevin.


"Fuck! He's so hot... but im not a gay.. what is this?" Sambit ni Leo sa kaniyang isipan


Wala ng nagawa pa si Leo kung hindi ang halikan ang mga labi ni Kevin, naalimpungatan si Kevin at biglang napadilat ang kaniyang mga mata.


"Leonard!" Pagkagulat niya


Napalayo naman kaagad si Leo at napahaplos sa kaniyang mga mukha


"Im sorry i didn't mean to do that, nadulas lang ako ng maibaba kita." Palusot ni Leo


Bahagyang namula ang mga pisngi ni Kevin. Upang makaiwas binaling niya sa ibang bagay ang usapan.


"Nasan ako?" Tanong ni Kevin


"Don't worry, nasa unit kita, hindi na kita ginising kasi sobrang traffic, hindi rin kita maihatid sa lugar mo kasi may road accident so mas mabuti pa na dito ka na lang muna magpalipas ng gabi sa unit ko." Ani ni Leo


Wala ng nagawa pa si Kevin kung hindi ang manatili. Batid niya na kahit mag-insist siya ay hindi siya papayagan nito.


"Ok take a rest mag luluto lang ako ng dinner natin. If you need anything just call me" ani ni Leo


Tumango lamang si Kevin. Nagtungo na nga sa kusina si Leo upang magprepara ng kanilang dinner.


Humiga si Kevin sa kama at nagmasid-masid sa kaniyang paligid. Doon nakakita siya ng isang portrait na nakasabit sa dingding. Pinuntahan niya ito at sinuri.


"Bakit ko nagawa yon kay Kevin? What is happening?" Mga katanungan na tumatakbo sa isipan niya


Nagbukas siya ng ref at nakakita ng mga frozen na tahong, hipon, saint jacques at calamares. Kaya ang naisip niya ay gumawa na lamang siya ng pasta a la marinera.


"Sino siya?" Tanong ni Kevin sa kaniyang sarili


Pinagmasdang maigi ni Kevin ang itsura ng babae, napakaganda nito, perfect na perfect ang hubog ng mukha at sa bandang baba ng imahe ay nakita niya ang isang pangalan.


"Katarina" bigkas niya sa kaniyang isipan


Napawi lamang ang kaniyang atensyon ng biglang magring ang kaniyang cellphone. Tumatawag pala si Paula, hindi niya ito sinagot at nagpadala na lamang ng mensahe.


"Im at Dr. Melendez house 🙈"

"😡 😁fine umuwi ka ng safe"


Napangiti na lamang si Kevin sa sagot na iyon ni Paula. Pagbaba niya ng kaniyang cellphone, napatingin siya sa bintana, kitang kita roon ang pagtama ng malalaking patak ng ulan.


May isang punto lamang siya na labis niyang ipinagtataka, ito ay kung bakit pamilyar sa kaniya ang desenyo ng bahay.


"Everything is alright?" Pagtatanong ni Leo


"Yes,, anyways can i join you there?" Tanong ni Kevin


"Sure why not!" Ani naman ni Leo


Umupo si Kevin sa bar table at nanood kay Leo habang nag preprepara ng mga sangkap. Umikot naman si Leo at kumuha ng dalawang wine glass at isang bote ng wine.


"Here, while you are waiting" ani ni Leo


"Thank you Leo," nakangiting sambit ni Kevin


"Anong meron sayo Leo, bakit ganito ang nararamdaman ko?" Tanong ni Kevin sa kaniyang sarili



_____________
🖤🖤🖤comment.vote.share🖤🖤🖤
🖤🖤🖤

🖤 Thank You 🖤

KatarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon