Naudlot ang dalawa sa kanilang ginagawa, nagtungo palabas si Leo at kaniyang sinilip kung sino ang naroroon, subalit wala siyang nakita maski anino.
Sa puntong iyon, mas napatunayan pa ni Lucas na si Dr. Melendez nga ang bagong umaangkin sa kaniyang ex-boyfriend.
Pagbalik ni Leo, naghahanda na si Kevin para sa kanilang dinner. Lumapit si Leo sa bandang likuran at umakap ito sa kanya at saka uli humalik.
"Let's eat?" Ani ni Kevin
"Sure but after this.." pangungulit ni Leo
"Noooo... we need to eat dinner and after i need to go back to work." Ani ni Kevin
"Fine,, let's have a dinner." Tugon ni Leo
Habang kumakain, pumasok sa isip niya si Katarina.
""Leo? Have you been in a relationship?" Ani ni Kevin
"Uhm like what kind of?" Tugon ni Leo
"Like couple, partner, engage?" Ani ni Kevin
Ilang saglit natahimik si Leo, uminom ito ng wine at saka siya muling nagsalita.
"Yes i have been in a relationship with a woman." Tugon ni Leo
Nang makahanap na ng tiempo si Kevin doon na siya nagtanong.
"So where's the girl? Who is she?" Tanong muli ni Kevin
"She's gone, by a car accident." Malungkot na tugon ni Leo
"Sorry to hear that, but who is she? Is she's pretty?" Ani ni Kevin
"Well she is very pretty, like a goddess with a very sexy body. And her name is..." ani niya ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone
Pagtingin niya, tumatawag si Carmen, ibig sabihin May emergency sa anak niya. Kaagad namang nagpaalam si Leo at nagmamamadaling nagtungo sa Ospital.
"Very interesting Leo,, hindi mo man lang nasabi na engage ka.. ano ang pinaplano mo? Ano ang tunay mong pakay?" Sambit ni Kevin ng makaalis si Leo
Bumalik siyang muli sa kaniyang computer at muling nagbasa ng article patungkol kay Katarina. Lumalalim na ang gabi at hindi na niya namalayan na naka-idlip na siya.
"Nay Carmen, ano po ang nangyari?" Ani ni Leo
"Ang anak ko Doc" hagulhol ni Carmen
Tinungo kaagad ni Leo ang kwarto at madaling sinuri ang bata, kaagad naman siyang tumawag na ihanda ang OR as soon as possible.
Mas lalo pang nataranta si Aling Carmen, nang dalhin sa operating room ang kaniyang anak. Tanging hagulhol lamang ang kaniyang pwedeng gawin sapagkat pinipigilan siya ng mga nurse.
Si aling Carmen ang matalik na kaibigan ng kaniyang ina, bagamat wala ng ina si Leo kaya naman si Carmen na ang tumayong ina nito.
"We need AB- blood" ani ni Leo
"Ok doc ichecheck ko po sa blood bank" tugon ng nurse
Bumalik ang nurse at malungkot ang kaniyang mukha.
"Doc out of stock po ang AB- wala pa po tayong donor ulit." Ani ng nurse
"Ok hold the operation we need AB- bago isagawa ang operasyon" tugon ni Leo
Sinuri ng nurse ang nanay subalit hindi sila match ng dugo, ang kamatch ng dugo ng bata ay ang ama nito subalit sumakabilang buhay na ito. Sinubukang maghanap ni Leo ng mga kaibigan niya na may ganoong klase ng dugo.
"Tulungan mo ako..." boses ng isang babae
Sa isang madilim na lugar, naglalakad si Kevin, walang kahit anong makita, kung hindi ang isang iyak ng babae.
"Nasan ka? Sino ka?" Tanong ni Kevin
Nagpatuloy siyang maglakad at wala pa din siyang natatanaw na liwanag, tanging ang boses lamang ng babae ang kaniyang naririnig.
"Parang awa mo na tulungan mo ako." Aning muli ng babae
Nang makatanaw siya ng liwanag, nasilaw siya roon at napapikit subalit sa pagdilat ng kaniyang mga mata cellphone pala niya ang nagbibigay liwanag sapagkat tumatawag si Leo.
"Hey kevin, i need your help.."
"What happened? What kind of Help?"
"I need AB negative blood do you know someone?"
"I am AB negative but i can't donate now may alcohol ang katawan ko."
"No problem we can do it by tomorrow."
"Ok Leo.."
"Thank you sweetie..."
Napsuklay siya sa kaniyang buhok matapos ibaba ang tawag. Pagtama ng kaniyang mata sa screen nakita niya ang isang video ng proposal ni Leo para kay Katarina. Pinanood niya ito at naantig siya sa kung paano ito nag propose.
"Thank you sweetie"
Pumukaw sa kaniya ang salitang ito sapagkat ito ang huling sinabi ni Leo sa kaniya kani-kanina lamang.
"What is happening? Naguguluhan na ako." Ani ni Kevin habang nakasapo sa kaniyang ulo
"May babaeng humihingi ng tulong sa aking panaginip, bakit sa akin? Bakit ako?" Tanong pa niyang muli.
Muling pinagmasdan ni Kevin ang larawan nina Leo at Katarina. Subalit may isa pa siyang napansin sa litrato, sa kanang braso ni Katarina na may suot na bracelet at makikita ang pasa.
Napahawak siya sa kaniyang pulsuhan at pinagkumpara ang mga ito. Same size, same place napatayo si Kevin at napawika
"KATARINA"
_____________
🖤🖤🖤comment.vote.share🖤🖤🖤
🖤🖤🖤🖤 Thank You 🖤
BINABASA MO ANG
Katarina
RandomIsang LGBTQ member na minsang nagmahal subalit palagi na lamang nasasaktan. Napuno siya ng puot kung kaya't bumangon siya sa kaniyang pagkakalugmok at sinubukang lumaban at ipaglaban ang kaniyang karapatan bilang isang tao.