Lumipas ang isang linggo at unti-unting nagbabago si Kevin. Inilipat siya sa isang pribadong kwarto kung saan naroon na lahat ng gamit. May isang anonymous person ang nag bigay ng pera para sa medication fee ni Kevin.
"Please wake up.." ani ni Lucas
Gumalaw ang kamay nito, nagmamadali namang pinindot ni Lucas ang button para tawagin ang atensyon ng attending nurse at doctor.
"Doc, nakita kong gumalaw ang kamay niya" ani ni Lucas
Kaagad na sinuri ng Doctor ang mata ni Kevin, at nakita niyang sumusunod na nga ito.
"It's a good sign, lumalaban ang pasyente" ani ng Doctor
"Magandang balita nga po iyan Doc, sana po ay tuluyan na siyang gumaling upang malaman na natin kung ano ba talaga ang nangyari sa kaniya." Tugon ni Lucas
"We hope for that, sana nga, so i need to go. Its good that you are here, para naman may naririnig siya na kasama niya." Ani ng doctor
Lumabas na ang doctor, nagpunta naman si Lucas sa tabi ni Kevin at naupo.
"Pag-gising mo, aalalayan kita, hindi kita iiwan." Ani ni Lucas
Nakita ni Lucas na pumatak ang luha ni Kevin, pinunasan niya ito at hinawakan niya ang kamay nito.
"Lumaban ka, huwag kang matakot." Ani pa ni Lucas
Nang ramdam niyang natutulog na uli si Kevin, kinuha niya ang kaniyang laptop at saka siya nagtrabaho. Habang siya ay nagtatrabaho, nakaramdam siya ng antok kung kaya't napahipig siya sa isang upuan.
Sa kailaliman ng gabi, naalimpungatan si Lucas sa isang sigaw, napabalikwas naman siya at kaagad na nilingon si Kevin.
"Ke—keviiinn!!!" Ani ni Lucas
Kaagad niyang pinindot ang button at dumating agad ang mga nurse. Nagkamalay na si Kevin at nagwawala ito na tila ba ay nais niyang alisin ang tubo sa kaniyang bibig.
Lumipas pa ang kalahating oras bago pa maalis ang tubo sapagkat kailangang ang doctor nito ang magcheck bago ito alisin.
"Uhhhhh haaaa" hingal na sambit ni Kevin
Lumingon siya at iginalaw ang kaniyang mga mata mula kanan hanggang sa kaliwa at batid sa mga matang iyon ang takot na bumabalot. Umiyak si Kevin habang nakaakap sa kaniyang sarili.
"Nasan ako???"
"Bakit wala akong maalala???"
"Sino kayo???"
At pagkatapos noon ay ang isang makabagbag-damdaming pagluha nito. Batid ni Lucas ang hirap na pinagdadaanan nito, marahan siyang lumapit, at saka niya ito niyakap.
"Huwag kang matakot, kakampi mo ako" ani ni Lucas
Nakahanap si Kevin ng taong magiging kampante siya, marahan niyang niyakap si Lucas hanggang sa naging mahigpit ito.
"Tulungan mo ako.. natatakot ako..." paulit-ulit na sambit ni Kevin
"It's alright Kevin,, everything will be alright" ani ni Lucas
"Kevin? Ako si Kevin?" Tanong ni Kevin
Tumango na lamang si Lucas. Nang makita ng Doctor na kampante na ang pasyente, iniwan na nila ito upang makapagpahinga.
Inihiga ni Lucas si Kevin ng dahan-dahan at kinumutan. Nang paalis na si Lucas, hinawakan siya ni Kevin.
"Can you stay besides me?" Ani ni Kevin
Ngumiti naman si Lucas at naupo sa tabi nito hanggang sa makatulog.
"Im sorry..." sambit ni Lucas sa kaniyang isipan
Kinaumagahan, isinama ni Lucas si Kevin patungo sa labas ng ospital upang makalanghap ng sariwanf hangin.
"Lucas, salamat huh," ani ni Kevin
"Huh? Para saan?" Tanong ni Lucas
"Sa pag-aalaga mo sa akin, kahit na hindi mo ako kaano-ano" ani ni Kevin
"Sus! Wala iyon, hindi naman mahalaga kung kaano-ano mo ang tao kung gusto mo itong tulungan." Tugon naman ni Lucas
Napangiti si Kevin at tumingin ito sa kalangitan, ipinikit ang kaniyang mga mata at sa pagpikit niyang iyon isang malagim na pangyayari ang hindi niya inaasahang babalik.
"Ano papatayin na ba natin ito?" Tanong ng lalaki
"Hindi pa wala pang sinasabi si Boss!" Tugon ng isa
"Sayang ang ganda pa naman" ani ng isa
"Ang sabi lang ni Boss pahirapan." Ani ng pinkapinuno
Sinampal niya ito at natanggal ang pagakakapiring sa kanya.
"Mga hayop kayo! Magbabayad kayo kapag nalaman ni Papa ang mga ginagawa niyo sa akin!" Ani niya
"Tumahimik ka!" Tugon ng lalaki sabay hampas ng kahoy
Umagos ang dugo mula sa kaniyang ulo.
"Pare napatay mo na yata!" Ani ng lalaki
"Bilis! Kailangan na natin siyang idespatsa." Tugon ng lalaki.
Bago pa siya itapon, kinalbo pa siya at sinipa sipa sa may bahagi ng tiyan. Inilagay siya sa comporter ng sasakyan at nagmamadaling magmaneho ang lalaki. Dahil sa kalasingan, naaksidente sila, bumangga sila sa isang kahoy.
"Putang ina pare! Idadamay mo pa kami! Ani ng isang lalaki
Nagmadali silang lumabas ng kotse at iniwan na nila ito ng may makita silang paparating na kotse.
Napaluhod si Kevin habang sapo-sapu ang kaniyang ulo. At sumigaw ng napakalakas.
"Tamaaaaaaa naaaa!!!!!" Sigaw ni Kevin habang pumapatak ang luha
Patakbong yumakap si Lucas at naramdaman niyang muli ang hirap ni Kevin. Kahit siya ay napaluha na lamang ng mga oras na ito.
"Sssshhhh... relax halika ka na sa loob" ani ni Lucas
Marahang itinayo ni Lucas si Kevin, at inakay patungo sa kaniyang kwarto. Nang makarating sila doon, chineck kaagad ng Doctor si Kevin. At binigyan ng pampakalma.
_____________
🖤🖤🖤comment.vote.share🖤🖤🖤
🖤🖤🖤🖤 Thank You 🖤
BINABASA MO ANG
Katarina
RandomIsang LGBTQ member na minsang nagmahal subalit palagi na lamang nasasaktan. Napuno siya ng puot kung kaya't bumangon siya sa kaniyang pagkakalugmok at sinubukang lumaban at ipaglaban ang kaniyang karapatan bilang isang tao.