Kabanata 27

74 6 7
                                    

Napangalahati na nilang dalawa ang Alak, tumayo si Kevin at humanap ng isang boteng walang laman, nang makakita ito, bumalik siya kay Lucas.


"Ok game?" Tanong ni Kevin


"Ga—ame!" Tugon ni Lucas na medyo may tama na sa alak


Pinaikot ni Kevin ang bote at sa kaniya ito tumama.


"Ohhohoho... buena mano.. truth or dare" ani ni Lucas na nabuhayan ng Loob


"Siempre truth." Ani ni Kevin


Nag-isip si Lucas ng maitatanong niya.


"Uhm maha mo ako?" Tanong ni Lucas


"Oo naman, mahal na mahal" tugon ni Kevin sabay halik


Pinaikot naman ni Lucas at kay Kevin ito muling huminto at kagaya ng kanina Truth ang kaniyang pinili. Tuwang-tuwa naman si Lucas dahil siya muli ang magtatanong.


"Mahal mo ba si Dr. Melendez?" Tanong ni Lucas


"Mas mahal kita Lucas.." tugon ni Kevin sabay abot ng alak


Pinaikot ni Lucas ang bote at sa kanya naman ito nahinto. Nawala ang saya nito, nagtanong si Kevin at pinili nito ang Dare.


"Shot this." Inabot ni Kevin ang isang baso na may mataas na tagay ng alak


Walang nagawa si Lucas kung hindi ang inumin ito, sapagkat ayaw niyang sumagot ng Truth.


"Konting alak pa lalambot ka na." Ani ni Kevin sa kaniyang isipan


Napapikit naman si Lucas matapos mainom ang alak. Kinuha ni Lucas ang bote at itinapon palayo.


"Bakit?" Tanong ni Kevin


Akmang tatayo si Kevin ng bigla siyang hawakan ni Lucas. Napaupo ito sa tabi ni Lucas, inihilig naman ni Lucas ang kaniyang ulo sa balikat ni Kevin. Kinuha ang kamay nito ay kaniya itong hinawakan at inilapat sa kaniyang mga labi.


"Baby, mahal na mahal kita" ani Lucas


Hindi umimik si Kevin, nakikinig lamang siya sa sinasabi ni Lucas.


"Natatakot ako, natatakot ako na baka isang araw tuluyan ka ng mawala sa akin." Ani Lucas


"Alam ko nasaktan kita, sakit na hindi na mababago pa kahit ano pang gawin ko, alam ko sa sarili ko na hindi mo ako mapapatawad. Pero sana baby, balang araw manatili pa rin ako sa puso mo kahit kaibigan na lamang ang turing mo sa akin." Dagdag pa niya sabay pag-agos ng luha


Hindi namalayan ni Kevin na pumapatak na rin ang kaniyang mga luha. Hanggang sa tingnan niya si Lucas at ito ay nakatulog na. Marahan niyang ibinaba ang ulo ni Lucas patungo sa kaniyang nga binti.


"Mahal kita Lucas, mahal na mahal pa rin kita, hindi ko nga alam, pero kahit anong pagpipigil ko sa sarili ko, patuloy pa rin akong nasasaktan." Sambit ni Kevin

"Kahit pala anong tibay na pinapakita ng isang tao, sa loob nito nandoon ang sakit. Sakit na bumabasag sa matibay mong pundasyon" dagdag ni Kevin


Hinaplos ni Kevin ang ulo ni Lucas.


"Pero alam mo kung ano ang mas masakit sa ipinagpalit?" Tanong niya kahit tulog si Lucas


"Mas masakit pa roon ang madiskubre na ang taong mahal na mahal ko ay may tinatago sa akin patungkol sa tunay kong pagkatao" umiiyak na sambit ni Lucas


"Bakit Lucas?? Bakit ako pa??" Tanong ni Kevin habang dumadaloy ang luha


Habang hinahaplos ni Kevin ang noo ni Lucas, nakita niya ang isang peklat, isang peklat na nagpaalala sa kaniya noong isang gabi na may sumsunod sa kaniya sa restaurant.


Dito niya nakumpirma na si Lucas ang lalaking iyon, dahil iyon rin ang peklat na nakita niya ng subukan niyang kalabanin ang lalaki ng gabing iyon.


Marahang umalis si Kevin at nagtungo kaagad sa kaniyang hideout dala dala ang tape recorder. Wasak na wasak ang puso at isipan niya.


Pagkapasok niya, napaluhod siya sa sobrang lungkot. Hindi siya makapaniwala na sa loob ng pitong taon naniwala siya sa kasinungalingan.


"Ang sakit.... Sobrang sakit... bakit kailangan pang mangyari ito... bakit siya pa... bakit siya pa.." hagulhol ni Kevin


Sa kaniyang pagkakalugmok, pumasok sa kaniyang isipan ang mga masasayang araw nila ni Lucas. Masasayang araw na hindi niya inaasahang magtatapos balang araw.


Nagising si Lucas at namalayan niyang wala na si Kevin. Napalingon siya sa ilalim ng kama at napansin niya na iba ang ayos ng kahon sa ilalim.


Napabalikwas siya at kaagad na kinuha ang kahon. Pagbukas niya, gulat na gulat siya at kaagad hinanap ang recording tape.


"Fuck! No hindi pwede! Hindi pwedeng nakuha niya ito!" Ani ni Lucas na bakas ang takot


Sinubukan niyang tawagan si Kevin subalit nakapatay ang cellphone nito. Nagbihis siya at nagmamadaling nagtungo sa appartment nito.


Makaraan ang ilang saglit, nakarating siya subalit walang tao roon. Sinubukan niya muli ang magdorbell subalit walang nagbubukas. Napasuntok siya sa pader ng napakalakas na nagdulot ng sugat sa kaniyang mga kamao.


"No!!! Kevin... im sorry... im so sorry..." sambit niya habang dumadaloy na ang kaniyang luha


Tumayo si Kevin at naupo sa sofa. Kinuha niya ang recording tape at kaniya itong pinagmasdan.


"Sana mali ang hinala ko, sana walang kinalaman ang laman nito, sana hindi,, dahil hindi ko alam ang gagawin ko.." ani niya sa kaniyang sarili


Pinindot niya ang button at nagsimula ng magplay ang mga voice record doon. Nagsasalaysay si Lucas patungkol sa unang araw na nakita niya si Kevin.


"Day 1 ng makita ko siya, walang malay, sugatan, at tila binugbog ng maraming kalalakihan. Nakita ko siya sa isang damuhan hanggang sa may nakita akong mga lalaki na papalapit"


Hahang kaniyang pinakikinggan, bigla itong naputol ng may nagdorbell sa labas. Maraha siyang naglakad at nagtungo sa may pintuan. Sumilip siya at si Lucas iyon.


"Paano niya nalaman na narito ako?" Tanong niya sa kaniyang sarili



_____________
🖤🖤🖤comment.vote.share🖤🖤🖤
🖤🖤🖤

🖤 Thank You 🖤

KatarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon