"What?? Anong hindi mo makuha ang cctv footage ng hospital?" Tanong ni Imelda
"Sorry Boss! Pero naka encrypt ang data at hindi ko ito mapasok.." tugon ng tauhan ni Imelda
"No! Hindi pupwede! Gumawa ka ng paraan! At huwag kang tatawag hanggang wala kang magandang balita!" Ani ni Imelda
Kaagad na pinatay ni Imelda ang tawag.
"Mama! Ang ganda ng gown na napili ko sana bagay ito sa akin sa araw ng kasal ko." Ani ni Samantha
"Bagay na bagay sayo yan amore... alam kong ikaw ang pinakamagandang bride sa araw na iyon." Tugon ni Imelda
Niyakap niya ang anak na may tamis na ngiti. Subalit sa loob ng ngiti na iyon ay ang pangamba niyang pilit na itinatago.
Habang nasa elavator si Leo, nagpasya siyang tawagan si Samantha.
"Hello Honey.." ani ni Samantha
"How are you? Im here at the office.." tugon ni Leo
"Im good.. i missed you.. can we see each other?" Ani ni Samantha
"Good to hear that! But i have a lot of things to do at the office today." Tugon naman Leo
Napabuntong hininga ng malalim si Samantha.
"Listen Samantha, i called you because..." naudlot na sambit ni Leo
Pagbukas ng elevator, may isang babaeng lumabas at tila pamilyar kay Leo ang postura nito. Napahinto siya sa pakikipag-usap kay Samantha at naging tulala habang biglang pumasok Sa kaniyang isipan si Katarina.
"Kat???" Pabulong na sambit ni Leo
Magsasara na ang elevator ng bigla niyang harangan ito upang siya ay makalabas. Habang nasa kabilang linya naman si Samantha ay dinig na dinig niya ang pagbanggit ni Leo.
Tila tinutusok siya ng isang napakatalim na bagay. Sa Sobrang sakit, hindi na niya naiwasan pa ang mapaiyak. Binaba na niya ang tawag at nagmamadaling nagtungo sa kaniyang kwarto.
Patuloy sa paglalakad si Leo habang sinusundan ang babae. Nang malapit na siya rito, nahagip niya ang kamay nito.
"Katarina..." sambit ni Leo
Napahinto ang babae, marahan siyang humarap.
"Yes sir? Can i help you?" Ani ni Camille
"Oh! Im sorry..." tugon ni Leo
Ngumisi na lamang si Camille at nagtungo sa kaniyang opisina.
"Fuck! What is that Leo!!!" Ani niya sa kaniyang isipan
Nang maalala naman niya si Samantha, doon niya naisip na nasa kabilang linya pa ito. Tiningan niya ang kaniyang telepono subalit wala na sa linya niya si Samantha.
BINABASA MO ANG
Katarina
RandomIsang LGBTQ member na minsang nagmahal subalit palagi na lamang nasasaktan. Napuno siya ng puot kung kaya't bumangon siya sa kaniyang pagkakalugmok at sinubukang lumaban at ipaglaban ang kaniyang karapatan bilang isang tao.