Kabanata 20

98 6 2
                                    

Makalipas ang limang buwan, nanumbalik na ang sigla ni Kevin. Wala na siyang gaanong sugat at pasa. Pagdating naman sa trabaho, natutunan lamang niya ang architecture dahil sa pag-aaral nito sa mga gamit ni Lucas.


Minsan nga ay gumawa siya ng project at iyon ang ipinapasa niya kay Lucas para sa exhibit ng kanilang kumpanya. Dahil sa taglay nitong desinyo, pumasok ito at naging top sa bentahan.


"You made a great project!" Ani ni Lucas


Napayakap sa kanya si Kevin, at ng mga oras na iyon, tila tumigil ang mundo, mga paru-paru sa dibdib at liwanag ng paligid ang tangi nilang nararamdaman.



"Sobrang saya ko.." ani ni Kevin


"Ako rin... hindi ko inaaaahan na ikaw ang magiging gabay ko sa pangarap kong ito." Tugon ni Lucas


Hinagod ni Lucas ang pisngi ni Kevin at unti-unting naglalapit ang kanilang mga labi. Hanggang sa pumikit sila at magtama ang kanilang mga labi. Matamis nilang pinagsaluhan ang unang halik nila.


"Sorry...." Ani ni Kevin


"It's fine Kevin..." tugon naman ni Lucas


"Thank you Lucas, hindi mo ako pinabayaan, utang ko sayo ang lahat ng meron ako." Ani ni Kevin


"Walang problema, ang lahat naman ng meron ako ay dahil din sayo. Kung hindi dahil sayo, hindi ako makakapagpasok ng malalaking projects." Tugon ni Lucas


Yumakap ng napakahigpit si Kevin.


"Kevin? Paano if one day bumalik na lahat ng ala-ala mo, iyong malaman mo na ang tunay mong pagkatao, paano tayo?" Tanong ni Lucas


Umagwat si Kevin, at hinawakan ang mga kamay ni Lucas.


"Alam mo Lucas, hindi na mahalaga sa akin ang nakaraan ko, ang mahalaga na ngayon ay ang bagong yugto na aking binubuo kasama ka." Tugon ni Kevin


"Kung ako ang papipiliin ayaw ko ng magbalik pa ang nakaraan ko, natatakot ako, mas ok na ako sa kasalukuyan, masaya, panatag habang nasa poder mo." Dagdag pa ni Kevin


Napangiti si Lucas at muli niyang niyakap si Kevin. Simula ng araw na iyon, umusbong na ang pagmamahalan sa kanilang dalawa.


Makalipas ang pitong buwan, nagdiwang sila ng Unang taon ng kanilang pagkakakilala kasabay ng pitong buwan ng kanilang pagmamahalan.


"Happy 1 year baby, and happy 7 months of love" ani ni Lucas sabay abot ng bulaklak at chocolates


"Oooh you're so sweet baby. Happy anniversary and happy monthsary" tugon ni Kevin sabay halik


"Magbihis ka, may pupuntahan tayo." Ani ni Lucas


"Saan?" Tanong ni Kevin


"Basta, magbihis ka at alam kong magugustuhan mo ang surpresa ko sayo." Nakangiting sambit ni Lucas



Nagmadaling nagbihis si Kevin pumasok siya sa kwarto at naligo.


"Sana makabawi ako sayo kahit sa simpleng bagay na ito, sana kapag dumating na ang araw may isang tayo pa din akong magigisnan." Pabulong ni Lucas


Ilang saglit pa ay lumabas na ito at halata rito ang pag ka excited.


"Let's go baby?" Ani ni Kevin


"Ah yes! Let's go!" Tugon ni Lucas


Sumakay sila sa kotse at huminto sa labas ng kompanya.


"What are we doing here?" Tanong ni Kevin


Bumaba si Kevin at binuksan ang pintuan, bumaba si Kevin at nilagyan niya ito ng blindfold.


"Lucas!!!" Ani nito na may halong pagkatakot


"Relax baby, im just here.. hold my hands... trust me, walang masamang mangyayari." Tugon ni Lucas


Ramdam na ramdam ni Lucas ang panginginig ng kamay ni Kevin habang naglalakad. Habang naglalakad naman ito ay pinakakalma niya ito sa pamamagitan ng pagsasalita niya.


"Ok baby hakbang lang, ako ang bahala, basta pakinggan mo lang ang boses ko, hindi kita iiwan ok?" Ani ni Lucas


"Malapit na tayo baby, konting tiis na lang." Dagdag pa ni Lucas


"And here we are baby! 1, 2, 3" sambit ni Lucas sabay alis ng blind fold


Sa pagkakaalis ng blindfold na iyon ay kasabay naman ng pagputok ng confetti. Dalawang magkasunod na putok ang narinig ni Kevin. Na nagdulot ng marahang pagkakaluhod nito at pagtatakip ng Tenga habang umiiyak.


"Wag! Wag! Parang awa niyo na.. tama na... please... ayoko na..." sambit ni Kevin habang nanginginig sa takot


Nagulat ang karamihan sa opisina. Plinano ni Lucas na isurpresa si Kevin sa pamamagitan ng pagkakatanggap nito sa kanilang kompanya, subalit iba ang inaasahan kesa sa nangyari.


"Baby!" Bulalas sabay akap kay Kevin


Yumakap ng mahigpit si Kevin kay Lucas halos malukot nito ang kwelyo dahil sa sobrang takot. Awang-awa naman sina Sandra at Paula ng makita ang sitwasyon ni Kevin.


Ilang minuto pa ang lumipas bago pa man manumbalik ang lahat kay Kevin. Nasa stage pa si Kevin ng trauma kung kayat madalas siyang atakehin sa tuwing may mga pamilyar na kaganapan sa kaniyang harapan.


"Kevin ok ka na? Huwag kang matakot, ako nga pala si Sandra at ito naman si Paula." Ani ni Sandra


"Pwede mo din kaming mapagkatiwalaan, parang isang ate, hindi ka rin namin papabayaan, aalagaan at mamahalin ka rin namin kagaya ng pagmamahal sayo ni Lucas." Ani naman ni Sandra


"Maraming salamat sa inyong dalawa, humihingi pala ako ng pasensya sa kung ano ang nangyari." Tugon ni Kevin


"Naiintindihan ka namin , huwag kang mag-alala" ani ni Sandra


Simula noon, nagkaroon ng isang bagong pamilya si Kevin sa loob ng kumpanya. Naging aktibo siya roon bilang isang magaling na arkitekto. Hanggang sa lumipas ng lumipas ang panahon at hindi pa rin bumabalik ang kaniyang ala-ala.




🖤END OF FLASHBACK🖤


_____________
🖤🖤🖤comment.vote.share🖤🖤🖤
🖤🖤🖤

🖤 Thank You 🖤

KatarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon