Kabanata 23

74 5 1
                                    

Pumikit siya at nang handa na siya, sinipa niya ang pundiyo ng lalaki gamit ang kaniyang sakong. Sa pagkakataong iyon, nasapo ng lalaki ang kaniyang ari dahil sa lakas ng pagkakatama rito.


"Fuck!" Sigaw ng lalaki


Tinutukang muli ng lalaki si Kevin. Sinipa niya ang kamay nito at napatalsik ang baril dito. Lumaban ang lalaki, nasuntok niya ang sikmura ni Kevin  at napahiga ito sa sakit.


"Ahhh!" Impit na sambit ni Kevin


Nang muli siyang susuntukin ng lalaki, nahagip niya ang baril at naihampas sa ulo ng lalaki. Kumaripas naman ng takbo ang lalaki ng may mga dumating na pulis.


"Kevin..." sigaw ni Paula


Nagmamadaling pinuntahan ng dalawa ang kaibigan.


"Ok lang ako.. habulin natin siya.." ani ni Kevin


"Ano bang pumasok sa isip mo at hinabol mo siyang mag-isa paano kung mapahamak ka? Ano na lang ang sasabihin sa amin ni Leo." Tugon ni Paula


"Siya ang susi sa lahat nga katanungan ko. Sayang... sayang at nakatakas siya" ani ni Kevin


Ibinangon siya ng dalawa at iniupo, ng mahimasmasan hiningan siya ng salaysay ng mga pulis. Ikwento niya ang nangyari, subalit hindi niya inamin ang dahilan kung bakit niya ito hinabol.


"Nakita ko ho siyang kumukuha ng litrato sa aming tatlo. Kaya natakot ako at hinabol ko siya hanggang sa tutukan niya ako ng baril. Natakot naman ho ako kaya napilitan kong ipagtanggol ang aking sarili." Salaysay ni Kevin


Matapos iyon, umalis na ang mga pulis at nireview ang cctv footage ng restaurant. Umuwi na rin sila sa kani-kanilang mga bahay.


🖤END OF FLASHBACK🖤


"Sa inyong tatlo iikot ang aking mga katanungan" ani ni Kevin


Muling nag-isip si Kevin sa mga nangyari. Ang sabi sa kaniya siya at natagpuan sa loob ng comporter ng sasakyan katabi ng Isang ID,


"Maaaring ang sasakyan na iyon ay kay Kevin Lopez" ani ni Kevin


"Nakakapagtaka, bakit walang plate number ang sasakyan? Hindi naman daw ito abandonado ayon sa police report na ibinigay sa akin ni Lucas." Sambit muli ni Kevin


Nabaling ang atensyon ni Kevin Kay Lucas.


"May alam ka ba sa tunay kong pagkatao? Lucas Importa" tanong muli niya


"Kung may alam ka, pwes kailangan kitang balikan para makuha ko ang kasagutan ko." Dagdag pa niya


Napangiti si Kevin sa kaniyang plano. Kung totoo ang kaniyang hinala tiyak dalawang isda ang kaniyang mahuhuli.


Matapos siyang magreview, sinilip niyang muli ang labas at saka siya marahang umalis. Nakiramdam siya sa buong paligid at batid niyang walang tao roon maliban sa kaniya.


KatarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon