Kinabukasan nagtungo na sina Katarina at Lucas sa rest house. Pagdating nila roon, marahang naglakad si Katarina at tila pinakikiramdaman ang sinasabi ng kaniyang puso.
Lumakad siya patungo sa harap ng pinto, hinawakan niya ang kanang bahagi nito at tila pamilyar ang bahaging iyon.
Tahimik namang nakamasid sa kaniya si Lucas habang patuloy siya sa pagkapa ng tabla. Maya-maya pa ay nakaramdam siya ng isang sikretong lagusan.
Hinigit niya iyon at napangiti siya ng makuha ang susi ng pintuan. Napalingon siya kay Lucas sabay pakita ng susi.
"Lucas" sambit niya habang hawak ang susi
Habang sinusubukan ni Katarina na ipasok ang susi, hindi naman niya maiwasan ang kaba. Kaba na kung ano ang naghihintay sa kaniya sa loob.
"Please...." Sambit niya sa kaniyang isipan
Hindi nagtagal, nabuksan niya ang pintuan. Pumasok na siya at sumunod naman si Lucas.
"Lucas... this place.." ani ni Katarina
Lumapit sa kaniya si Lucas
"May naalala ka na ba?" Tanong ni Lucas
Nagtungo si Katarina sa kwarto, hinawakan niya ang kama at kinuha ang unan. Inakap niya ito at doon namutawi sa kaniyang isipan ang naganap sa kanila ni Leonard.
"Amore mio!" Sambit ni Katarina
Pagpikit niya, unti-unting pumatak ang kaniyang luha.
"Amore mio bakit, saan pa ba ako nagkulang.." tanong niya habang akap-akap ng mahigpit ang unan
Pinunas niya ang kaniyang luha at nagtungo sa isang tokador. Naupo siya at humarap sa salamin. Hindi naglaon, nakita niya ang jewelry box.
Kinuha niya ito at marahang binuksan, nakita niya ang kwintas. Inangat niya ito at pinagmasdan. Nakita niya ang pendant at kaniya itong binuksan. Doon bumungad sa kaniya ang larawan ng kaniyang mga magulang.
"Katarina our lovely daughter, we will always love you no matter of who you are.." ani ni Winona
"We are so lucky to have you. You changed our lives.." tugon naman ni Francesco
Saka naman nila ibinigay ang kwintas na ito.
"Mama, Papa... miss na miss ko na po kayo.." sambit niya sabay patak muli ng luha
Pinagdaop niya ang kaniyang mga palad at kaniya itong inilapat sa kaniyang puso na tila ay akap-akap niya ang mga ito.
Sumunod niyang nakita ay ang bracelet na regalo sa kaniya ni Leonard
"Amore, happy birthday. I love you so much.." ani ni Leonard sabay halik
At ang huling pumukaw sa kaniyang atensyon ay ang engagement ring nila ni Leonard. Nang makuha niya ito, nanginginig ang kaniyang mga kamao. Nginig dahil sa matinding galit.
"Are you ok Katarina?" Tanong ni Lucas
Tumingin lamang si Katarina sa salamin habang pinagmamasdan ang kaniyang sarili habang lumuluha.
🖤FLASHBACK🖤
_engagement party_"Is everything set?" Tanong ni Leonard
"Yes sir! Everything is ready."tugon ng event organizer na si April
Masayang nakapanood si Leonard sa mga nag-aayos ng venue. Ang tema ng event ay mascarade party. Isang event na kung saan mga bigatin na negosyante ang mga inimbitahan bilang pangunahing mga bisita.
"Good! How about the Sounds and etc?" Tanong muli ni Leonard
"Sir, relax everything is under control." Ani ni April
Ngumiti na lamang si Leonard, kaba ang kaniyang nadarama ng mga oras na ito. Hindi nagtagal, umalis na siya sa venue upang siya ay maghanda ng kaniyang sarili.
Pagsapit ng gabi, nagsisimula ng dumating ang mga bisita. Panay naman ang lingon ni Leonard at hinahanap si Katarina.
"Amore where are you?" Tanong niya sa kaniyang isipan
Habang naglalakad sa gitna, may isang babaeng nakamaskara ang biglang humalik kay Leonard.
"Oops excuse me..." ani ng babae
Ipinag walang bahala na lamang iyon ni Leonard at nagtungo siya sa may bulwagan. Tiningnan niya ang listahan at wala pang Rodriguez ang dumarating.
"Good evening ladies ang gentlemen. Welcome to out Mascarade gala night!"
Mag-uumpisa na ang party subalit wala pa rin sina Katarina. Hindi nga nagtagal, tinawag na ni April si Leonard.
"And now before we start this party let me present you the presence of our very own Mr. Leonard Melendez" masiglang sambit ni April
Kumaway siya at saka naglakad patungo sa unahan. Iniabot sa kaniya ni April ang microphone upang magbigay siya ng speech.
"Thank you so much my dear friends for coming into this Mascarade Gala Night. Tonight we are all here to support a life with a cause. And i am very proud to all of you for coming into this wonderful evening, again ladies and gentlemen im Mr. Melendez giving you a warm welcome" maikling pahayag ni Leonard
Matapos niyang magsalita, bigla namang bumukas ang pintuan ng bulwagan at iniluwa nito ang isang babae na naka silver ng gown. Agaw pansin ito sa ganda ng hubog ng katawan at ang kinang ng kaniyang damit habang nasisilayan ng ilaw.
"Katarina.. amore..." masayang sambit ni Leonard.
Naglakad si Leonard patungo sa kinatatayuan ni Katarina. Binigyan niya ito ng isang halik sa noo at saka niya kinuha ang kamay nito upang ilagay sa kaliwa niyang baraso at saka sila naglakad.
"Im sorry im late.." pabulong ni Katirina habang naka ngiti
"It's fine no problem." Tugon ni Leo sabay tingin sa kaniya
Naramdaman sa buong silid ang kilig at tuwa ng mga bisita habang sila ay nakamasid sa dalawa.
"Sige lang mag-enjoy ka lang Katarina.. baka ito na ang huling gabi mo na masaya ka." Sambit ni Samantha
Ang babaeng humalik kay Leonard ay walang iba kung hindi si Samantha. Nakamasid ito habang umiinom ng alak.
_____________
🖤🖤🖤comment.vote.share🖤🖤🖤
🖤🖤🖤🖤 Thank You 🖤
BINABASA MO ANG
Katarina
AléatoireIsang LGBTQ member na minsang nagmahal subalit palagi na lamang nasasaktan. Napuno siya ng puot kung kaya't bumangon siya sa kaniyang pagkakalugmok at sinubukang lumaban at ipaglaban ang kaniyang karapatan bilang isang tao.